Wednesday, June 30, 2010

Muling Paglipad Para sa Pangarap

Bakit may mga taong kayang isaalang alang ang panahon na makapiling ang kanyang pamilya para sa pagpunta sa ibang bansa?
Bakit handa silang igugol ang kanilang buong oras sa pagtatrabaho sa bansang walang nakakakilala sa kanila?
Bakit mas gusto pa nila na bumalik sa ibang bansa kung nandito lang din sa Pilipinas ang mga taong minamahal nila?
Dahil iyon sa "Pangarap"
Pangarap hindi lamang sa sarili kundi maging para sa kanilang pamilya.
Hindi lang basta hirap sa trabaho ang puhunan ng ating mga kababayan sa ibang bansa kundi pangungulila din sa kanilang mga pamilya. Bawat oras at araw na dumaan ay importante sa kanila sapagka't sa paglipas ng panahon nasasabik sila na muling bumalik sa piling ng kanilang pamilya.
Kaninang umaga bumalik muli sa Oman ang kuya ko para magtrabaho. Matapos ang isang buwan niyang bakasyon muli siyang magtatrabaho para sa mga gastusin at sa pag aaral namin ng kapatid ko. Ramdam ko na nalulungkot sya sa muli nyang pag alis pero walang magagawa dahil nasa ibang bansa ang naghihintay na trabaho nya. Kaya kuya salamat!!! Darating din ang araw na makakatulong ako sayo at makakabawi sa lahat ng tulong na ginawa mo.
Kaya para sa mga taong nagtatrabaho para sa kanilang pamilya lalo na sa mga taong malayo sa kanilang minamahal saludo ako sa inyo.

11 nag effort bumasa:

Anonymous said...

yehey nauna ako..hehehe

ako din saludo sa kanila..
lalo na sa kuya mo..^_^

-kikilabotz

darklady said...

@ kikilabotz

dahil sa pagmamadali mo naging anoymous ka.hehehehe


salamat. ^_^

petitay said...

2nd ako ate! saludo rin ako sa kanila. :) they are a hero indeed. :)

glentot said...

Nainspire ako at the same time nagulat sa laki ng pagkahighlight sa salitang Pangarap hehehe

Little Princess♥~♥ said...

:-( kaya nga proud ako sa mga OFW.. Sila ang bayani ng atig bansa ^^.

darklady said...

@ petitay

ate? bata pa po ako.hehehehe.tama ka hero sila.


@ glentot

talagang malaki ang "PANGARAP" ^_^
dapat nga hiwahiwalay pa yan, ayaw lang mahiwalay.


@ Little Princess


Salamat sa pagdalaw. ^_^
Parang may naalala ka sa nabasa mo, sad ka kasi.

r.o.a.n.n.e said...

Awww... Goodluck sa kuya mo... Wag ka na malungkot... ;) hindi naman lahat ng ofw malungkot ang buhay... Masaya na yung kuya mo dun kasi alam nya na masaya kayong lahat :)

r.o.a.n.n.e said...

Awww... Goodluck sa kuya mo... Wag ka na malungkot... ;) hindi naman lahat ng ofw malungkot ang buhay... Masaya na yung kuya mo dun kasi alam nya na masaya kayong lahat :)

darklady said...

@ ate roanne


maraming salamat!!
ingat na lang din po dyan. ^_^

JETTRO said...

salamat sa post mo na ito OFW ako nakarelate ako dito

Ganito ang entry ko sa PEBA sana mabasa mo rin

invite narin sana kita kung pwede kang bumoto kung hindi pasyal ka nlang sa hangout ko hihi

leng said...

aaww.. relate much? hehe... yan ang ugaling pinoy.. para sa pamilya, gagawin ang lahat kahit matinding sakripisyo pa yan..:) gudluck sa kuya mo.. :)