Friday, August 20, 2010

Alam mo na ba?





Na ang word na tarantado ay hindi mura. Ayon sa prof. ng prof. namin iyon daw ay isang katawagan para sa mga taong natataranta. Kaya kung may mga tao kang kilala na palaging natataranta sabihin mo "Hoy huwag ka nga magpaka tarantado". Ingat lang sa mga pagsasabihan mo na hindi pa alam ang ibig sabihin nun baka may bumigwas na sampal o suntok sayo.









At alam nyo din ba na ang paglalagay ng bigkis sa mga baby ay para din sa kanilang future na angking alindog ng katawan (what the word! lol) Pansin nyo ba na may matataba pero sexy tingnan at meron din naman na di gaanong katabaan pero ala 1.5 ng coke tingnan. Dahil pala yun sa mahiwagang bigkis na inilalagay sa pusod ng mga sanggol. Ang paglalagay ng bigkis ay nakaliliit ng bewang at syempre makikita mo lang ito sa paglaki ng bata. Kung maganda ang korte ng kanyang katawan yung tipong may kurba pa ibig sabihin nun matagal sya binigkisan ng kanyang ina. Kaya pala kahit anong pagpapapayat gawin ko iisa pa rin korte ko at iisa lang sukat ng bewang ko. shete! Kung pwede lang ihabol at bigkisan ko sarili ko gagawin ko na kaso dapat pala nung sanggol pa ako. Hays! ang aking ina kasi e.kung binigkisan nya ako ng matagal e di sana ala Thalia na ang aking katawan. ^_^






Yan lang muna Shinare ko lang din ang aking napag alaman. Ako kasi ngayon ko lang yan nalaman. O pano hanggang dito na lang muna. Mag midterm muna si Dark. Ingat kayo! ^_^

13 nag effort bumasa:

Renz said...

WOW.. astig yung tarantado XD XD .. ganun pala yon.. amazing facts.. LIKE

kayedee said...

ahahha. gnun b un mare?! shet nman! pde p b akong bigkisan?? i need it!!!!! ahahalolz

tarantado pala ang prop mo eh! ahaha

berdengkamalayan said...

umaayon ako sa salitang tarando. Minsan ko na ring narinig ang salitang ito sa P.E. prof ko nung akoy nsa koleheyo pa. Pagkanaglalaro kami ng volleyball at may kaklase kaming di alam ang gagawin pagkapadating na ang bola sinasabihan nya ito ng wag kang tarantado pero bago nya pa sinabi yun pinaliwanag nya na samin kung saan nag umpisa ang salitang ito..

Maldito said...

simula pa lang hindi ko ineexpect na ang tarantado pala ay mura pra sa iba..so now i know hindi pala talaga siya mura.ahahha

Jag said...

Hahaha this post makes sense...ngayon ko lang alam na isa pala akong tarantado hehehe...ang pagbibigkis sa pusod ng baby ay mahalaga para hndi ito lumubo...

Rah said...

narealize ko lang na tarantado pala ako. wish i had nerves of steel...

♥superjaid♥ said...

amazing facts!^_^ hehehe

sana ako din binigkisan ng matagal ni mama para maganda yung korte ko tsk poor me..

darklady said...

@ renz

nagulat din ako nung malaman ko na yun pala ibig sabihin nun. ^_^



@ mareng kayedee

ako man kailangan ko yun, kailangang kailangan.hehehe


@ berdengkamalayan


salamat sa pagbisita sa aking bahay (blog). ^_^

darklady said...

@ maldito


salamat sa pagdalaw.
akala ko nga dati bad word yun e.hehe


@ jag

salamat! isa ka pa lang tarantadong lalake. hehehe


@ rah


isa ka pa pala na tarantado. yan may tawag na sa inyo.hehe


@ superjaid

marami tayong nangangarap na sana binigkisan tayo, di ka nag iisa sis.hehe.

Fickle Cattle said...

aah, oo nga na. ang root word nya ay taranta. magaling.

http://ficklecattle.blogspot.com/

MiDniGHt DriVer said...

weehhh.. ang kulit nung tarantado. buti nalang hindi ako natataranta basta basta.

"nahulog yung bolpen"

aayyy... bolpen ko! :-)

kikilabotz said...

wag kang tarantado para sa amin seksi ka at maalindog. bwahahaha

darklady said...

@ fickle cattle


salamat sa pagbisita. ^_^



@ Midnight driver

weh! hindi pala taranta ah.hehehe. Aminin mo na isa kang tarantado.hehehe ^_^


@ kikilabotz


Yan gusto ko sayo e di ka marunong magsinungaling! whahahahaha!