Isang taos pusong pasasalamat ang gusto kong sabihin sa lahat ng nagpadala ng picture greetings nila. Isa lang ang masasabi ko "kay gwagwapo at kay gaganda nyo pala". Sobrang naligayahan ako sa pinadala nyo.Gusto ko sanang i post yung mga pinadala nyo pero ang pag loloading palang isang picture sobrang tagal samahan mo pa ng bigla kang ma disconnect. Isa lang ang dahilan ng lahat ng iyon, sobrang bagal ng internet ko ngayon. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na lumipat kami ng bahay at dahil sa gusto ng aking minamahal na ina na magbago ng internet, gusto daw nya yung may kasamang telepono na hindi ko naman alam kung sino ang magiging katawagan nya dahil yung kaibigan nya na magiging katawagan nya e kapitbahay na namin ngayon.At iyon nga dahil sa gusto iyon ng aking ina pinaputol nya yung dati naming internet kaya ngayon wala kaming ginagamit. Hiniram ko na lang yung sun broadband ng ate ko na pa usb ang itsura. Nilolowdan ko na lang yun para may magamit ako, nagagastusan na nga ako mabagal pa yung gamit ko. Hindi na rin tuloy ako makapag download ng movies.
At iyan nga po ang dahilan ng lahat. Kapag mabilis bilis na yung net ipapakita ko sa inyo yung bigay nila sa akin. Plus yung isang regalong natanggap ko mula sa aking mahallllllllllllllllllllllllll...... ^__^
Pasensya na din kung hindi ako makabisita sa inyong bahay bahay. O pano hanggang sa muli. Kita kits sa 2011!! ^___________^
Thursday, December 23, 2010
Salamat sa Inyo
Posted by darklady at 6:51 AM 5 nag effort bumasa
Thursday, November 11, 2010
Lipat Bahay
Naranasan nyo na ba maglipat bahay? Hindi lipat kapitbahay ah. Yung tipong panibagong bahay na naman ang titirhan nyo.
Kung ako ang inyong tatanungin isang malaking "OO" ang sagot ko. Halos lahat na yata ng apartment dito sa Bulacan e napasok ko na at alam ko na mga itsura. Sa ilang beses ba naman namin na lumipat hindi na bago sa akin yun kundi nakakapagod lang.
Sa pagkakaalam ko wala naman kami utang na tinatakasan para magpalipat lipat ng bahay. Siguro sadyang ganon lang talaga kahirap maging artista.lol
Sa pagkakatanda ko naka 11 beses na kami lumipat ng bahay at pang 12 na yung ngayon. Oo tama ang inyong nababasa kalilipat lang namin ngayon ng bahay. O diba parang wala lang magawa at lumipat na lang.
Para mas madali nyo maintindihan ang kwento ng aming paglilipat. Ilan sa dahilan kung bakit kami nalilipat ng bahay ay dahil sa mga alagad na nasa paligid namin. Like twing umuulan naglalabasan ang kampon ng mga ipis at dinudumog kami. So kadiri diba? nasa bahay ka na nga lang mag aamoy ipis ka pa. Yung isa naman masyado yata akong sikat kaya lagi ako sinusundan ni ahas. Pag nasa banyo ako aba'y naninilip, pag magsasalamin naman ako nasa likod pala ng salamin at hanggang sa pagtulog gusto pa tumabi sa akin. Overrrr ah! Hindi ka kaya pangilabutan nun pag ganon nangyari sayo? Ilan pa lang yan sa mga dahilan may pasok na ako sa school kaya hanggang dito na lang. ^_^
P.S
Yung picture greetings nyo ah. pleaseeeeeeeeee!!
Posted by darklady at 3:18 PM 14 nag effort bumasa
Sunday, November 7, 2010
Picture Greetings
Alam na! Sa title pa lang at picture hindi nyo pa ba nahahalatang ako'y nagmamakaawa na bigyan nyo ako ng "picture greetings" para sa nalalapit kong ika 18th na kaarawan.lol Ok fine magsasabi na ako ng totoo magbigay lang kayo.
Sa December 06 goodbye and hello ang drama ko. Goodbye sa line of 1 and hello na sa line of 2 meaning mag 20 na ako.
May isang buwan pa naman bago ako mag birthday sadyang excited lang talaga ako na manghingi. Alam nyo kasi hindi pa ako nakakatanggap ng ganong bagay sa birthday ko kaya im so excited na!!!!
Kaya dali na padala na kayo. Isend nyo lang po sa iamdarklady@yahoo.com. Ang deadline ay December 01,2010. Bakit sa december 01 na? e kasi gusto ko bakit ba!! ^_____^ I love you all!! (wink)
Posted by darklady at 8:07 AM 17 nag effort bumasa
Thursday, November 4, 2010
Award! Award! Award!
Namahinga ako ng ilang linggo sa aking bahay ( blog) at hindi ko inaasahan na makakatanggap pa ako ng award. Na touch naman ako ^_^ Salamat kay Ben.
