Saturday, May 29, 2010

This is my first time!!!


Tama ang inyong nabasa, first time ko to. First time na ako'y
maambunan at nabasa sa isang salon. First time na madampian ng nagmamasaheng kamay ang aking buhok sa ulo.



Sa maniwala kayo o sa hindi natural na natural ang buhok ko, walang bahid ng pagpapa rebond o kahit ano pa man. In short tagtuyot yung buhok ko ang dating ay parang hinangin lang sa labas. Summer na summer!!


Noon ko pa gustong magpaganda ng hair, kaso pag naiisip ko yun wala ako pera at kapag naman may pera ako nanghihinayang ako kasi ang mahal mahal. Maraming pagkain din ako mabibili sa pampaayos na yun. At nung isang araw nga kahit papaano nakainom din ng tubig ang buhok ko, nagpa hair spa ako. Ang sarap sa pakiramdam, sabi nung nag aayos sakin maganda daw kung magpa rebond ako mas gaganda daw hair ko. At talagang gaganda nga kasi ang ganda din ng price nasa P1500. Oo mura sya sa may pera pero sa ngayon wala ako nun, saka na lang muna yun. Masaya na ako sa hairspa muna, dadating din tayo sa pagpapa rebond.


At hindi lang yun, bukod sa ako'y nagpa hair spa ako'y bagong gupit din. May bangs ang lola mo!! kung hindi ako nagkakamali ang tawag sa gupit ko ay japanese haircut. wala ako alam sa iba't ibang klaseng gupit kaya pinaubaya ko na kay ate yung style na gagawin nya sa hair ko. At ang kinalabasan syempre kamukha ko pa rin.hehehe.ayos naman. ^_^



At iyan po ang kwentong first time ko. Kung maghahanap ka ng moral lesson dyan e mabuti pang matulog ka na kasi wala kang mahahanap...


Ang masasabi ko lang,nakukuha sa pag iipon ang pagkamit sa gusto mong makuha. Sensya na sa mala balon kong sinabi antok lang e.kailangan ko na magpa hinga. ^_^ babush!!!


Sana wag kayo magsawang magpunta dito sa aking bahay..

18 nag effort bumasa:

Rah said...

gusto ko ng bagong camera, paano ko kaya iipunin ang 30k kung 100php lang ang baon ko? :D

Dhianz said...

... naks... hair spa hair spa na lang tayoh... well... minsan kahit mahal kung ikagaganda naman naten... go for it! kahit wala ka nang kainin for d next 2 weeks or kung kelan man next paycheck moh... datz d essense of beauty... hahaha... ano daw? lolz... ingatz sis DL! =) Godbless!

Jam said...

Naks! nagpabyuti..wahahha! tama yan kse pasukan n nmn syempre para kahit papano new look..minsan minsan lang nmn natin kung bigyan nga layaw ang sarili natin wag na nating ipagkait yun..Mwah! ingat Girl!

kikilabotz said...

naks baka magmukhang model ka na lalo nyan ha? naks talga ahaha

darklady said...

@ rah

makakaipon ka din hintay ka lang.hehehe

@ dhianz

naku mahirap iwala yung pagkain, ok lang mawala yung pampa hairspa.hehehe

darklady said...

@ rah

makakaipon ka din hintay ka lang.hehehe

@ dhianz

naku mahirap iwala yung pagkain, ok lang mawala yung pampa hairspa.hehehe

darklady said...

@ jam

oo nga, para pag pasok new look din.hehehe.

ingat din.^_^


@kikilabotz

oo model ng naambunan ng tubig.hahaha..

DRAKE said...

asan ang picture kailangang ipakita mo ang iyong transformation!naks!

Mukhang nag-enjoy ka ah! Hehehhee!Ayos

Ingat

kayedee said...

mdaya! bkt wlang pix? inaantay ko habang nag sscroll down ako e! ahahaha

hang sosyal naman!! bagong hair spa na, bagong laptop pa!! waaaahhh

leng said...

huwaw... honga..asan na ang pix?? sometimes, u have (ooppsss..MUST pala.. hehe) pamper urself din naman.. ahihi.. :)

darklady said...

@ kuya drake

piktyur talaga ah.pag isipan ko muna...hmmmm...


sige try ko.hehehe

^_^ ingat din



@ mareng kayedee

wala pa kasi yung photographer ko e.hahaha.(model?)


@ leng

salamat sa pagdalaw sa aking munting bahay, sige susubukan ko maglantad ng pic. ng hair ko dito. hair lang ah.hehehe

Arvin U. de la Peña said...

lalo kang gaganda..

glentot said...

Patingin naman ng picture na nagdedemonstrate ng Japanese cut mong bangs...

darklady said...

@ arvin

salamat ^_^


@ glentot

sige paghahandaan natin yan.hehehe

언니 said...

picture mo ha heheehe,,
at matry ngang pagupit with jap bangs sa korean salon hahaha,,,,,

darklady said...

hehe, sige.at maglagay ka din ng picture mo ah.hehe

macz said...

ayy,.nainggit ako bgla..palimos nga ng pampabyuti..hahaha.. :DD congratz sa first tym sis.. :))

Renz said...

wala bang picture jan ? hehe