Saturday, May 8, 2010

My sister My friend My mom

Sa simula ng pag aaral ko ikaw ang nagtyagang magturo sa akin hanggang gabi kahit na hindi ko matatasan ang "potato at tomato" sa halip na bigkasin ko ito ng "poteyto at tomeyto pinapantig ko ito ng "po-ta-to at to-ma-to". Salamat kasi ngayon alam ko na kung paano ito basahin.

Salamat sa matyagang pagbabantay sa akin at pag suporta sa mga sinasalihan kong sayawan sa eskwelahan. Salamat din sa pagbili mo ng manikang gustong gusto ko at sa tamagochi na araw araw ko iniiyak sayo noon. Salamat dahil naniniwala ka sa kakayahan na meron ako.At kahit na may pagkakataong binabawalan mo ako sa pag alis/paglalakwatsa hindi mo naman ako binawalan kung paano tumayo sa sariling paa. Nung time na nagkaroon ako ng trabaho hinayaan mo akong humawak at mag manage ng sarili kong sweldo at dahil dun natutunan ko kung paano i budget ng tama ang pera. Salamat dahil naging mahigpit ka noon na mag boyfriend ako, ngayon naiintindihan ko na kung bakit. Salamat dahil kahit hindi natatawa mga kapatid ko sa joke ko at kapag sinabi kong nag jojoke ako tumatawa ka. Salamat sa pag utang mo sa 5-6 para lang may maibayad ako sa tuition ko.

At patawad naman sa lahat ng bagay na nagawa ko. Nung panahong magulo ang pamilya natin at naghiwalay kayo ni daddy sobrang sama ng loob ko sayo dahil hindi mo sya mapatawad kahit humihingi sya ng sorry. Naisipan ko pa ngang maglayas noon kaso hindi rin natuloy dahil naisip ko na baka mahirapan ka na hanapin ako.Patawad din sa katigasan ng ulo ko.At sa pagsama ko sayo sa pag grogrocery kahit ayaw mo ako isama dahil nadadagdagan yung pinamimili mo.



Hindi tayo isang mayaman na pamilya pero pinagyaman mo ang pamilyang ito sa pagmamahal, kinaya mong harapin ang problema. Naging matatag ka hindi mo pinakita sa amin na mahina ka. Nagpapasalamat ako kay God dahil sayo nya ako binigay. Dahil sayo nagkaroon din ako ng mga mapagmahal na kapatid. At alam kong sila man nagpapasalamat dahil kung hindi dahil sayo hindi nila matatamo ang natamo nila ngayon.


Ikaw ang lakas namin para maging matagumpay. Ikaw ang pangarap namin kaya nagsisikap kaming magkakapatid. Gusto namin na maibigay ang mga pangangailangan mo.


Ikaw ang natatanging Ina para sa amin. Ikaw na nagsasabing ako ang pinaka maganda sa aming magkakapatid kahit kontrang kontra sila.







Ma, Happy Mother's Day!!!
I Love You always... ^_^

12 nag effort bumasa:

kikilabotz said...

happy mothers day sa mom mo. pati n rin sayo in advance

DRAKE said...

Happy mothers day sa iyong napakabait na nanay!

Bait na anak ka naman pala eh!

ingat

dhianz said...

hangswit naman nang message mo para sa mom moh ms. DL... ahwanted to make an entry for mah mom too pero nde gano kinakaya nang powers ko na magblog d2 sa fone koh... pagbasa ko nga nung komentz mo sa entry koh eh dumaan akoh agad ditoh at bago akoh tamarin den... haha... kaya naman happy mothers day sa mom moh... salamat sa pagbati... sabihin ko sa nanay ko na binati mo syah... haha... salamat... ingatz lagi... babawi na lang ako nang bongga sa pagblog next time nd sana by dat time active pa ren kayo... kung nde eh ako na lang mag-isa ang mag-active activan... ingatz nd Godbless!

kayedee said...

happy mothers day sa mommy mo mare!! Laht talaga ng Ina ay dakila...mahal ko clang lahat :) hamishu!

Rah said...

:'( naiyak ako dito. Happy moms day po :D

darklady said...

@ Kikilabotz

Maraming salamat, sobrang advance yung pagbati mo sa akin ah.hehehe.After pa ng ilang taon yun.pero salamat na din.


@ Kuya Drake

Minsan lang ako mabait, pero ganon talaga anak may nagagawa din kasalanan. Maraming salamat nga pala kuya DrAke.


@ Dhianz

Maraming salamat. sakit nyan sa kamay noh? maliit ang keypad saka hindi kasing bilis like pag pc gamit.Sobrang tagal ka ba mawawala?hehehe. Balik agad ah..^_^

darklady said...

@ Mareng Kayedee

Maraming salamat.Tama ka hindi biro ang ginawa nilang pag aaruga sa atin kaya saludo rin ako sa mga mommy.^_^


@ Rah

Hindi ko nga yan matapos tapos kanina kasi nauuna pa yung luha ko.hehehe. At maraming salamat din.

roanne said...

happy mom's day to our dakilang ina :)

saul krisna said...

belated happy mothers day sis... swerte mo kasi may mommy ka... hehehe pwede bang mag pa ampon?

choknat said...

belated happy mother's day sayo. :))))))

Arvin U. de la Peña said...

belated happy mothers day..

KESO said...

belated happy mother's day sa nanay mo. :)


dancer ka pala ayieeeee.