Friday, April 30, 2010

Isa sa Paborito kong Buwan

Ola!!! Kamusta naman kayo dyan? Kung gaano ako kasipag noon mag post dito sa aking blog kabaligtaran naman ng ngayon. Yaya kasi ang lola nyo ngayon sa kanyang pamangkin kaya ako'y madalang magparamdam.



At dahil May ngayon alam nyo ba na isa ito sa paborito kong buwan lalo na nung ako'y bata pa. Bakit? Sige nga manghula kayo...








Alam mo na ba? Ano ba ang meron kapag May? Bukod sa mga kainan dahil fiesta? Syempre nandyan din yung "sagala time".


Isang beses lang ako nasagala. At dahil unang beses ko yun sobrang saya ko. Talagang todo effort sila para sa araw na yun.Yung mga kapatid ko busy sa pag aayos sasakyan ko. Halos magmuka ng garden yung sasakyan ko dahil sa dami ng bulaklak. Yung mommy ko naman pinaparlor pa nya ako. At habang inaayusan ako ang sabi sakin nung nag aayos kamuka ko daw si Rosenda. Nung mga panahong yun uso yung teledrama ni Claudine Barreto na tatlo ang mukha nya. Yung mabait dun Rose yata name tapos yung isa si Rosemarie at yung maldita naman si Rosenda.



Heto ang picture ko. Grade two ako nyan.

Habang umaandar yung sasakyan takot na takot ako kasi baka mahulog ako kaya hindi ako makangiti noon. Nung matapos ang parada nun lang ako nakangiti. At iyon na din ang una't huling sagalang naranasan ko. Kaya pala bonggang bongga yung sagala ko ay dahil wala na palang kasunod. Kahit nung lumaki ako hindi man lang ako nanominate maging isang Reyna ELena. (taas ng pangarap) hehehe. At tuwing sasapit ang buwan ng May lagi ako nag hihintay na may kumuha sa akin para isagala. Pero ngayon hindi na, mag 20 na ako. Sa palagay nyo hindi na ako nadala?hehehe.







Moral lesson?

I enjoy mo yung mga bagay na nangyayari sayo ngayon kasi hindi mo alam kung hanggang kelan yan. At least kung matapos man yan hindi ka manghihinayang na ini enjoy mo. ^_^
Add Image

13 nag effort bumasa:

kikilabotz said...

ahahaha. kala ko kaya mo favorite ang may kasi eto rin ang buwan ng bday mo eh. nwei dati naman isa akong prinsisito kaya lang hndi ko na makita ang pics ko nayon mukhang dinala n ng bgyong ondoy eh. hehe

wooot woow ang cute mo

mjomesa said...

wow...prinsesa ng banyera..hehehe...


cute mo ha, in fairness

Rah said...

Ang cute cute mo na bata. At halatang gusto mo talaga ang pinapagawa sayo :)

darklady said...

@ kikilabotz

hehehe.matagal pa bertdey ko. Sayang naman at hindi mo na makita yung pic. mo.

Salamat!! buti pa nung bata ak0 cute ako.hehehe


@ mjomesa

hahaha.prinsesa ng banyera talaga ah.hehehe.salamat!


@ rah

oo nga e, like ko talaga yun at yun na pala ang una't huli.hehehe.kaya dapat talaga itago yang picture.

Chingoy said...

meron akong kilala, hanggang ngayon, di pa maka-move on kasi do sya kinuhang reyna nun sa mayo...

DRAKE said...

cute naman ng picture! nice! Kinukuha ka pala lagi sa sagalahan!Ikaw na dark Lady!hehhee

Siguro kaya espesyal tong buwan n aito kasi lagi kang nakukuha sa Santacruzan?Ibang klase

Ingat

darklady said...

@ Chingoy

Ay ganon? Buti na lang medyo naka move on na ako.hehehehe.


@ Kuya Drake

Nagbasa ka ba?hehehe.sabi ko dun una't huli ko na yun.kaw talaga kuya!! hehehehe..joke ba yan? ^_^


Ingat din..

KESO said...

ako never pa nakuha sa sagala, lagi na lang kasi yung ate ko.tsk. pero di pa naman huli ang lahat, madami pang pgkakataon hehe :))

kayedee said...

aruyyy! success!!! eto na ang sinassbi ko mare!! ayieeeee

salamat!! ang lakas ko talaga sayo!! kasing lakas lang ng putok ko! eiwwww! ahaaha

darklady said...

@ Keso

Buti nga ikaw may pag asa pa, e ako wala na talaga.hehehe.nagddrama pa e.


@ Mareng Kayedee

Hayun sa wakas nakapag comment ka din. tuloy tuloy na kaya ito?hehehe..sana naman ng hindi ka laging sa shoutbox nag comment, mahamugan ka dun.hehehe...

glentot said...

Haha niiiice one sali ka uli ngayon tamang trip lang

Al de Cruz said...

preho lang..
pangarap ko pag escort sa reyna elena...
pero hanggang sa taga ilaw lang ako.. huh

darklady said...

@ Glentot

Hahaha.wala nga kumukuha e. Saka kunin man nila ako magpapakipot ako.whahahaha..joke lang!!


@ Al

Yaan mo gagawa tayo ng sarili nating Santa Cruzan ako muse ikaw escort. Hindi natin sila isasali.hehehe..

Salamat sa pagdalaw..^_^