Tuesday, March 2, 2010

Napapansin nyo ba?



Nakasakay na ba kayo sa jeep?

Natural oo diba. Ano napapansin nyo kapag nasa jeep kayo?
Bukod sa paninigarilyo ng mga kalalakihan habang umaandar ang jeep dahilan upang mahilamos lahat ng usok sa katabi at mabawasan ang kanilang buhay ano pa napapansin nyo?


Kanina ginabi ako ng uwi dahil nagkaroon kami ng meeting para sa darating na concert party ng school. At dahil gabi na kinailangan kong sa nakapilang jeep na lang sumakay. Kapag maaga ako nauuwi sa dumadaang jeep ako sumasakay para maka 123 este para maluwag ang magiging pwesto ko. Ayoko sa nakapila kasi sobrang siksik ginagawa.


Napapansin ko sa kanila na sobra nila pinagkakasya sa siyaman na tao ang bawat hilera ng upuan. Minsan pa nga sampuan. Napapakunot noo ako kapag ganon ang ginagawa nila naiisip ko na hindi naman parepareho sukat ng mga tao. Paano kung saktong puro matataba ang nasa kabilang hilera e di lugi sila? kasi kailangan siyaman. Kailangan mapagkasya nila ang ganong bilang. Oo may mga ganong jeepney driver pinipilit yung bilang na gusto nila. Pero hindi ko nilalahat yun nga lang marami talaga yung ganoon ang ugali. Nakakairita diba? Kulang na lang sa baba ka na paupuin.


Hindi naman masama na magpuno ng sakay kasi trabaho yan diba. Kaya lang sana maisip din nila yung kaginhawahan ng bawat pasahero.


At kanina isa sa napansin ko at nakairita sa akin nung sumakay na ako sa jeep pauwi e yung lalake na nakabukaka sa jeep. Hay naku ang laki! ang laki ng pagkakabukaka parang ayaw nya magpaupo. Feeling nya hari sya na naka prente ng upo hindi man lang umayos.

Inis na inis ako sa ganon. Ano ba ang dahilan at ganon kayong mga lalake? Alam kong mainit sa jeep pero sana man lang konting tikom noh. Lalo na kung wala na mauupuan takaw space din yung pagbukaka nyo e.

Yung nakababatang kapatid ko nga kapag nakita kong sobra bukaka sa jeep sinasabihan ko talaga na itikom. Nakakaawa kasi yung mga taong kakapiranggot na lang ang upuan samantalang yung mga nakabukaka ay prenteng prente.


Matuto tayong makaramdam kapag tayo'y sasakay sa isang pampublikong sasakyan, sapagkat lahat naman tayo'y nagbabayad ( ewan ko lang sa inyo) upang makasakay/ makaupo ng maayos at makarating ng komportable sa pupuntahan.

11 nag effort bumasa:

kikilabotz said...

haha. normal lang sa mga lalaki ang nakabukaka kasi bka may maipit. hahaha. ako din minsan bumubuka bukaka ng napakalawak kapag maluwag ang jeep. hehe. pero pag wala nmn laman eh ok lng.

ahaha. hnd k nmn galit nyan?

choknat said...

nakakainis nga ung ganyan, minsan aabutin pa ng ilang minuto eh isang pasahero na lang iniintay.
tapos di lang ung mga lalaki na kung makabukaka ang nakakainis, pati ung kung umupo gustong tumagilid. waaahh! hehe. humiga na lang kaya, sa sahig. haha

darklady said...

@ kikilabotz

hindi ako galit nagpapaliwanag lang.hahahaha
pero kapag nakakita na ako na ganyan ang katabi ko nakukunot na noo ko. Ibig kong sabihin na baka lumipad yan, tikom mo ng konti..


@choknat

oo nga, sobra sila kung makapag relax noh? feeling nila nasa bahay nila sila.hehehe

Rah said...

bakit kasi ayaw ng mga babae bumukaka? Napapansin ko lang, bat ang mga babae, laging magkakadikit palagi.

darklady said...

hindi naman maganda sa babae ang nakabukaka lalo pa't naka palda. diba nga kilala ang mga babae bilang isang mahinhin na dalaga.^_^

DRAKE said...

hehhe, kailangan makabukaka, kasi di makahinga si da-junior,! aba masakit kung iipitin yun!hahaha

Ingat

KESO said...

galit ka te? hehehehe. hayy nku pg maay gnyan,bumukaka k din. tpos sbhin mo 'ano ha, kala mo kw lang' hehehe. mnsn tlga nkakairita yung mga gnyan.

darklady said...

@ Drake

Hahaha ganon? Pero ok na naman siguro yung konting buka diba? ung iba kasi sobra pagkakabuka..

Ingat din


@ Keso

Hindi naman ako masyadong galit.irita lang.hahaha. natawa naman ako sa sinabi mo,baka pag sinabi ko yun matakot sakin at bigla itikom.whahahaha

www.sipedronasa.blogspot.com said...

hello you got a very nice blog...
I'm jealose... I would like to invite you to visit mine too,
I only invited few and selected people to visit and your one of them.
It's www.sipedronasa.blogspot.com...you can check also some of it's pages
(science and health, boxing, rocking pinoy, stop pinoy crab mentality
-this is useful if your planning to go in UK...enjoy reading

ps. you can visit me in FACEBOOK..pedro komentaryo..
and be a family of sharing.

missbroken said...

hi.. nadaan lang poh.. ai hindi pala.. malikot lang po kamay ko kaya nakarating ako sa blog mo..

Oo nga naman... nakakainis ang mga ganung pangyayari... lage kasi akung sumasakay nag jeep.. alam mo na alang pera, kaya, di kaya ang Taxi.. well balik sa topic... naiinis lang kasi ako na makita yung ibang pasahero na di masyadong makaupo.. tapos sabi pa ng driver, kaya pa daw.. kawawa naman sila.. nagbabayad namanng tama.. hmmf..

darklady said...

@ Pedro

Salamat sa pagpunta sa blog ko at na tats ako sa puri mo.Nag bblush tuloy ako.hiya ako!! ^_^


@ Missbroken

Salamat sa pagdating sa blog ko.^_^
Oo nga naman masyado yung ibang driver,tawag dun "sugapa". hehehe

salamat ulit!..