Friday, May 21, 2010

Tita Yaya


Ako'y nagbakasyon dito sa aking blog dahil naging isa akong tita yaya sa aking 8 years old na babaeng pamangkin. Wala dito ang aking kapatid na mommy naman nya kaya ako ang nag aalaga sa kanya ngayong bakasyon.


Sa pag aalaga ko masasabi kong Masaya at mahirap din.

Masaya kasi ang sarap ng feeling na may alaga kang bata, aayusan mo, papakainin,papaliguan, at patutulugin mo parang manika lang. Mahirap naman kapag tinopak sya. Napakatampuhin ng pamangkin ko. Makita lang nya na kayakap ko tito nya (bunso kong kapatid). sasabihin bakit daw sya hindi yinayakap. Sa kakulitan nya minsan napagsasabihan ko na din sya at ang gagawin nun didilaan ako at sasabihin hindi daw sya tatabi sa akin sa pagtulog. Pero wag ka dahil pagdating ng gabi, hinihintay akong umakyat sa taas. Matutulog na daw kami. e di bati na! hay naku batang yun talaga.


O pano hanggang dito na lang muna. Oo ako talaga to, nanibago kayo dahil maikli pa lang?hehe.next time na yung mahabang post. Nagparamdam lang ako na ako'y humihinga pa naman dito.^_^

Babush!!

14 nag effort bumasa:

POY said...

hay ang kacute naman ng batang yan naman oo kelan kaya ako magkaron ng ganyan amff hahaha sumasablay talaga ang usapan eh ano heheheh

kikilabotz said...

i love kids din eh.hehe. malapit mga puso ko sa mga bata. galingan mo pagaalaga sa babay mo ha? kokotongn kita pag pinabayaan m yan

DRAKE said...

Gudluck sa pagba babysit! Mabait na tita!hehehe!

Ayos yan at least may training ka na kung sakaling magkapamilya ka!nice

Ingat!

roanne said...

namis ko tuloy mga pamangkin ko... i love kids... =)

goodluck!

KESO said...

malapit ng umuwi ung mga pamangkin ko , magiging tita yaya na nman ako haha,kaya alam na pag ako naman ang di ngparamdam haha. ingat!

Rah said...

dark feeling ko lumalabas na ang mother instincts mo :D hehe

so kelan mo ba balak magkaron ng anak? haha

mjomesa said...

wow...si yaya hindi loser.

hehehe

darklady said...

@ Poy

Magkakaron ka din nyan, bata ka pa naman e.hahahahaha.(peace!) Ano ka ba sabi sayo hangga't buhay ka may pag asa pa.^_^


@ Kikilabotz

Sige nga kaw na mag alaga.hehehe.Opo hindi ko sila pababayaan.talagang may word na "kokotongan pa ah" hehehe.

darklady said...

@ Kuya Drake

oo nga e may training na sa pag aalaga ng bata. pwede nang wag mag pamilya. ang hirap pala.hehehe

ingat din. ^_^


@ Roanne

thanks! ^_^

@ keso

dapat ka ng maghanda handa nyan kung ganon.hehe

darklady said...

@ Rah

Oo nga e, pero matagal pa yun.Medyo dulo pa yun. Hindi ko pa matanaw.hehehe


@ Mjomesa

yeah!! pero minsan naku po nagiging si angelina.^_^

glentot said...

Haha humanda ka nang masabihan ng Tita you're such a loser!

darklady said...

kuya glen subukan lang nya, humanda sya.hahaha

kayedee said...

waaaa mare bkit nmiz ko to??!! :(

sori nman mare!

musta na mare?? yahooooo

darklady said...

busy ka kasi e.hehehe..