Ito yung magandang award na katulad ko na natanggap ko. At nais ko rin itong i share sa iba pang magaganda at nag ggwapuhang bloggers. Heto na po sila...
Drake (pogi daw)
-Isa sa mga kuya ko dito sa blogsphere at iniidolo ko sa kanyang natatanging talento sa pagsusulat.
Glentot
- Cool at magaling na blogger.
Jepoy
- Seryosong blogger daw, yun sabi nya pero pag binasa mo ang kanyang mga post talagang mapapasaya ka nya at makukumpleto ang araw mo.
Roanne
- Magaling at magandang blogger. Sa mga post nya madami ka talagang matututunan.
Jam
-Ang ate jam ko na minsang nag eemo emo sa kanyang blog. ^_^
Saul
-Isa sa mga naging ka close kong blogger.
Rah
-Dumudugo ilong ko sa mga post nyang english pero madami ka naman matututunan.
Kikilabotz
-Ang kilabot ng mga chiks, naks! Sya ay cute daw. hehe. Napakatalentadong bata!
Poy
-Si kuya na napaka emo at sweet
Kayedee
-Ang aking kumare sa blogsphere. Makulit at sweet!
Midnight Driver
-Ang driver na magaling gumawa ng tula. idol!
Superjaid
-Chef jaid, ang matalinong blogger.
Nafa
-Makulit at cool na blogger
Unni
-Makulit ang post about sa love.Minsan seryoso sya sa post nya pero mapapangiti ka sa mga mababasa mo.
Jag
-Talentadong blogger.Kaya crush ko na sya.hehehehe
Posted by darklady at 5:47 PM 20 nag effort bumasa
Wednesday, November 3, 2010
Sembreak
Ang sarap humiga...
Ang sarap kumain...
Ang sarap matulog...
Matapos ang nakakapagod,nakaka stress at nakakalokang sem. Heto at nagpapahinga na ako.
Gawa ng project, luto dito luto doon ( kasama na ang kain dito at kain doon), pag aayos ng sunod sunod na event, practice for competition at pagrereview sa exam. Yan ang ginawa ko sa isang sem. May isa pa pala ang magpa cute sa lahat ng tao.lol
Dahil nga sa sembreak gusto ko sanang bigyan ng isang magandang break ang sarili ko.Gusto ko mamasyal,magpunta sa malayong malayong lugar kung saan makakalanghap ako ng sariwang pagkain este hangin. Pero ang na break e ang bulsa ko so wala akong magagawa kundi mag stay sa bahay. At tumanggap ng text mula sa mababait kong klasmeyt na gawin ko ng pagkakataon ang bakasyon para mag diet.
Isang linggo lang ang bakasyon namin so mag emo na lang ako, magkulong sa kwarto maghapon at wag kumain hanggang sa sumeksi ako.lol Mananalo makikipagpustahan na hindi ko magagawa ang mga ganong bagay.
Hays!! gusto ko talaga mamasyal! tara pasyal tayo!! ^_^ Mamamasyal na lang ako sa bahay bahay nyo ( blog).
Posted by darklady at 3:58 AM 6 nag effort bumasa
Sunday, October 3, 2010
Dark Lady Nasan ka na?
Omaygad!! Halos isang buwan na din pala ang nakakaraan mula nung ako'y biglaang nakatulog at nawala sa aking bahay (blog).
Saan nga ba ako nagpunta?
Okey payn kung wapakels ka kung saang lungga ako nagpunta paki click na lang po ang x button at ika'y mag tsupi na sa aking bahay.(supladita ang dark nyo) hehehe
Nainitan lang naman ako kaya nagpunta ako ng baguio at nung di ako makuntento sa lamig ng baguio nag bora ako pagkaraa'y nag puerto galera pero di pa rin ako nakuntento kaya nag disneyland na lang ako..... at lahat ng iyan ay sa aking panaginip lang.
Actually naging busy busyhan lang ako sa aking makulay na buhay. As usual sa school ulit naging busy sunod sunod kasi yung mga activities plus exam pa.At dahil dun bumigay ang aking pagkaganda gandang katawan at ako'y nagkasakit. O diba ang saya ng pagkawala ko? Pero sa kabuuan at kaseryosohan kahit papaano ay naging maganda yung isang buwan ko. Masaya ako dahil naging busy ako kasi nitong pumatak na ang "ber" ay nagsimula na akong mag emo, ang dahilan ay sikretong malupit na lang.
O hanggang dito na lang muna ulit. Babush! babush!!! ^_^
Posted by darklady at 1:16 AM 12 nag effort bumasa
Saturday, August 28, 2010
Tagumpay para sa Lahat
Bandang ala una ng hapon nagsimula na ang kompetisyon. Sa una nagiging tarantado ( tawag sa taong natataranta) kami dahil sa kaba pero nung medyo tumagal na para na lang kami nasa sarili naming kitchen at panatag na. Todo suporta din ang chef namin kaya naman ganado kami sa pagluluto na may ngiti pa sa labi, 30 mins. bago matapos ang ibinigay na oras ay natapos na kami. Masaya kami dahil sa nagawa namin ito ng maayos. At nung magsimula nang tikman ng mga judges ang adobo ng lahat kinabahan ulit ako.


