Friday, June 4, 2010

Ang Nalalapit na Pagtatapos ng Bakasyon ni Dark


WOhoo !! Tapos na ang summer vacation!! At malapit na magbalik eskwela.

Balik pag rereview na naman para sa mga exam at recitation. Paggawa ng project at report at ang muling pag aaral ng pag luluto kung saan muli na naman ako lolobo.

Feeling ko lutang ako na hindi ko alam, nangangati ang mga kamay ko at gusto mag post sa aking bahay kaya heto ilalagay ko kung ano ano ang mga pinag gagawa ko at nangyari nung bakasyon.

* Sa unang linggo ng bakasyon nagpahinga ako at nangarap na lang dahil sa pagod ko sa finals namin. (rest week kumbaga)
*May nag alok sa akin ng trabaho ( dancer daw) joke lang! kaso kinabukasan need ko na pumasok, ok na sana kaso wala pa ako requirements kaya hayun hindi rin natuloy.Tinapay na sana naging bato pa.
* Naging magulo ako dito sa aking bahay, mapapagod ang mata ng nagbabasa dahil sa hahaba ng entry ko at araw araw na pagpopost.
* Naisipan ko na maghanap ng work sa labas kaso umuwi din akong luhaan.
* Dahil sa sobrang init nakisabit ako sa mga mag swimming kaya naka dalawang swimming ako
* Nag li-low ako sa pag ba blog dahil..
* Naging tita yaya na ako
* Namatay yung lola namin at sa burol nya nakita ko na yung kaibigan kong matagal ko nang hinahanap plus nagtext sa akin yung classmate ko nung elem. natagpuan na nya daw yung iba namin kabarkada nung elem. na matagal ko na din gusto makita.
* Nagpunta ako sa school para kunin ang classcard at magpa enrol at isang magandang balita dahil naka kuha ako ng academic scholarship. Naka discount ba, hindi naman ganon kalaki pero makakatulong na din sya pambawas sa tuition ko.
* Sumunod naghahanda na kami sa pagdating ng kuya ko galing Oman
* Kaya bago pa man sya dumating nagpa hair spa ako at nagpagupit
* At nung dumating sya syempre halungkat ako ng pasalubong nya sa akin at tsaran! (isang laptop) ^_^
* Pagkatapos nun muli nag swimming kami. kaya naka 3 akong swimming. Kahit naglalakad lang ako sa pool panay pa rin sama ko sa swimming.
* At para sa nalalapit na pagtatapos ng bakasyon bukas mag enchanted kami. (sama kayo!) ^_^


At yan po ang nangyari sa aking bakasyon talagang puro pasarap.hehehe. Pero next na summer sana hindi na ganito dahil gusto ko nasa work naman ako. Gusto ko mag ojt sa Manila para maiba naman ako ng lugar at gusto ko matuloy ang business na pinapangarap ko.Busy busyhan mode ka na plus may pera ka pa.o diba mas masaya yun.

9 nag effort bumasa:

Renz said...

wow
saya ng bakasyon mu :] pareho tayo!
at may LAPTOP pa BIG TIME
tapos ENCHANTED BUKAS? haha
inggit me kasi bawal na ako gumala pasukan na tom :]

kayedee said...

ayan tpos na ang kaligayahan mo mare!!! ahahaha..

nga pla sis.. almo nb ung true media, para sa mga videos?

darklady said...

@ renz

ang aga ng pasukan nyo ah buti na lang kami sa 15 pa.hehehe.mang inggit daw ba. ^_^


@ mareng kayedee

oo nga e lapit na pero ok na din yun kakainip din sa bahay e.hindi ko alam yun, pano yun? ano i ddownload?

leng said...

naman.. goodluckers sa bagong pasukan!.. :)
blog ka pa rin ng madalas ha.. :)

KESO said...

haha, at ako naman ang tita yaya ngayon, kaya di muna ko mkkdalaw sa inyo ah.

darklady said...

@ leng

salamat,kahit pasukan na mag bblog pa din ako.^_^


@ keso

goodluck sa pagiging tita yaya.^_^

♥superjaid♥ said...

wow..inggit much..miss ko na ang enchanted kingdom..

kikilabotz said...

ang paborito kong ginawa mo ngayong bakasyon ay ...

nagpahair spa ka..hahaha

darklady said...

@ superjaid

salamat sa pagbisita, minsan try mo din mamasyal dun, sarap! hehehe.


@ kikilabotz

hahahaha.ang pagpapa hairspa ko talaga ang nagustuhan mo ah.parang tuwang tuwa ka dun.^_^