Saturday, June 12, 2010

Daddy 1 and Daddy 2


Mula sa pagiging isang sanggol heto na ako isa nang dalaga! Sa 19 years na paglagi ko dito sa planetang earth dalawang ama ang naging super hero sa akin.
Si Daddy 1
  • Nagturo sa akin kung paano mag drawing ( nagsimula ako sa pagdrawing ng bahay kubo na may malawak na taniman)
  • Tagapagtanggol ko kapag pinapalo ako ni mommy.
  • Tagapag alaga sa akin kapag may sakit ako at wala si mommy para bantayan ako.
  • Bumibili sa akin ng isang buong egg pie kapag sumusweldo sya sa pagiging isang construction worker nya.
  • Tagapag hatid sa akin sa eskwelahan gamit ang kanyang bike noong mag grade 2 na ako.
  • Sumbungan ko kapag hindi ako nanalo bilang muse.
  • Humahalili kay mommy para umakyat sa stage, umatend ng P.T.A meeting.

Mga pangyayaring akala ko wala ng katapusan, sa kanya hindi ko naranasan mapalo. Lahat ng gusto ko binibigay nya kaya hindi naging madali para sa akin noong maghiwalay sila ni mommy. Madaming nabago sa pag sasamahan namin. Ang isang daddy na sumbungan ko ng lahat ngayon hindi na, napipi na ako. Isang tanong isang sagot na lang kung mag usap kami. Pakiramdam ko malayong malayo na kami. Sobrang layo. Gayunpaman nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil naging isang mabuting ama sya. Alam ko kahit magkalayo kami kapag nangailangan kami ng tulong hindi sya magdadalawang isip na tumulong.

Si Daddy 2

  • Sya ang nagsilbing pangalawa kong ama.
  • Hindi nya kami tinuring na iba.
  • Pinag aral nya kaming magkakapatid.
  • Pag kailangan namin ng tulong handa syang gawin ang lahat.
  • Sa kanya ko lang nakita kung gaano kasaya si mommy.

Hindi kami close na tulad ng daddy ko noon pero kahit ganoon sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng bagay na tinulong nya sa amin. Isang amang nagmahal kahit sa hindi nya tunay na mga anak.

Para sa dalawang lalake na nagsilbing ama para sa amin ng mga kapatid ko. Isang taos pusong pasasalamat. Siguro may mga bagay na hindi nyo perpektong nagawa gayunpaman naging isa kayong perpektong ama sa ibang paraan. Balang araw masusuklian din namin ang mga bagay na ginawa nyo sa amin.

Happy Father's Day sa lahat ng Ama

3 nag effort bumasa:

leng said...

wew.. happy fathers day sa yong dalawang daddy... hindi man naipagpatuloy ang nasimulan niyo ni daddy 1, may ibang paraan pa para gawin ang mga bagay na sana naranasan mo na.. malay mo.. sa pagdating ni labidabz... nyahaha.. (ano raw??)hehe..

Rah said...

my heart breaks pag nababasa ko ang word na "hiwalayan"

Happy fathers day! :D

darklady said...

@ Leng

hehehe ganon? ^_^ salamat


@ rah

salamat din, naka move on na ako dun. ^_^