At para naman po sa picture na ginawa namin kahapon...

At ang resulta ng kompetisyon....

Posted by darklady at 6:06 AM 15 nag effort bumasa
Monday, August 23, 2010
Cooking Battle
Posted by darklady at 2:58 AM 12 nag effort bumasa
Friday, August 20, 2010
Alam mo na ba?
Na ang word na tarantado ay hindi mura. Ayon sa prof. ng prof. namin iyon daw ay isang katawagan para sa mga taong natataranta. Kaya kung may mga tao kang kilala na palaging natataranta sabihin mo "Hoy huwag ka nga magpaka tarantado". Ingat lang sa mga pagsasabihan mo na hindi pa alam ang ibig sabihin nun baka may bumigwas na sampal o suntok sayo.
At alam nyo din ba na ang paglalagay ng bigkis sa mga baby ay para din sa kanilang future na angking alindog ng katawan (what the word! lol) Pansin nyo ba na may matataba pero sexy tingnan at meron din naman na di gaanong katabaan pero ala 1.5 ng coke tingnan. Dahil pala yun sa mahiwagang bigkis na inilalagay sa pusod ng mga sanggol. Ang paglalagay ng bigkis ay nakaliliit ng bewang at syempre makikita mo lang ito sa paglaki ng bata. Kung maganda ang korte ng kanyang katawan yung tipong may kurba pa ibig sabihin nun matagal sya binigkisan ng kanyang ina. Kaya pala kahit anong pagpapapayat gawin ko iisa pa rin korte ko at iisa lang sukat ng bewang ko. shete! Kung pwede lang ihabol at bigkisan ko sarili ko gagawin ko na kaso dapat pala nung sanggol pa ako. Hays! ang aking ina kasi e.kung binigkisan nya ako ng matagal e di sana ala Thalia na ang aking katawan. ^_^
Yan lang muna Shinare ko lang din ang aking napag alaman. Ako kasi ngayon ko lang yan nalaman. O pano hanggang dito na lang muna. Mag midterm muna si Dark. Ingat kayo! ^_^
Posted by darklady at 5:43 PM 13 nag effort bumasa
Friday, August 13, 2010
Ang Muling Pagkikita
Kanina nakatanggap ako ng text na mula sa kaibigan kong mag 2 years ko na hindi nakikita. Nung basahin ko yung text napabulalas ako ng "shete! galit na yung friend ko." Bakit? Kasi nakikipagkita sya sa akin at hindi man lang daw ako nag rereply, ang sabi nya pag daw makikipagkita sya ayaw ko magreply, kuripot daw ako! yun ang mga sinabi nya. Kaya reply naman ako. Pinaliwanag ko kung bakit di ako naka reply, nasa taas kasi yung cp ko dahil walang signal sa baba bundok yata tinitirhan namin kaya di ko kaagad nabasa yung text nya. Tinanong ko kung anong oras kami magkita. Maya maya hindi na rin sya nag reply, tinatawagan ko sya ayaw sagutin. E di ako naman nagalit tinanong ko ano ba problema nya. Pagkatapos ng 10 miskol hayun nag reply." Nasa sasakyan ako hindi ko narinig". Shete gumaganti yata.
Hindi ko na sya inaway pa dahil magkakaroon ng gyera. Kaya hayun pinag usapan namin kung anong oras kami magkikita at kung saan. Sabi nya papunta na sya Pulilan kaya sa Robinson na lang kami magkita, after 30 mins. nandun na daw sya. At isa pang shete dahil hindi pa ako nakakapag ayos. Kaya nag reply ako " pwede bang maligo muna?" kaya dali dali ako naligo. At para sa ika iikli ng kwento, nakarating naman ako dun sa meeting place namin nauna nga lang sya ng konti pero ayos lang lalake naman sya alangan na ako ang maghintay.
Pagkatapos nun naglibot libot lang kami at kumain. Then nagpunta kami sa bahay namin, sumakay kami ng tricycle P40 ba naman ang sinisingil sabi ko P30 lang, tapos kinalabit ako ng kaibigan ko sabi P10 lang makikipag away ako sagot ko sa kanya sayang din yung P10 sira! At syempre nanalo ako.Pagdating sa bahay pinagluto ko sya ng pancit. Tinatanong ko sya kung ano gusto nya kainin pero isa pang "shete" hindi ko alam lutuin pinaluluto nya. Sabi ko mag fried chicken na lang sya.lol
Matapos ko sya ipagluto ng pancit hayun kumain na sya at kwentuhan ulit. Tapos nun pinalayas ko na sya kasi may kaibigan pa din sya na pupuntahan, sabi ko hindi pinaghihintay ang babae. Babaero talaga! lol Pagkalayas nya sa bahay namin nagtext kaagad sya. "Thanks ah sarap mo pala magluto ng pancit." Siraulo yun, masarap daw e konti lang kinain nya lolokohin pa nya ako.lol Rason pa nya konti lang talaga sya kumain pero sanay na ako dun. Sadyang loko loko lang yun pero yun ang kaibigan ko na sumasalo sa mga kaartehan ko sa buhay.^_^
Posted by darklady at 2:17 AM 10 nag effort bumasa
Tuesday, August 10, 2010
Hanggang Panaginip ba naman?
