Wednesday, May 5, 2010

Take Me Out


Dati pumatok sa atin ang American Idol kaya nagkaroon din ng Pinoy Idol sa atin. Pagkatapos pumatok din sa atin ang Survivor kaya nagkaroon din tayo ng ganoong palabas dito sa Pilipinas at ngayon mainit init pa ang Pilipinas Got Talent kung saan iba't ibang talento ng mga Pilipino ang ipinapakita. At ngayon kakaiba at panibagong show na naman ang bumuluga sa atin.Nagkaroon na nito sa Australia, Denmark, The Netherlands, Sweden, Spain at UK. At ngayon meron na rin sa ating bansa. Ito ay ang "Take Me Out" na ang host ay ang Prince of RnB na si Jay-R.


Mechanics ng game na ito ay may isang guy na may 3 chance para mapa impress ang 30 single ladies. Kapag hindi nagustuhan ng girl ang pagpapa impress ni guy pwede nya i off yung lights at sa huli pipili na yung guy kung sino yung pinaka gusto nya sa mga single ladies na naka turn on ang lights. After that sila na yung pair na pwedeng mag date.


Kita nyo bumobongga na ang paghahanap ng ka date. Para sa mga lalakeng sasali dun palagay ko kailangan yung astig ka talaga, yung gwapo. Kasi nung manood ako dun hindi basta basta lalake lang yung hinahanap ng ibang girl dun. Gusto nila yung maangas ang dating, yun tipong may kakaiba kang talento na mapapa wow sila, at kung hindi ka ganoon malamang lamang e ma turn off sila. Naisip ko nga nun e kung lumulunok kaya ng apoy yung guy na yun mapa wow pa rin sila? At para naman sa mga babae dun kailangan din yung may pang beauty queen na itsura ka o kaya yung cute yun tipong malakas ang dating dahil kung wala ka nun tiyak na hindi ka pipiliin ng bachelor na nandun. Dahil nung nagtanong yung bachelor sa dalawang single ladies na natitira. Yung isang maganda hindi maganda yung sagot para sa akin waley sya. Tapos yung isa naman na hindi kagandahan, maganda ang sagot. Bago makapili yung guy sabi ko sa sarili ko. Tiyak nyan yung maganda pipiliin nya at hindi nga ako nagkamali mas pinili nya yung maganda na waley lang ang sagot.


Sa opinyon ko, maganda naman yung show na yun kasi nakakaaliw kaya lang pati ba yung paghahanap ng ka date ay gawin ding show? Diba diskarte na ng lalake kung paano makakahanap ng babaeng i dadate. Kung sabagay nasa anong panahon na ba ako? Malay nyo pati pag aasawa maging isang game show na rin. Ginagalang ko opinyon ninyong lahat. Basta ingat ingat na lang. Ang pakikipag date naman ay isang paraan para makilala ang isang tao. ^_^

17 nag effort bumasa:

Rah said...

bat gusto ng mga babae ang mga lalaking maangas??

mjomesa said...

maangas..

hmmm...

kahit sa totoong buhay, maala-BEAUTY and the BEAST pa rin...WTF..

DRAKE said...

Parang gusto ko ngang sumali dyan eh! Pinapalabas din dito sa Saudi yan!

Palagay ko kung sasali ako dyan, unang impression palang sa akin tyak blackout na agad ang mangyari!

Hahhaha

ingat

darklady said...

@ Rah

Siguro dahil type nila yung lalakeng lalake, yun tipong kaya sila ipagtanggol. Ako kasi hindi ko type ang maangas, nayayabangan ako.Pero kanya kanyang type yan e.


@ Mjomesa

Oo nga, minsan ganon nangyayari.



@ Kuya Drake

Wag ka mag alala, pupunta ako dun para lagyan ng generator yung lights nila para always turn on pa din sila.hehehehe

Ingat din

roanne said...

gimik lang yan para sa mga gustong mag-artista... test lang yan kung sinong bagong artista ang bibigyan nila ng kontrata para sulit dapat patok muna sa tao... kaya ginagamit nila ang iba't-ibang reality shows para matagal ang exposure...

kikilabotz said...

uhmm oo nga lagi nga pinapalatastas yung show n yun eh. parang gustoko nga sumali eh. wahahahaha. nwei uso nmn reality show ngaun eh naghahanap lang sila ng pagkakakitaan

kikilabotz said...

uhmm oo nga lagi nga pinapalatastas yung show n yun eh. parang gustoko nga sumali eh. wahahahaha. nwei uso nmn reality show ngaun eh naghahanap lang sila ng pagkakakitaan

kayedee said...

hmmm.. hnd q pa npapanuod yan ah.. uso na kc ang mga reality show eh at patok na patok kaya nman kht anung reality pinapaok na nila ehhee. xge marvz pag sumali ka sasali din aq! nyahahah

glentot said...

Minsan nanood ako nakita ko 2 girls na lang yung naita, isang mataba at isang sobrang sexy, so yung guy ang mamimili. Pinili ng guy yung sexy, at kitang-kita sa mukha nung mataba ang pagkalungkot.

darklady said...

@ Roanne

Pwede rin na yung ibang mapili dun ay maging artista, hindi nga malabo lalo na kung maganda o gwapo sila diba.


@ Kikilabotz

Pwede rin, sige sali ka kita mo pati si kayedee sasali kapag sumali ka.hehehe.

darklady said...

@ Mareng Kayedee

Kung gusto mo mare e di diretsong date na lang kayo ni kikilabotz.hehehe.diba?diba?


@ Glentot

Kapag ganon na ang natira sigurado na kung sino ang pipiliin.tsk! tsk!! hay naku bakit nga ba ganon ang nangyayari.

Jam said...

Hmmm mukhang uso ang kwentong pang GMA 7 ah..hahaha..ako medyo di ko gusto ang game show na to kc parang walang aral kang makukuha and to think na ihahanap ka ng date na d mo kilala..medyo delikado db? Chige po ingat ingat gala gala lang po ako..

KESO said...

ah, npanood ko to. one time lang, ahmm. di ko din trip tong palabas na to, parang wala lng, hanap hanap lng ng mkkdate, un lng. di ko trip. hehe

darklady said...

@ Jam

GMA month yata?hehehe..salamat sa pagdalaw. ^_^


@ Keso

Sayang ayain pa naman kita na sumali e.hehehe.^_^

♥superjaid♥ said...

minsan talaga mas pinipili ng karamihan ang physical looks than the brains and attitude..ewan ko kubng bakit..gusto alng ata nila ng trophy..

Arvin U. de la Peña said...

minsan talaga ang mga pinoy ay walang originality..mahilig manggaya sa mga palabas ng banyaga lalo na kung patok talaga..katulad na lang ng talentadong pinoy..ang daming gumaya ng palabas na iyon..medyo may kahalintulad sa ginaya..

darklady said...

aRVIN

Oo nga e, kung ano ang patok yun ang ginagaya.