Saturday, June 19, 2010

Ang Paglalayas ni Bulig

Kaninang umaga bumili ng bulig sa tapat ng bahay namin ang mahal kong Ina. Matagal na din kami hindi nakakakain ng bulig dahil wala naman mahilig. Balak ng aking Ina na ihawin ito kaya inilagay nya muna ito sa isang lalagyan. Masyadong malikot si Bulig kaya inilipat siya ng lalagyan at inilagay sa labas.


Makalipas ang ilang oras lumabas ang bunso kong kapatid para umihi sa labas. ( Bakit ganon mga lalake mas gusto pa umihi sa labas e may c.r naman?) At nung tingnan nya si bulig nawawala na ito,labas kaming lahat at hinanap ang pang tanghalian ngunit hindi namin talaga ito makita. Inisip namin na baka nakuha ng pusa. Kaya lumong lumo na pumasok ng loob ang aking Ina. Iniisip pa naman daw nya na masarap kumain ng bulig habang mainit, at dahil wala na yung bulig wala na kami ulam.


Wala na kaming nagawa kundi tanggapin na wala na si Bulig kaya yung mga kapatid ko pinagpatuloy na ang pag cocomputer, si mommy naman natulog na.


Lumipas ang isang oras, naghahanda na ako sa pagpasok ko sa school. At habang nagsusuklay ako tahol ng tahol ang aso namin kaya nilabas ko. Pag tingin ko sa labas nakita ko si Bulig at maduming madumi na halatang nagpa gulong gulong sa labas. Hiyaw naman ako " heto na si bulig". Labas ulit lahat ng tao sa bahay at si mommy kinuha ang lalagyanan at muling hinuli si Bulig. Paglagay sa kanya sa lalagyanan muling nagwala si bulig at kumawala.


Dun namin napatunayan na hindi nga sya kinidnap ni muning kundi kusa siyang naglayas. Hindi ko na nalaman ang dahilan dahil iniihaw na sya. At yun na naging katapusan ng buhay nya.


Sayang nga lang at hindi ko na natikman ang alindog ni bulig dahil pumasok na ako sa eskwelahan nung sya'y iniihaw na.

14 nag effort bumasa:

LHEY said...

Nom Nom Nom Bulig!!! :)

Renz said...

Lakwatserang bulig :] dapat kinakaen na yan talaga eh baka madisgrasya ni muning

kikilabotz said...

ano po yung bulig?hehehe..manok baiyon o ibon? hahaha..

happy fathers day ^_^

Jam said...

Wow sarap nun..inihaw tsaka igagata mo nakow! tapos ang diet ko neto hahaha! namis ko tuloy yan...

@ Kikilabotz..isa syang uri ng isda..na kulay itim na madulas na parang palos...

darklady said...

@ Lhey

Salamat sa laging pagdalaw. ^_^


@ Renz

Hahaha oo nga e, muntik pa tuloy mawalan ng iuulam.


@ Kikilabotz

Tama si ate jam isda yung bulig,medyo mahaba tapos maitim na madulas.


@ Jam

Balita ko preggy ka.tama ba? ^_^ Congrats!!

kayedee said...

hapi fathers day kay dadi mare! hamishu! mwaaahugz!

glentot said...

Hahaha at least naglayas man, bumalik rin. Anong bulig?

g4strainer said...

gandang story nanman!!!

darklady said...

@ Mareng kayedee

Happy Father's Day din sa dad mo. ^_^ hamishu too! hehehe


@ Glentot

Oo nga.hehehe
Bulig isda yun na maitim at madulas.


@ G4strainer


Salamat sa pagdalaw. ^_^ salamat!

Jesson And Rey Ann said...

thanks!, yap IT student ako...

Rah said...

hehe naenjoy ko to :D

darklady said...

@ Jesson

Ahh..ganon ba, salamat ulit sa pagdalaw. ^_^



@ Rah

Hehehe thanks. ^_^

darklady said...

@ Jesson

Ahh..ganon ba, salamat ulit sa pagdalaw. ^_^



@ Rah

Hehehe thanks. ^_^

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/