Kahapon naging busy na naman si Dark. Every tuesday may laboratory kami (nagluluto). Nakakapagod ay hindi sobrang nakakapagod pala, 5hrs kaming nakatayo at nag reready ng iluluto. Ang menu namin ay Hawaiian BBq Porkchops with Vegetable Spiced Rice and Coleslaw saka Cajun Fish Fillet with Chili Lime Aioli. Yung pagod namin super sulit din naman dahil bukod sa nakakakain kami nandun na din yung bonding ng bawat group at may natututunan pa. Idagdag mo pa yung gwapong chef namin,busog na busog ka na.
At dahil nga sa sobrang pagod ko bago ako umuwi bumili muna ako ng C2. Everytime na uuwi ako at pagod dumadaan ako at bumibili sa savemore na katabi lang ng school namin. Kaya pag may nakita kang babaeng umiinom ng C2 sa jeep ako na yun. (parang ako lang nag c'C2 noh)
Past 7pm na ako nakauwi samin. At syempre hindi muna ako bumulagta kasi nag check pa ako ng fb ko tapos makikinig sana ako sa youtube ng nakaka senting kanta, mag eemo kasi ako pero na bwisit lang ako paputol putol yung kanta. Parang stop dance ba? hays! kaya ayun pahinga na lang ako then naligo na ako.
Kumain...
Pumanik na sa taas dahil may babasahin pa ako
At natulog...
Sa pagtulog ko akala ko makakapamahinga ako. Ay sus hanggang sa panaginip ko nagluluto pa din ako. Akala ko pa naman mapapanaginipan ko yung labidabidabidabz ko. At sa kalagitnaan ng gabi nagising ako dahil pinulikat ako sa binti. At nung ituloy ko pagtulog ko tuloy din pagluluto ko sa panaginip.
Sabi ng prof. namin sa psychology dalawa lang ang dahilan para mapanaginipan natin ang isang bagay. Una, yung bagay na gustong gusto mong mangyari at yung pangalawa yung bagay na ayaw na ayaw mo naman mangyari.
Diba ang sabi din nila pag inisip mo ang isang tao bago ka matulog sya mapapanaginipan mo pero hindi ka ba nagugulat pag hindi mo naman naisip yung isang tao pero napanaginipan mo that night? Nangyayari yun dahil sa minsan na syang pumasok sa isip mo at naiwan dun kaya napanaginipan mo sya kahit hindi mo sya inisip nung gabi na yun.
Yun lang naman mga friendship, hanggang dito na lang muna ulit.
Ingat kayong lahat!! ^_^
Posted by darklady at 3:22 PM 20 nag effort bumasa
Saturday, August 7, 2010
Ano pinagkaiba natin?
Posted by darklady at 3:15 AM 13 nag effort bumasa
Saturday, July 31, 2010
Mabilisang entry! Pang update lang ba!
Pasensya na sa mga hindi ko nabibisita at sa mga bumibisita naman pasensya na din kung wala kayong mabasang bago. Dark na Dark ang blog ko ngayon dahil hindi ako makapag update. Busy lang talaga at minsan naman dinarayo ng katamaran dahil pagod. Pag nanumbalik ulit ang powers ko gogora ako ng pagkkwento pero sa ngayon eto lang muna. 4 hrs. pa lang tulog ko kanina tapos kulang 12 hrs. na nakatayo sa pagluluto. Sana pwedeng maupo.lol. At ngayon ang gusto kong gawin ay mahiga at matulog ng mahimbing na mahimbing pero yung may gisingan naman.
O pano hanggang dito na lang muna. Sabi sayo mabilis lang to, mabilis pa sa pagtae mo. Babush!! ^_^ Zzzzzzzzzzz.............
Posted by darklady at 5:35 AM 7 nag effort bumasa
Saturday, July 17, 2010
Don't Judge the Book by its Cover
Pasong paso na yung kasabihang " Dont judge the book by its cover" diba? Pero kahit paso na yan hindi ko pa rin lulubayang sabihin yan ng paulit ulit dahil super totoo yan. Kung iisipin mong mabuti ang kahulugan nyan mapapa oo ka na lang.
Hindi ako namimili ng makakasama o makakasalamuhang tao. Ke gwapo o hindi, ke maganda o panget ayos lang sakin.
Sa 19 years kong paglagi dito sa planetang earth hindi lahat ng kaibigan ko, kakilala ko ay magaganda at gwapo.
