Saturday, August 28, 2010

Tagumpay para sa Lahat

August 27, 2010
Mula Bulacan nagbyahe kami patungo sa main branch ng school namin sa Quezon City, kung saan gaganapin ang iba't ibang klase ng paligsahan. Bawat branch ay may kanya kanyang kalahok para sa paligsahan ng malikhaing pagbasa, sanaysay, sayawan at sa pagluluto (Adobong Pinoy). Kung nagtataka kayo kung bakit adobo ang kailangan lutuin ito ay sa kadahilanang ang ipinagdiriwang natin sa buwan na ito ay ang Araw ng Wika kaya Pinoy na Pinoy ang pagkain.




Sa ayaw at sa gusto nyo kasali ako sa paligsahan ng pagluluto. Unang beses namin sasali sa competition na sa ibang lugar gaganapin at hindi namin kilala ang mga kalahok kaya abot ang kaba namin at todo ang praktis. Sa totoo lang mula nung magkaroon ng elimination nung Monday ( August 23, 2010) hanggang nung gabi bago ang paligsahan nagpapraktis kami kaya sawa na kami sa adobo. Namayat na nga ako e, promise!






Hindi pa man nagsisimula ang competition madami na nagtetext na mga klasmeyt namin at iba pang HM students kung ano balita maging ang prof. namin nagtatanong. Todo suporta silang lahat kahit hindi namin sila kasama.





Bandang ala una ng hapon nagsimula na ang kompetisyon. Sa una nagiging tarantado ( tawag sa taong natataranta) kami dahil sa kaba pero nung medyo tumagal na para na lang kami nasa sarili naming kitchen at panatag na. Todo suporta din ang chef namin kaya naman ganado kami sa pagluluto na may ngiti pa sa labi, 30 mins. bago matapos ang ibinigay na oras ay natapos na kami. Masaya kami dahil sa nagawa namin ito ng maayos. At nung magsimula nang tikman ng mga judges ang adobo ng lahat kinabahan ulit ako.


Bago ko sabihin ang resulta, ipakita ko muna yung picture ng pinanalo namin nung elimination.




At para naman po sa picture na ginawa namin kahapon...



At ang resulta ng kompetisyon....



Ako yung may hawak ng french fries at hamburger. Hindi pa kami nag lulunch kaya sobra gutom ko nun, wa poise na sa pagkain pero sulit lahat ng paghihirap namin. Unang beses pala na sumali ng branch namin sa kompetisyon sa pagluluto at isang malaking kagalakan na nanalo kami. Bukod dun nanalo din ang branch namin sa malikhaing pagbasa at sa sayaw kaya umuwi kaming lahat na may ngiti sa labi.
Para sa lahat ng sumuporta sa akin kahit hindi nyo pa naman talaga ako nakikita Maraming Maraming Salamat! Hindi namin magagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong ng bawat isa, turo ng mga prof. namin, suporta ng mga nagmamahal sa amin at sa inspirasyon namin at syempre kay God na binigyan kami ng pagkakataon sa bagay na ito. ^_^
Basta ang paalala sa bawat tagumpay na nakakamit " Huwag sana lumaki ang ulo"
Dahil tapos na ang midterm exam at competition magpapahinga muna si Dark at babawi sa pagkain dahil sumobra naman pagka sexy.lol








14 nag effort bumasa:

Arvin U. de la Peña said...

congrats sa inyo..

roanne said...

conrats :) paborito ko yan... namis ko tuloy adobo :(

Rah said...

we are proud of you. at dahil jan, patikim naman niyan! :)

Renz said...

YEHEY!
astig ka dark :)) pwede ka na magtayo ng karinderya :)) ADOBO NI LOLO, GAWA NG APO :))

darklady said...

@ Arvin

Maraming thank you!


@ Roanne

Maraming thank you din. Pag uwi mo una mo kaagad ipaluto adobo. ^_^


@ Rah

Maraming thank you din. hahaha kung pwede lang ba e tingnan mo na lang pic. isipin mo natikman mo na.


@ Renz

May dahilan kung bakit yan name ng adobo namin pero hindi yun dahil sa lolo namin.hehehe. sikretong malupit ang dahilan. ^_^ Anyway maraming thanks din.

goyo said...

Wow congrats po. Naks pwede ka ng mag-asawa nyan.. Magaling ka pa lang magluto e. :P

kayedee said...

xge ikaw na ang magaling magluto mare! ikaw na! ahahaha!

kongratz!

glentot said...

Bakit ka pa bumili ng fries at burger hindi mo na lang kinain ang luto nyo hehehe ang konti naman ng adobo ganun ba dapat para manalo ahihihi

darklady said...

@ goyo

salamat! hindi kaya magsawa mapapangasawa ko nyan sa adobo?lol


@ mareng kayedee

salamat mare! hehehe kaw naman, di naman ako ganon kagaling. ^_^


@ glentot

ay naku glentot sobrang sawa na ako sa adobo. sabi ko nga pwedeng isang taon na ako hindi muna kumain nun.hehe. isang linggo kasi kami nagluto nun.

Talagang konti lang pagseserve sa plate for presentation lang naman e. ^_^

Jag said...

Waaaaaaawww! Ang galeeeeng! Pakain ka naman ng adobo jan hehehe...

Traveliztera said...

awww wow congrats! sarap siguro niyan! gusto ko matikman :( ang cute nung word verification sa baba: dishin ... tamang-tama sa entry mo haha

ahmer said...

congrats.

pero bitin ako pag ganun ka konti ang serving ng adobo. haha

Miss Innocent said...

ayos yung adobo ah! :)

anyway patulong naman.. gumawa kase ako ng guest post. ayoko mapahiya kelngan ko ng tulong na maraming magcomment hihi

salmat

http://jumblemash.blogspot.com/2010/09/i-have-guest-long-distance-love-affair.html

VICTOR said...

Adobo! My favorite!