Monday, June 14, 2010

Natitira kong Isang Araw


Mali ang iniisip nyo na aalis na ako sa pag ba blog at mas lalong mali din na ako'y ma dededz na. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at marami pa akong hindi na eexperience. At masama akong tao. Oo dahil hindi ako masamang damo tao ako tao! ( so corny)
Dapat noon pa to kaso dahil sa aking kaeng engan hindi ko man lang naitanong kung dapat ba i blog to or kung hindi ko man naitanong at nakalagay to sa message e hindi ko napansin or naintindihan sorry naman.
Ito po ay ang assignment namin kay Kuya Poy. At ngayon ay nag ccheck na sya so dapat na ipost. ^_^
Kung!! (kung lang naman ah) Kung may isang araw na lang na nalalabi sa aking makulay na life na sinabawan pa ng gulay ano ang gagawin or paano ko ito iispend?
At heto na po ang aking listahan.
  1. Kumain sa iba't ibang kainan, yung tipong nasa gitna ng dagat yung resto o kaya nasa ibabaw ng bridge.hehe basta yung may gimik, yung tipong ganon yun na yun.
  2. Makapanood ng concert ng Westlife at makapagpa picture kay Shane Steven Filan my love so sweet.
  3. Makapamasyal sa iba't ibang place na dehins ko pa nararating.
  4. Makapag beach, pwede na ako umitim nun. Ay parang pangit pa din kasi baka ilibing ako na maitim...hmmm.gamit na lang ako ng sunblock.
  5. Maging isang modelo.
  6. Magkaroon ng anak, pwede ba yun sa isang araw lang?hehehe so imposible naman!
  7. Makapag simula ng business na maipagpapatuloy ng aking mga mahal sa buhay para kahit deds na ako hindi sila mahirapan.

Pero dahil sa malabo mangyari yun sa loob ng isang araw lang, mas pasimplehin ko na lang. Pero bonggang bonggang saya naman pag nangyari to.

Hahatiin ko ang isang araw. Gusto ko sa kalahating araw magkakasama kaming pamilya ko, boyfriend ko, pamilya nya at mga kaibigan namin parang party lang. At sa kalahating araw gusto ko i spend yun sa boyfriend ko, solo na namin kumbaga. Gusto ko kasama ko sya kumain kahit sa carenderia lang, mamasyal kahit sa kalye lang, manood ng movie kahit sa dvd lang. Gusto ko sya ipagluto ng mga pagkaing gusto nya at kantahan sya kasi pagkakataon ko na yun para hindi sya umangal sa boses ko.hahahaha. yun lang naman! bow! ^_^

8 nag effort bumasa:

glentot said...

naku gudluck sa Number 6 ahihii

Rah said...

modelo as in ramp model? or modelo sa tv at magazine?

darklady said...

@ Glentot

hahahaha salamat. ^_^


@ rah

both! hehehe.

POY said...

at dahil nga naman akoy tuwang tuwa sa post mo eh bigyan kita flat 1. hahahaha natawa ako dun sa maitim na ililibing ka naisip mo pa ba yon ha hahahaha hayuuff ha... saka nakuh naman ano umayos ayos ka dahil walang anak mangyari sa isang araw lang pwede gawing gumawa ng bata pero di nga lang mabuo kagad yon hahaha now i am seeing the other side of u and im happy na kahit parang joke lang naman tong assignment well at least if ever na darating sa life mo na it will be real alam at alam mo na ang dapat mong gawin. i admire u for being simple white. and with that flat 1 nga talaga grade mo sa akin... hahahaha natuwa naman ako dahil nag effort u kahit nalate akong magcheck sorry i was been busy saka lagi akong may sakit now eh pasensya na hehehehe

Jam said...

Musta abg unang araw sa School Girl?? Graduating kn ba? Ay naku yang si Poy pag-uwi ko hahantingin ko yan inubos ba nmn yung stock kong brain dahil sa assignment na to..Yung no. 6 pwede yun ilusyonin mo na lang hihihi! Gudlak Girl mis yah!

darklady said...

@ KUya Poy

Talagang ganon aba dapat kahit patay na e maganda pa din diba? Para pag pinikturan aba pretty pa rin ang lola! hehehe.

Salamat sa flat 1. ^_^ Yes honor ba?hahahaha. Naku mag rest ka kasi kuya poy kaya ka nagkakasakit e.


@ Jam

Ang unang pasukan ay nakakapagod...nakakapagod makipag kwentuhan at mamasyal.hahahaha. 2nd year pa lang ako.oO nga huntingin si kuya poy!!!! gora!!! ^_^

Imposible nga talaga mangyari yung number 6.hehe.mag aapon na lang ako. ^_^

Ingat!!

kayedee said...

waaaa. late me uber? musta nman yun! ahha. sowee mare,, xge na parusahan mona ako! tatanggpin ko! ahaha..

kya hnd q gnwa ang assignment ni poy eh kc kung iicpn mo eh kulang tlga ang isang araw s lht ng gus2 mong mangyri sa buhay mo..

pero teka biglng my naicp ako! ahaha. pde pb humabol sa assgnmt ni poy? :)

darklady said...

hahaha.oo mare late ka na uber!!! hala bagsak ka na kay sir poy kasi late kana magpasa ng assignment.hehehe.