May klasmeyt ako nung highschool na hindi talaga gwapo, kung titingnan mo sya wala lang. Pero one time nakasama namin sya sa paggawa ng project at ang masasabi ko ang bait nya at gentleman pa. Hindi nya hinayaan na maglakad sa dilim kaming mga babae hinatid pa nila kami sa sakayan.
May naging klasmeyt din ako sa college na wala sa itsura ang gagawa ng matino yung tipong pag nakita mo sasabihin mo pang "gago yan" pero ako ang magpapatunay na gago man yan sa itsura, hindi ka naman nyan gagaguhin sa tunay na buhay. Sya yung naging ka close ko noon at pag wala talaga ako kahit pampa xerox para sa pag aaralan namin sya nagpapahiram sa akin.
Madami pa ako kilala na masasabing hindi titilian ng mga lalake at babae. Pero kapag nakasama mo sila safe ka naman.
Sa pagpili ng kaibigan hindi mo dapat tingnan ang panlabas na anyo kundi yung kung paano sila makisama at kung paano ka irespeto bilang tao. Hindi mo rin dapat i judge ang isang tao na ang nakikita mo lang ay ang kanilang mukha. Dahil kung hindi man sila biniyayaan ng magandang mukha hindi na nila kasalanan yun. Hindi sila ang gumawa ng ganon para sa sarili nila.At lahat ng mukhang nakikita mo sa kapaligiran ay may dahilan kung bakit nagkaganon kaya "Dont judge the book by its cover" ^_^
Hanggang dito lang po muna. Hay sa wakas nakapag update din ako. Nilangaw na tong blog ko ah.hehehe. Salamat po sa mga patuloy na dumadalaw dito,busy lang talaga si Dark. Hanggang sa muli!! ^_^
Posted by darklady at 3:14 AM 21 nag effort bumasa
Saturday, July 3, 2010
May Pinapanigan, May Pinoprotektahan, Hindi kayo nagseserbisyo ng totoo!!
Palakasan ba to?
Pagandahan ba to?
Napaka unfair nyo naman!!!
Simple lang naman problema ko kumpara sa iba.
Ang problema ko hindi ko kaagad nakuha ang i.d ko. Dahil hindi ko pa ibinabalik yung old i.d ko. Ayos lang naman yun dahil kasalanan ko din diba? Hindi ko makita old i.d ko kaya hindi ko rin makuha yung bago. Kaso kayo kaya na malaman nyo na may iba na nakuha ang new i.d kahit walang binibigay na old i.d, matutuwa kayo? Napaka unfair!! Porke't maganda lang yung babae ok lang na wala sya isoli?
Linawin ko lang, hindi ako na iinsecure sa kanya kasi may mukha naman ako ( oh kokontra pa, pagbigyan na ang hindi nakakuha ng i.d) Talagang naiinis lang ako sa hindi nila pagiging patas.
Posted by darklady at 1:06 AM 17 nag effort bumasa
Wednesday, June 30, 2010
Muling Paglipad Para sa Pangarap
Posted by darklady at 1:25 AM 11 nag effort bumasa
Thursday, June 24, 2010
Ingay sa Gabi
Posted by darklady at 6:53 AM 14 nag effort bumasa
Saturday, June 19, 2010
Ang Paglalayas ni Bulig
Kaninang umaga bumili ng bulig sa tapat ng bahay namin ang mahal kong Ina. Matagal na din kami hindi nakakakain ng bulig dahil wala naman mahilig. Balak ng aking Ina na ihawin ito kaya inilagay nya muna ito sa isang lalagyan. Masyadong malikot si Bulig kaya inilipat siya ng lalagyan at inilagay sa labas.
Makalipas ang ilang oras lumabas ang bunso kong kapatid para umihi sa labas. ( Bakit ganon mga lalake mas gusto pa umihi sa labas e may c.r naman?) At nung tingnan nya si bulig nawawala na ito,labas kaming lahat at hinanap ang pang tanghalian ngunit hindi namin talaga ito makita. Inisip namin na baka nakuha ng pusa. Kaya lumong lumo na pumasok ng loob ang aking Ina. Iniisip pa naman daw nya na masarap kumain ng bulig habang mainit, at dahil wala na yung bulig wala na kami ulam.
Wala na kaming nagawa kundi tanggapin na wala na si Bulig kaya yung mga kapatid ko pinagpatuloy na ang pag cocomputer, si mommy naman natulog na.
Lumipas ang isang oras, naghahanda na ako sa pagpasok ko sa school. At habang nagsusuklay ako tahol ng tahol ang aso namin kaya nilabas ko. Pag tingin ko sa labas nakita ko si Bulig at maduming madumi na halatang nagpa gulong gulong sa labas. Hiyaw naman ako " heto na si bulig". Labas ulit lahat ng tao sa bahay at si mommy kinuha ang lalagyanan at muling hinuli si Bulig. Paglagay sa kanya sa lalagyanan muling nagwala si bulig at kumawala.
