Thursday, June 17, 2010

Lalakeng Uy! Ay!


Balik eskwela na naman lahat ng estudyante,bagong gamit at bagong damit na din. Marahil ang mga unang pumasok sa highschool at college ay excited dahil magkakaroon sila ng bagong kakilala. Hindi tulad ng sa amin alam na yung pagmumukha ng bawat isa ang makikita kaya hindi mga excited. At mukhang naliligaw na ako sa topic.



Sa mga first year college ito nangyayari ang magsuot muna ng sibilyan habang walang uniform.At syempre para sa mga fashionista, hilig magsibilyan at may maraming damit pabor na pabor ito. Iba't ibang klaseng porma ang makikita mo sa daan, may ilan na aakalain mong pupunta lang ng palengke dahil naka tsinelas pero mamamalayan mo na same lang kayo ng door na papasukan dahil nag aaral pala sya. May ilan naman na todo porma, tipong mapapatingin ka dahil sa agaw pansin nyang suot, kung hindi kinulang sa tela ang damit yung pantalon naman na may design na punit. At syempre may ilan naman na simple lang tipong pantalon, blouse at sapatos/doll shoes.



Hindi naman masamang pumorma, kaya lang may mga kailangan na damit na dapat isuot sa isang lugar. Minsan din kasi dahil sa damit mo nababawas pogi / ganda points mo. Katulad nung nangyari nung 1st day ng klase.



Dahil sa wala pa kaming prof. pa gala gala kaming 8 magkakaklase. May mga nakakasalubong kaming 1st year college. At yung isa kong kaklase nakakita ng isang gwapong estudyante. "Uy ang gwapo nya! At naka black pa na t-shirt!! astig!!" with kisap kisap mata pa nang biglang pagtingin nya sa baba. " Ay jejemon pala! Orange ang pants" Waley ang pogi points!!
At ngayon tuwing makikita nila si Uy ay natatawa sila. Naalala ang orange na pants.
Moral lesson:
Wag magsusuot ng orange na pants para hindi mawala pogi points.

9 nag effort bumasa:

Rah said...

hahahaha

Jejemon pala siya :D

Marami din ako nakikita sa train na ganyan, babaeng jejemon naman. eew eew.

kikilabotz said...

ganun b pag naka orange n pants jejemon na? hahaha

glentot said...

Itatapon ko na nga yung orange pants ko! Bwahihihi

roanne said...

neon orange pants? haha gaylicious =)

kayedee said...

waaaa.. ahahhah..
ok lng naka orange bsta keri nya! keri ba? ehehe
nmiz ko mag aralllllll huhuhu..
hamishu mare!

darklady said...

@ Rah

Dati pa diba nauso yung mga de kulay na pants? Now lang nagka name nag susuot ng mga ganon noh.


@ Kikilabotz

Ayon sa mga napagtanungan ko basta daw de kulay na pants pang jejemon daw. Now ko nga lang din yun nalaman e



@ Glentot

Ahahaha bigla nang itatapon ang pants dahil baka mawala ang pogi points?

darklady said...

@ Roanne

Sayang nga porma e, nawala yung pogi points nya sa klasmeyt ko dahil lang sa pants.


@ Mareng Kayedee

Nakasira ng porma..^_^
Waahhh!! mare hindi na tayo masyado magkikita.

Renz said...

jejemon style pala yung ganun..kaya ako gusto ko may uniform na agad na required pagpasok. Mahirap maghanap ng maisusuot pag kokonti lang ang magagandang damit. nakakahiya sa iba :] haha

darklady said...

@ Renz

oo nga e,ako man hirap mag isip ng isusuot pag sibilyan lalo na pag 1 buwan ka naka sibilyan. Halatain na konti lang damit ko.hehehe