Thursday, June 24, 2010

Ingay sa Gabi



Sabi nga nila "Huwag ka magsasalita ng tapos hangga't hindi mo pa nasusubukan"
Nung 1st year highschool ako may tinanong yung prof. namin. Isang matinding tanong na kung ikaw ay isang bait baitang bata ay sasagutin mo ng may kabaitan at pagpapasensya.
Heto ang tanong:
"Kung ang asawa mo ay naghihilik ano ang gagawin mo?"
At ako naman si seryoso, sumagot kaagad ako sa tanong.
Pasahan ng papel.
Binasa ni ma'am yung mga sagot.
Pumili ng isa.
At ang napili ay ang papel ko.
"Kung naghihilik ang asawa ko hindi ko siya hihiwalayan dahil hilik lang naman yun, simpleng dahilan yun para hiwalayan ko sya. Iisipin ko na lang na music yun para makatulog ako."
Tawanan sa klase kaya si ako naman pinagtanggol ko sagot ko . At walang kadala dala na inulit ko dahil talagang pinaninindigan ko na tama yung sagot ko.
At ngayon kinakain ko na yata sinabi ko.
Ilang linggo ko na katabi ang bunso kong kapatid na lalake sa higaan at talaga naman na ang lakas lakas nya mag hilik. Nakakairitang marinig ang sakit sakit sa tenga kaya kapag nagigising ako ng madaling araw talaga sinisipa ko sya palayo sa akin. Minsan pa nga sa sobrang inis ko hinahawakan ko ilong nya saka ako pipisilin para tumahimik pero dahil sa masama yun at baka mapatay ko pa sya sipa na lang. Ang bait kong kapatid noh.
Ayon sa nabasa ko hindi lang yung naghihilik ang pwedeng magkaroon ng sakit maging ang nakakarinig ng hilik ay nagkakaroon din ng problema,mas madaling na sstress ang taong katabi ng hilikers at nakakabawas din daw ito sa buhay nya.
Kaya kapag ang katabi nyo ay naghihilik sipain nyo din. jokla lang!! Ayon ulit sa nasagap kong balita itagilid mo daw yun naghihilik huwag mo sya pabayaan na nakatihaya.
Hanggang dito na lang muna kasi antok na ako. At naririnig ko na naman ang hilik ng kapatid ko. Patulugin sana ako ng mahimbing.hayss.........babush!! Goodnight!!! ^_^

14 nag effort bumasa:

roanne said...

may therapy sa hilik, napanuod ko lang sa talk show, lagyan daw ng tape ung bibig, kasi ang hilik daw ay result of improper breathing, breathing should be from the nose daw... hehe

ayos lang sakin ung naghihilik, sanay na ko dun kasi ung tatay ko malakas maghilik =)

makatulog ka na sana ng mahimbing =)

leng said...

gisingin mo para pareho kayong puyat.. nyahaha.. hang bad.. haha...
mag unan xa ung medyo mataas ng konti..para makahinga xa sa ilong.. :)

nawa'y makatulog ka ngaun... :)

kayedee said...

waaa tamah! antok lng yan! ahaha.
at korak ka mare bka singer xa pag tulog! ahahaha

glentot said...

Nakanganga ba sya? Pasakan mo ng kamao.

Rah said...

bili ka ng earplugs yung pang construction worker na nagbabarena ng mga kalsada. effective yon. :D

kikilabotz said...

wahahaha. napakasadista talaga ni glentot.. wahaha. try mo ipatulog siya ng sideways..mga mkapatid ko at magulang ko rin malalaksa maghilik eh..wahahahaha. kapag hindi ka sanay mhirap talga yan. pero sanayan lang yan. yung iba nga nakakayulog sa tren eh..

darklady said...

@ Roanne

Buti at naman at nakatulog ako ng maayos,hehehe.

Ay ganon ba yun? kape pala ilalagay. salamat!! ^_^


@ Leng

Hehehe ganon? mas malala yung pareho kaming gising baka maging adik.hehehe


@ Mareng kayedee

naku sakit sa tenga nung pagiging singer nya ah.hehehe

darklady said...

@ Glentot

hahahaha.malapit ko ng gawin yun, kaso patay ako sa mom ko.hahaha.salamat sa magandang payo. astig!!! ^_^


@ Rah

hahahaha..talagang yun ang gagamitin ah.hehehe salamat! ^_^


@ kikilabotz

oo nga e ayos na ayos ang payo ni kuya glentot.hehehe

tama ka sanayan lang yan.hehehe

♥superjaid♥ said...

hehe hirap ng ganyan ako naglalagay ako ng headset sa tenga para di ko na marinig yung hilik ng katabi ko..

imriz said...

unahan mo lagi sa pagtulog,wahhh:)

Unni-gl4ze^_^ said...

tama si imriz unahan mo sa pagtulog or kaya yung sabi ni rah bili ka ng ear plug hahaha,,
o tabunan mo ng unan tapos pag di na huminga matulog ka na jokes lng ang bad ko rin nohahahah

Arvin U. de la Peña said...

huwag mo na lang pansinin ang paghilik niya,hehe..

darklady said...

@ superjaid

may katabi ka din naghihilik?hehe


@ imriz

kahit unahan sa pagtulog, magigising pa din sa madaling araw.hehe
salamat sa pagdalaw. ^_^

darklady said...

@ unnie

ang bad bad mo!! hahahhahaha..pero gusto ko yang advice na yan.hihihihi..^_^

@ arvin

nakaw pansin ang paghilik nya e.hehehe