Dun namin napatunayan na hindi nga sya kinidnap ni muning kundi kusa siyang naglayas. Hindi ko na nalaman ang dahilan dahil iniihaw na sya. At yun na naging katapusan ng buhay nya.
Sayang nga lang at hindi ko na natikman ang alindog ni bulig dahil pumasok na ako sa eskwelahan nung sya'y iniihaw na.
Posted by darklady at 6:11 AM 13 nag effort bumasa
Thursday, June 17, 2010
Lalakeng Uy! Ay!
Sa mga first year college ito nangyayari ang magsuot muna ng sibilyan habang walang uniform.At syempre para sa mga fashionista, hilig magsibilyan at may maraming damit pabor na pabor ito. Iba't ibang klaseng porma ang makikita mo sa daan, may ilan na aakalain mong pupunta lang ng palengke dahil naka tsinelas pero mamamalayan mo na same lang kayo ng door na papasukan dahil nag aaral pala sya. May ilan naman na todo porma, tipong mapapatingin ka dahil sa agaw pansin nyang suot, kung hindi kinulang sa tela ang damit yung pantalon naman na may design na punit. At syempre may ilan naman na simple lang tipong pantalon, blouse at sapatos/doll shoes.
Hindi naman masamang pumorma, kaya lang may mga kailangan na damit na dapat isuot sa isang lugar. Minsan din kasi dahil sa damit mo nababawas pogi / ganda points mo. Katulad nung nangyari nung 1st day ng klase.
Posted by darklady at 6:13 PM 9 nag effort bumasa
Monday, June 14, 2010
Natitira kong Isang Araw
- Kumain sa iba't ibang kainan, yung tipong nasa gitna ng dagat yung resto o kaya nasa ibabaw ng bridge.hehe basta yung may gimik, yung tipong ganon yun na yun.
- Makapanood ng concert ng Westlife at makapagpa picture kay Shane Steven Filan my love so sweet.
- Makapamasyal sa iba't ibang place na dehins ko pa nararating.
- Makapag beach, pwede na ako umitim nun. Ay parang pangit pa din kasi baka ilibing ako na maitim...hmmm.gamit na lang ako ng sunblock.
- Maging isang modelo.
- Magkaroon ng anak, pwede ba yun sa isang araw lang?hehehe so imposible naman!
- Makapag simula ng business na maipagpapatuloy ng aking mga mahal sa buhay para kahit deds na ako hindi sila mahirapan.
Pero dahil sa malabo mangyari yun sa loob ng isang araw lang, mas pasimplehin ko na lang. Pero bonggang bonggang saya naman pag nangyari to.
Hahatiin ko ang isang araw. Gusto ko sa kalahating araw magkakasama kaming pamilya ko, boyfriend ko, pamilya nya at mga kaibigan namin parang party lang. At sa kalahating araw gusto ko i spend yun sa boyfriend ko, solo na namin kumbaga. Gusto ko kasama ko sya kumain kahit sa carenderia lang, mamasyal kahit sa kalye lang, manood ng movie kahit sa dvd lang. Gusto ko sya ipagluto ng mga pagkaing gusto nya at kantahan sya kasi pagkakataon ko na yun para hindi sya umangal sa boses ko.hahahaha. yun lang naman! bow! ^_^
Posted by darklady at 5:09 AM 8 nag effort bumasa
Saturday, June 12, 2010
Daddy 1 and Daddy 2
- Nagturo sa akin kung paano mag drawing ( nagsimula ako sa pagdrawing ng bahay kubo na may malawak na taniman)
- Tagapagtanggol ko kapag pinapalo ako ni mommy.
- Tagapag alaga sa akin kapag may sakit ako at wala si mommy para bantayan ako.
- Bumibili sa akin ng isang buong egg pie kapag sumusweldo sya sa pagiging isang construction worker nya.
- Tagapag hatid sa akin sa eskwelahan gamit ang kanyang bike noong mag grade 2 na ako.
- Sumbungan ko kapag hindi ako nanalo bilang muse.
- Humahalili kay mommy para umakyat sa stage, umatend ng P.T.A meeting.
Mga pangyayaring akala ko wala ng katapusan, sa kanya hindi ko naranasan mapalo. Lahat ng gusto ko binibigay nya kaya hindi naging madali para sa akin noong maghiwalay sila ni mommy. Madaming nabago sa pag sasamahan namin. Ang isang daddy na sumbungan ko ng lahat ngayon hindi na, napipi na ako. Isang tanong isang sagot na lang kung mag usap kami. Pakiramdam ko malayong malayo na kami. Sobrang layo. Gayunpaman nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil naging isang mabuting ama sya. Alam ko kahit magkalayo kami kapag nangailangan kami ng tulong hindi sya magdadalawang isip na tumulong.
Si Daddy 2
- Sya ang nagsilbing pangalawa kong ama.
- Hindi nya kami tinuring na iba.
