Tuesday, June 8, 2010

Mahal kita, Hindi kita Iiwan


Oo inaamin ko mahirap ka iwasan dahil kahit saan ako magpunta laging ikaw ang laman ng isipan ko. Sa pamamasyal hindi pwedeng wala ka dahil ikaw lang kumukumpleto kahit nag wiwindow shopping lang ako.

Minsan nasasaktan ako sa sinasabi nila tungkol sa akin at ikaw ang sinisisi gayunpaman hindi kita iiwan. Dahil ikaw ang karamay ko kahit anong mood ko, ikaw ang isa sa mga tinuturing kong kaibigan.

Masyado kayong seryoso, si pagkain yung tinutukoy ko. Nagdadrama lang ako kasi tumataba na ako at sigurado na madadagdagan na naman ako dahil malapit na magpasukan. Lutuan portion na naman. Pero ok lang yun, kahit tumataba na cute pa naman!! whahahahaha!! walang magwewelga! ^_^

15 nag effort bumasa:

Rah said...

ano ba ang lagi mong kinakain kaya ka tumataba?? hehe

kikilabotz said...

oo nmn..cute k p rin khit tumataba k na..hehe

kayedee said...

waaaaaa.. datz gud ,mare magpataba! ehehe.. ako hnd ko fren ang fud e! ahaha mag kaawy kme!ahahha

Renz said...

ang kulit..
kala ko kung anu
ok lang yan..tulad nga ng sabi mo, cute ka pa rin..oh siya di na kami kokontra :] haha

darklady said...

@ Rah

Rice ang madalas. Hindi kasi ako mahilig sa tinapay. Minsan kahit merienda nagiging rice.hehehe


@ Kikilabotz

Weeeh!! ^_^ super tumaba puso ko.hahahaha.salamat!

darklady said...

@ Mareng Kayedee

Naku nagpapa sexy ka ba mare? bakit galit kayo?hehe.o umeetchos ka lang ha? ^_^


@ renz

hahaha.salamat naman at hindi ka kumontra.^_^

POY said...

loko ka ha hahaha hayufff akala ko kung ano na amppphhh

♥superjaid♥ said...

hrm ka din sis?anyway..akala ko din serious post..hehehe food lang pala..uhmm..ok lang maging mataba basta cute pa rin..^_^

goyo said...

pagkain pala.. akala ko dyowa. haha.

--bago ako dito, napadaan. sana minsan mapadaan ka din sa tambayan ko. pa-follow na din at xlinks. pa-inform lang po ako kung payag kayo.. INGATS!

Jam said...

Okey lng kumain ng kumain wag lang sumobra..swerte ka nga may nakakain db? ingat girl gudlak sa pasukan..

darklady said...

@ KUya poy

hahaha.hayufff nga!! nakabasa ka lang ng " Mahal kita e"hehehe.


@ superjaid

yup hrm din ako, kaw din? dahil sumang ayon ka, apir tayo!! ^_^
salamat sa muling pagbisita.


@ goyo


na goyo ka ba sa title ko?hehehe.salamat sa pagbisita,sige dadaan ako sa blog mo. ngayon na.oo now na.^_^

darklady said...

@ jam

oo nga e,pero minsan wala.hehehe yun ang mahirap parang may nag aaway sa loob ng tyan ko.^_^ salamat

master said...

akala ko may pinagpapantasyahan kang artista... yon pala pagkain lang.

Arvin U. de la Peña said...

akala ko kung sino..si pagkain lang pala..magaling ka siguro magluto..

darklady said...

@ Master

salamat sa pagbisita. ^_^ hehehe, nakakapanloko ba?hihihi


@ arvin

naku magaling lang kumain.hahahaha