Saturday, August 7, 2010

Ano pinagkaiba natin?


Pareho tayong ginawa ng ama't ina natin hindi nga lang malaman kung ilang gabi. Kinarga sa loob ng tyan at iniluwal, pinutulan ng pusod at nilampinan. Uminom ng gatas, milo, kape o sabaw ng sinaing para mabuhay. Nagsanay gumapang, umupo, tumayo at magsalita. Pareho na din natin naramdaman ang maging malungkot at maging masaya.


Isang daan lang tinatahak natin, ang patuloy na mabuhay sa mundong ibabaw para maging makulay ang buhay tulad ng sinabawang gulay. Isa lang pinagkaiba natin, yun ay kung saan ka pinalaki at kung ano ang mga materyal na bagay ang binigay sayo. Mas maswerte ka lang sa akin.




Ako pinalaki sa isang simpleng pamilya. Natutong paghirapan ang mga bagay na gusto ko samantalang ikaw nandyan na sa iyong harapan ang lahat ng bagay na gusto mo.




Tao ka, Tao rin ako....




- Batang Kalye





* Hindi sila iba sa atin, nangangailangan din sila ng hangin, tirahan, pagkain, tubig, edukasyon at higit sa lahat pagmamahal at respeto bilang tao.

13 nag effort bumasa:

an_indecent_mind said...

wala tayong pinagkaiba.. hindi nasusukat ang pagkatao sa dami ng alahas sa katawan o sa sarap ng kinakain sa araw araw. hindi din sukatan ng pagkatao kung gaabo ka katatas manalita ng wikang banyaga o magtalumpati sa harap ng maraming tao. di din panukat ng pagkato ang antas ng iyong pamumuhay. sapagkat tayo'y iisa, pantay pantay lang, walang sinuman sa atin ang may hawak ng sariling buhay.

nice post!

Arvin U. de la Peña said...

sadyang dito sa mundo hindi pantay pantay ang lahat..masakit man pero kailangan tanggapin..

kikilabotz said...

ang galing..

salamat sa post na ito. sana marami ang matauhan. ^_^

Benh said...

agree ako Darklady.. Lahat tayo ginawang pantay-pantay sa mata ng Diyos... ngunit malaking kaibahan sa mata ng mga tao... politically driven ang post mo. :D

♥superjaid♥ said...

very well said sis..sana mabasa din ng iba to..

Unni-gl4ze^_^ said...

nice post white lady~
tama ka pareha pareha lng tau ng daan tinatahak sa mundong ito, iyon ang ang makasurvive sa masalimuot na mundng gnagalawan natin~~
musta na ikaw namiss ko poste mo~

glentot said...

May panahon para sa lahat, may panahon para umasenso ang mga deserving...

kayedee said...

naks! npaka inspirational nman to mare!! loveit!!

Tama!! Lht ay pantay pantay Lang :)

darklady said...

@ an Incedent mind

salamat din
wow nice comment din!! ^_^ wala ako masabi sa sinabi mo.tama!


@ arvin

ganon na nga.


@ kikilabotz

salamat! natauhan ka din ba?lol joke!


@ benh

sadyang ganon na nga yata talaga. hating hati na tayong mga tao.

darklady said...

@ superjaid

salamat!! ^_^


@ unni

salamat! ^_^
eto buhay pa ako, hehe.medyong naging busy lang noon. at ngayon muling nagbabalik.


@ glentot

tama! ^_^


@ mareng kayedee

o yeah mare!! salamat!!

Jag said...

wala tayong pinagkaiba...lahat tayo ay likha ng iisang LUMIKHA...lahat tayo ay nilikha ng pagmamahal NIYA...

darklady said...

oh yes!! ^_^
salamat sa laging pagdalaw kuya jag.
ingat!

leng said...

nice post.. nata... nata... uu natauhan din ako.. hehe... sana mabasa to ng maraming mamamayan... let's make the change within ourselves... pwede natin silang tulungan para sabay sabay tayong tahakin ang iisang daan.. :)