- Pinag aral nya kaming magkakapatid.
- Pag kailangan namin ng tulong handa syang gawin ang lahat.
- Sa kanya ko lang nakita kung gaano kasaya si mommy.
Hindi kami close na tulad ng daddy ko noon pero kahit ganoon sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng bagay na tinulong nya sa amin. Isang amang nagmahal kahit sa hindi nya tunay na mga anak.
Para sa dalawang lalake na nagsilbing ama para sa amin ng mga kapatid ko. Isang taos pusong pasasalamat. Siguro may mga bagay na hindi nyo perpektong nagawa gayunpaman naging isa kayong perpektong ama sa ibang paraan. Balang araw masusuklian din namin ang mga bagay na ginawa nyo sa amin.
Happy Father's Day sa lahat ng Ama
Posted by darklady at 7:59 PM 3 nag effort bumasa
Wednesday, June 9, 2010
Kulay- Kulayan
Cool Colors
- Blue- strong, important,peaceful, intelligent.
- Green- growth, health, environment, harmony.
- Red- love,passion,heat, joy, power.
- Pink- sweet, nice, romance, playful, delicate. ( pretty)
- Yellow- happy, joy, cheerful, remembrance.
- Gold- riches, extravagance, bright, traditional.
- Orange- energy, warmth change, health.
Mixed and Warm colors
- Purple- royal, precious, romantic, sacred.
- Lavender- grace,elegance, delicate, feminine.
- Turquoise- feminine,sophisticated, retro.
- Beige- conservative, relaxing.
Neutral colors
- Black- conservative, mysterious, sophisticated. (pretty)
- Gray- formal, conservative, sophisticated.
- Silver- sleeks, glamorous, rich.
- White- purity,innocence, softness
- Ivory- quiet,pleasant, understated elegance.
- Brown- earthiness, wholesomeness, simplicity, friendliness.
Naniniwala ako sa mga kahulugan ah, lalo na yung akin.^_^
Kayo ba swakto ba sa inyo ang kahulugan ng inyong kulay?
Tandaan, hindi porke't iyon na ang paborito mong kulay ay ito na rin ang bagay sayo sa lahat ng pagkakataon. Lalo na pagdating sa pananamit hindi porket mahilig ka sa pink ay laging pink ang suot mo, na ultimo sa pakikipag date ay kikay ang suot mo.^_^
"Ang bawat kulay ay sumisimbolo sa kung ano ang iyong mood o kung ano ang ibig ipahiwatig ng isang larawan."
Posted by darklady at 8:05 AM 19 nag effort bumasa
Tuesday, June 8, 2010
Mahal kita, Hindi kita Iiwan
Oo inaamin ko mahirap ka iwasan dahil kahit saan ako magpunta laging ikaw ang laman ng isipan ko. Sa pamamasyal hindi pwedeng wala ka dahil ikaw lang kumukumpleto kahit nag wiwindow shopping lang ako.
Minsan nasasaktan ako sa sinasabi nila tungkol sa akin at ikaw ang sinisisi gayunpaman hindi kita iiwan. Dahil ikaw ang karamay ko kahit anong mood ko, ikaw ang isa sa mga tinuturing kong kaibigan.
Masyado kayong seryoso, si pagkain yung tinutukoy ko. Nagdadrama lang ako kasi tumataba na ako at sigurado na madadagdagan na naman ako dahil malapit na magpasukan. Lutuan portion na naman. Pero ok lang yun, kahit tumataba na cute pa naman!! whahahahaha!! walang magwewelga! ^_^
Posted by darklady at 7:27 AM 15 nag effort bumasa
Friday, June 4, 2010
Ang Nalalapit na Pagtatapos ng Bakasyon ni Dark
WOhoo !! Tapos na ang summer vacation!! At malapit na magbalik eskwela.
Balik pag rereview na naman para sa mga exam at recitation. Paggawa ng project at report at ang muling pag aaral ng pag luluto kung saan muli na naman ako lolobo.
Feeling ko lutang ako na hindi ko alam, nangangati ang mga kamay ko at gusto mag post sa aking bahay kaya heto ilalagay ko kung ano ano ang mga pinag gagawa ko at nangyari nung bakasyon.
* Sa unang linggo ng bakasyon nagpahinga ako at nangarap na lang dahil sa pagod ko sa finals namin. (rest week kumbaga)
*May nag alok sa akin ng trabaho ( dancer daw) joke lang! kaso kinabukasan need ko na pumasok, ok na sana kaso wala pa ako requirements kaya hayun hindi rin natuloy.Tinapay na sana naging bato pa.
* Naging magulo ako dito sa aking bahay, mapapagod ang mata ng nagbabasa dahil sa hahaba ng entry ko at araw araw na pagpopost.
* Naisipan ko na maghanap ng work sa labas kaso umuwi din akong luhaan.
* Dahil sa sobrang init nakisabit ako sa mga mag swimming kaya naka dalawang swimming ako
* Nag li-low ako sa pag ba blog dahil..
