Wednesday, March 10, 2010

Pagmamalaki

Hello mga ka blog! medyo naaga bakasyon ko sa blog ko ah,tagal ko din hindi nakapag post,lam nyo na medyo bisibisihan kasi mag ffinals na.hehehe. Pero now nandito na me, nasan na kayu? ^_^


Usapang pagmamalaki muna tayo...

Ano ba kahulugan ng "pagmamalaki" para sayo?

Pagmamalaki o ang pagiging proud pwedeng sa sarili o kaya naman ay sa kapwa.


Minsan ang ugaling pagmamalaki ay nagiging pagmamayabang para sa iba. May masabi ka lang na wala sa kanila sasabihin nagmamayabang ka na.

Ang pagmamalaki ay isang bagay na pagsasabi sa ibang tao kung ano ang meron ka o kung ano ang iyong natamo. Hindi masama na magmalaki ka ( maging proud) lalo na kung may katotohanan naman.


Ang sarap sa pakiramdam kapag ipinagmamalaki ka lalo na kung yung taong nagmamalaki sayo ay yung taong mahalaga sa buhay mo.

Naaalala ko pa, noon tuwing makakakuha ako ng matataas na grado sa eskwelahan pinagmamalaki ako ng aking ama. Tuwang tuwa naman ako kasi naiisip ko na may halaga din pala yung ginagawa ko. Sa madaling salita na iinspire tayo kapag ipinagmamalaki nila tayo.


Ipinagmamalaki nila tayo kapag may nagawa tayong maganda, yun tipong kakaiba o bibihira lang na magawa ng isang tao yung nagawa mo.


Naisip ko, minsan ang hirap kapag sobrang proud sayo ang ibang tao. Kasi bawat galaw mo aasahan nila na maganda ang magiging resulta. Lagi nila hinihintay na makagawa ka ulit ng mga bagay na ipagmamalaki nila. Oo nga at ang sarap sa pakiramdam na tiwala sila sayo, sa kakayahan mo.Pero tao lang din tayo paano kung bigla nagkamali ka? Maipagmalaki ka pa din ba nila?


Para sa akin wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam kung ipagmamalaki ka nila kahit maliit na bagay lang yung nagawa mo. Sa mas maikling pagpapaliwanag " Na aapreciate nila kung ano man yung nagagawa mo".Maliit man o malaki. Na kahit sa sarili lang nila ipinagmamalaki nila na nakilala nila ang tulad mo. Na tanggap nila kung ano yung meron lang sayo.

10 nag effort bumasa:

choknat said...

ang ganyan din tatay ko nun, pinagmamalaki honor ko. kaya lang bumait ako eh, nawala honor. haha!

kung satin walang magmalaki kahit sa maliit na bagay lang, tayo na lang gumawa sa iba. pareho na rin un na maganda sa pakiramdam. :)

kikilabotz said...

ako ipinagmamalaki kita. naks, galing galing mo kaya gumawa ng blog.ahehe

darklady said...

@ Choknat

Hehehe ganon ba,pag ba bumabait nawawala honor?hehehe..

Salamat sa pagpunta muli sa blog ko. ^_^


@ Kikilabotz

^_^ Sobrang smile naman ako dun. Hindi ba yun joke? Wala ako panlibre sayo, kaya walang bawian ng sinabi.hahahaha

Salamat..

kayedee said...

Mare ang tgl u mga nwla! Hamishu!
Uu nmn sarap s filing ung pagmmlaki k ng mga taong mhl mo!

Gudluck s exam. Try LNG uli Kung mkkalusot tong comment q hehe

DRAKE said...

Yup pressure naman ang tawag dyan! Tuloy parang bawal kang magkamali.

Pero ang totoo tayo rin naman ang may kasalanan, kasi pilipilit natin mabuhay sa expectation ng iba.

Anyways, mabigo ka man o magtagumpay nandyan pa rin naman ang pamilya mo!Kaya wag kang gaanong matakot magkamali!

Ingat

darklady said...

@ Kayedee

Magpapa party ako!! Dahil nakapag comment ka din sa wakas! hehehe

Salamat, dami pa nga dapat tapusin sa school. Pero ayos lang lapit na din bakasyon.yahoo!!


@ Drake

Tama, ang hirap nung masyado expectation nila sayo.
Sa totoo lang minsan nararamdaman ko yung sobrang expectation ng iba sa akin kaya tuloy parang kinakaya ko kahit hindi ko kaya. mayabang ang dating diba? pero minsan naisip ko din kung hanggang saan ko lang kaya yun na lang abutin ko. Mahalin nila kung ano man yung mga bagay na nakaya ko lang gawin.

Salamat sa pagdalaw.
Ingat din.^_^

KESO said...

natuwa nman ako sa post mo na to, best post mo to para saken.


may naalala kase ako, haha. mdalas din ako ipgmalaki ng parents ko kase matalinaw na bata ako nung hs at nng elementary hehehe tpos ngayong college di ko lam kng anong ngyyri saken pero khit hndi na ko ganon kagaling tulad nng hs ako, npkasupportive p din ng parents ko, laging snsbi may nxt time pa naman e, bawi nlng. hahahaha npkwento ako. share lng kase thankful tlga ako.hehe

Rah said...

tama, pag may ipagmamaLAKi ka, masarap ang pakiramdam. Ok na ok kung may ipagmamalaki. Pero minsan may mga tao na wala naman ipagmamalaki, nagmamalaki parin, kayabangan na tawag don. Ok lang kung konti lang, pero pag sobrang kayabangan na, nakakairita lang.

darklady said...

@ Keso

Salamat! salamat! ^_^
Yun ang pinaka masarap, kahit hindi mo nakaya yung inaasahann nila naka suporta pa rin sila sayo.^_^


@ Rah

oO nga nakaka irita ang sobra kung magmalaki. Super mega duper pagmamayabang na sila.

Dhianz said...

yeah it's a great feeling na proud silah sayoh... pero i guess yeah sometimes nakakasakal... or minsan naman it makes you feel bad kc they're expecting somethin' from u tapos nde moh naman nagagawa... basta ganonz.. somethin' like dat.. haha.. sensya nemen.. nde na gumagana yutakz koh kc anong oras na bah? past 2 a.m. nd yeah btw first time koh sa blog moh... nakarating ditoh galing kay kuya drake... nabanggit ka na ren minsan ni kuya drake... so yeah... itz nice po na makarating ditoh... take care and Godbless! -di