Saturday, July 17, 2010

Don't Judge the Book by its Cover




Pasong paso na yung kasabihang " Dont judge the book by its cover" diba? Pero kahit paso na yan hindi ko pa rin lulubayang sabihin yan ng paulit ulit dahil super totoo yan. Kung iisipin mong mabuti ang kahulugan nyan mapapa oo ka na lang.




Hindi ako namimili ng makakasama o makakasalamuhang tao. Ke gwapo o hindi, ke maganda o panget ayos lang sakin.



Sa 19 years kong paglagi dito sa planetang earth hindi lahat ng kaibigan ko, kakilala ko ay magaganda at gwapo.



May klasmeyt ako nung highschool na hindi talaga gwapo, kung titingnan mo sya wala lang. Pero one time nakasama namin sya sa paggawa ng project at ang masasabi ko ang bait nya at gentleman pa. Hindi nya hinayaan na maglakad sa dilim kaming mga babae hinatid pa nila kami sa sakayan.



May naging klasmeyt din ako sa college na wala sa itsura ang gagawa ng matino yung tipong pag nakita mo sasabihin mo pang "gago yan" pero ako ang magpapatunay na gago man yan sa itsura, hindi ka naman nyan gagaguhin sa tunay na buhay. Sya yung naging ka close ko noon at pag wala talaga ako kahit pampa xerox para sa pag aaralan namin sya nagpapahiram sa akin.



Madami pa ako kilala na masasabing hindi titilian ng mga lalake at babae. Pero kapag nakasama mo sila safe ka naman.



Sa pagpili ng kaibigan hindi mo dapat tingnan ang panlabas na anyo kundi yung kung paano sila makisama at kung paano ka irespeto bilang tao. Hindi mo rin dapat i judge ang isang tao na ang nakikita mo lang ay ang kanilang mukha. Dahil kung hindi man sila biniyayaan ng magandang mukha hindi na nila kasalanan yun. Hindi sila ang gumawa ng ganon para sa sarili nila.At lahat ng mukhang nakikita mo sa kapaligiran ay may dahilan kung bakit nagkaganon kaya "Dont judge the book by its cover" ^_^



Hanggang dito lang po muna. Hay sa wakas nakapag update din ako. Nilangaw na tong blog ko ah.hehehe. Salamat po sa mga patuloy na dumadalaw dito,busy lang talaga si Dark. Hanggang sa muli!! ^_^

21 nag effort bumasa:

petitay said...

wah hehe.. tama yan sis.. im the proof. lol. im not that pretty in fact i have dis-ability in speech kahit ganto ako di ko alam bakit gusto nila ako kasama. hahaha... maybe asa loob ng heart ko y dey still mingle with me. :) sorry mejo nagbuhat ng bangko . hehehe

imriz said...

a, korek ka jan, madami puro panlabas na anyo lang kyang ilabas:)

goyo said...

ako naman gwapo na mabait pa.haha.kanya kanyang buhat ng bangko na to! Hehe.
Tama ka dark, wala talaga sa itsura yan.pero magkaganun pa man, mahirap talaga alisin sa mga tao ang ganung mentalidad. Kaya mas ok talaga na wag na lang magjudge hanggat di nakakasama ang isang tao. Para walang nasasaktan..Ü

victor said...

Pwede rin namang "Don't judge the cover by the book." Ano daw. LOL.

Renz said...

Pwede din namang "Don't Judge the book, COVER it" :)) haha pero BASE ako sa post na ito. Wag maging judgemental. Paano kung sayo napunta yung ganoong sitwasyon? ,masakit kaya pagtawanan diba? Isumpa pa kaya at lait laitin

DRAKE said...

Oo nga tulad ko maraming nagsasabi na mukha daw akong GAGO, pero di naman talaga (minsan lang), hindi ako GAGO, GWAPO ako!hahahha! Lakas ng loob

Ingat

Arvin U. de la Peña said...

tama ka..

kayedee said...

ahaha. ntawa aq ky goyo.. ahah.. aktwali minsan nga mas nkakainlab p ung hnd xdo kagwapuhan pero mabait or my talent kesa sa gawapo lng ang meron ahahahha..

mare. sori hnd mw mdalas dumaan d2 kc nman ano akla ko lge ka wala. ahahah. haismhu!

darklady said...