* Naging tita yaya na ako
* Namatay yung lola namin at sa burol nya nakita ko na yung kaibigan kong matagal ko nang hinahanap plus nagtext sa akin yung classmate ko nung elem. natagpuan na nya daw yung iba namin kabarkada nung elem. na matagal ko na din gusto makita.
* Nagpunta ako sa school para kunin ang classcard at magpa enrol at isang magandang balita dahil naka kuha ako ng academic scholarship. Naka discount ba, hindi naman ganon kalaki pero makakatulong na din sya pambawas sa tuition ko.
* Sumunod naghahanda na kami sa pagdating ng kuya ko galing Oman
* Kaya bago pa man sya dumating nagpa hair spa ako at nagpagupit
* At nung dumating sya syempre halungkat ako ng pasalubong nya sa akin at tsaran! (isang laptop) ^_^
* Pagkatapos nun muli nag swimming kami. kaya naka 3 akong swimming. Kahit naglalakad lang ako sa pool panay pa rin sama ko sa swimming.
* At para sa nalalapit na pagtatapos ng bakasyon bukas mag enchanted kami. (sama kayo!) ^_^
At yan po ang nangyari sa aking bakasyon talagang puro pasarap.hehehe. Pero next na summer sana hindi na ganito dahil gusto ko nasa work naman ako. Gusto ko mag ojt sa Manila para maiba naman ako ng lugar at gusto ko matuloy ang business na pinapangarap ko.Busy busyhan mode ka na plus may pera ka pa.o diba mas masaya yun.
Posted by darklady at 7:02 PM 9 nag effort bumasa
Tuesday, June 1, 2010
New Hair, New Look!!





Iyan na po ang gumegewang gewang kong bangs..
Posted by darklady at 5:29 AM 19 nag effort bumasa
Saturday, May 29, 2010
This is my first time!!!
Tama ang inyong nabasa, first time ko to. First time na ako'y
maambunan at nabasa sa isang salon. First time na madampian ng nagmamasaheng kamay ang aking buhok sa ulo.
Sa maniwala kayo o sa hindi natural na natural ang buhok ko, walang bahid ng pagpapa rebond o kahit ano pa man. In short tagtuyot yung buhok ko ang dating ay parang hinangin lang sa labas. Summer na summer!!
Noon ko pa gustong magpaganda ng hair, kaso pag naiisip ko yun wala ako pera at kapag naman may pera ako nanghihinayang ako kasi ang mahal mahal. Maraming pagkain din ako mabibili sa pampaayos na yun. At nung isang araw nga kahit papaano nakainom din ng tubig ang buhok ko, nagpa hair spa ako. Ang sarap sa pakiramdam, sabi nung nag aayos sakin maganda daw kung magpa rebond ako mas gaganda daw hair ko. At talagang gaganda nga kasi ang ganda din ng price nasa P1500. Oo mura sya sa may pera pero sa ngayon wala ako nun, saka na lang muna yun. Masaya na ako sa hairspa muna, dadating din tayo sa pagpapa rebond.
At hindi lang yun, bukod sa ako'y nagpa hair spa ako'y bagong gupit din. May bangs ang lola mo!! kung hindi ako nagkakamali ang tawag sa gupit ko ay japanese haircut. wala ako alam sa iba't ibang klaseng gupit kaya pinaubaya ko na kay ate yung style na gagawin nya sa hair ko. At ang kinalabasan syempre kamukha ko pa rin.hehehe.ayos naman. ^_^
At iyan po ang kwentong first time ko. Kung maghahanap ka ng moral lesson dyan e mabuti pang matulog ka na kasi wala kang mahahanap...
Ang masasabi ko lang,nakukuha sa pag iipon ang pagkamit sa gusto mong makuha. Sensya na sa mala balon kong sinabi antok lang e.kailangan ko na magpa hinga. ^_^ babush!!!
Sana wag kayo magsawang magpunta dito sa aking bahay..
Posted by darklady at 8:59 AM 18 nag effort bumasa
Friday, May 21, 2010
Tita Yaya
Posted by darklady at 9:54 PM 14 nag effort bumasa
Saturday, May 8, 2010
My sister My friend My mom
Posted by darklady at 6:51 PM 12 nag effort bumasa
Wednesday, May 5, 2010
Take Me Out

Posted by darklady at 1:11 AM 17 nag effort bumasa
Friday, April 30, 2010
Isa sa Paborito kong Buwan
Ola!!! Kamusta naman kayo dyan? Kung gaano ako kasipag noon mag post dito sa aking blog kabaligtaran naman ng ngayon. Yaya kasi ang lola nyo ngayon sa kanyang pamangkin kaya ako'y madalang magparamdam.

Posted by darklady at 10:59 PM 13 nag effort bumasa
Saturday, April 24, 2010
Nag Miming na ako!!! Yehey!!!!
Posted by darklady at 8:34 PM 11 nag effort bumasa