@ Petitay

hehehe ok lang yan,kung ganyan naman talaga ang totoo diba? walang masama na sabihin ang totoo. at isang inspirasyon pa yun para sa iba na kahit may mali satin pwede pa rin tayo mahalin ng mga taong nakapalibot sa atin.^_^



@ imriz

korak!!! ^_^



@ goyo

sige na nga gwapo ka na at mabait basta ako din maganda at mabait.hahahaha. ^_^

tama ka wag na lang sila mag judge, mag i-cool na lang sila o kaya v fresh.hehehe (corny me)

darklady said...

@ victor

ano nga ba yun??? hehehe napaisip din ako ah..


@ renz

cover it? hehe kaw ah..
nga pala hindi ka base renz, may nauna na sayo. pero ok lang yun yung pang lima daw na bumabati matalino.hehehe..salamat sa laging pagdalaw. ^_^


@ kuya drake

nakibuhat ka rin ng bangko dito?hehehehe. o sige na nga gwapo na kayo hindi ako kokontra! hehehe


ingat din.

darklady said...

@ arvin


tama din u ^_^



@ mareng kayedee

ay naku oo tama ka ganyan din ako.hehe

ay ganon ba? busy lang talaga pero minsan naman mag uupdate din ako, nilalangaw na kasi.dalaw dalaw ka lang. ^_^ hamishu too mare!!

glentot said...

Alam mo totoo yan lahat nga ng friends ko eh kasuklam suklam ang mga mukha ako lang ang hot.

kikilabotz said...

nagtataka ako bkit hnd lumabas tong post mo sa updates ko. huhuhuh.. hmm

ganun nmn talga eh. pero buti na lng ako hnd ako bumabase sa itsura ng mga tao. sa ugali ako. hehe

Jag said...

Tama ka jan sa mga sinabi mo...BONUS na lang siguro pag gwapo na mabait pa like me LOL...

word verification: Howeeche- parang ayaw maniwala sa sinabi ko haha...

KESO said...

tama! tama! tama!

wala akong masabi kundi tama! hehe.

masyadong mababaw kung sa panlabas lang na kaanyuan binabase ang pakikipagkaibigan. ;)

darklady said...

@ Glentot

hahaha. susugurin ka na ng mga kaibigan mo nyan.hehehe


@ kikilabotz

ay ganon? hmmm..bakit nga kaya? di kaya may galit sakin blog mo?hehe


@ jag

minsan tama ang word verification.hihihi.. *peace* ^_^


@ keso

tama!! tama! tama din! hehehe

tim said...

naku sa akin mu lang yan makikita, gwapo na mabait pa.. hehehehehehe.. joke...


cute naman ako ah... di nga, mas maganda kung maganda ang nasa loob, at pwede rin yung sa labas na din.. kasi ngayon ang ganda ang gumagawa ng pera, ayon nga yan kay pokwang at ai ai.. alam mo naman sila.. hehehe

devil_under_light said...

XD very true.

Benh said...

Judge lang ng judge... pasaway mga tao.. joke.. haha!

Bluedemonx080 said...

siyempre ++ points may hitsura, importante pa rin na maganda ang ugali, masarap kasama at may sense kausap.
kong blog mo nilalangaw, ano pa yung sakin? ahahaha.. sa isang blog kasi ako palaging nakatambay.

darklady said...

@ tim


oo nga, dami nagagawa ang pera. pero sabi mo nga mabait at gwapo ka naman kaya di mo na need ng pera.hehehehe.. salamat sa pagdalaw.


@ devil

yeah! ^_^ salamat sa pagdalaw



@ benh


may katotohanan din sinabi mo pasaway mga tao.hehehe


@ bluedemonx080

ay ganon? minsan dadalaw ako dyan. salamat sa pagbisita.