Monday, March 15, 2010

Maganda ka bang magsulat?


Sa card ng elementary may grade ang penmanship.

At sa college may grade din kapag nag ccheck ng notebook ang prof..
Oo meron din,kami meron e.

Bakit nga ba nilalagyan pa ng grade?

Sabi ng prof. namin sa English ang pagsusulat ay nilalagyan din ng puso. Kapag nagsusulat ka nag eefort ka lalo na kung maganda pa sulat mo. Kaya dapat lang na lagyan ng grade.

Pero paano kung talagang panget ka magsulat diba?

Pero kung sabagay napag aaralan naman na sumulat ng maganda. Kung nga mukha napapaganda sulat mo pa kaya. Pa retoke mo din kamay mo.

Sabi nila kapag maganda sulat, maganda rin ang nagsulat kaya nga ako pilit ko pinapaganda. Para kahit sa sulat man lang mapa wow sila! ^_^ kaso napapa "Boooohh!!" sila.

Pero nung elementary ako sabi sa akin ng klasmeyt ko maganda daw ako magsulat kahit mabilis. Palagay nyo totoo? Kasi nung sinabi nya sa akin yun nagpasulat sya sa akin ng lecture namin dahil mabagal sya kumopya kaya tuloy uwian na hindi pa sya tapos.

At ngayong college ako sabi rin sakin ng klasmeyt ko maganda ako magsulat. At nung sinabi nya sa akin yun nanghiram sya ng notes kasi absent sya.

Palagay nyo may katotohanan kaya mga sinabi nila o isa lang talaga akong dakilang uto uto?

Hayun ang sulat ko,yung nasa itaas at heto pa ang isa.



Tutal nakita nyo na ang pinaka maganda kong sulat. (Oo yan na pinaka maganda, naka ilang tapon na papel na ako para mapaganda pa pero yan na yun.) Gusto ko sanang mag request sa inyo. Na kung pwede magpadala naman kayo ng pic. ng inyong sulat. Nagmamakaawa ako na magbigay kayo ng love letter sa akin.Kasi lagi ako ang nagbibigay ng love letter pero ni isa wala ako matanggap.hahahaha..

Kahit yung name nyo lang basta makita ko lang sulat nyo.PLEASE namaN......
Padala nyo lang po sa aking e-mail
iamdarklady@yahoo.com
Salamat sa mga magpapadala at sa mga hindi SALAMAT NA DIN!!!!! hahaha galit?

Mag iwan lang ako ng konting paalala.
Eto ay ayon lang sa aking palagay

" Ang pinakamahalaga sa pagsusulat ay ang nilalaman ng iyong sinulat at kung paano mo ito nilagyan ng puso."

Lahat pinaghihirapan,lahat napag aaralan at lahat nilalagyan ng effort.


P.S:

Ako'y magbabakasyon muna muli sa aking blog. Isang araw lang ako mawawala.hehehe.Basta hanggang sa matapos ang aming exam. marami pa ang kailangan kong rebyuhin para sa aming final exam. Mag bibisibihan muna muli ako. Magpapa miss lang muna ako sa inyo. E mamimiss nyo naman ba ako?

Mang gugulat na lang ako sa inyo. Malay nyo bukas nandito na ako.hehehe
Basta yung sulat nyo ah. ^_^ Tsalamat
Ingat sa inyong lahat!

10 nag effort bumasa:

Renz said...

sige papadalhan kita ng sulat kamay ko :)

kikilabotz said...

o cge magpapadala ako sayo ng sulat. ahehe

KESO said...

hahaha o cge ate, mgppraktiz n ko ng pinakamagandang sulat ko.may prize b ang pnkmgnda?


tska db, may ibig sbhin din dw yung mga strokes sa pgsusulat,psychology na nman.hehe,

DRAKE said...

Done!! Ikaw pa lakas mo sa akin!

Ingat!

choknat said...

naalala ko tuloy ung tag tagan last year, kelangan magpost ka ng pic ng sulat kamay mo. hehe.

pag dina ko bc bchan magpapadala rin ako. maganda naman sulat mo eh.

kayedee said...

Waw ang neat ng sulat u mare hehe...
xge mare likey q yan!! w8 u lab letter q h hehe

gmit q LNG iPod ng bro q Kya nkpagcomment aq hehe

roanne said...

pwede pa ba humabol? :)

darklady said...

oo naman..pwedeng pwede..^_^

darklady said...

@ Choknat

hindi ko ma open yung pinadala mong picture.

@ Kayedee

wow thanks..na appreciate mo sulat ko.hahaha kaya bati tayo e..na receive ko na yung padala mo.salamat ah

@ roanne

oo naman pwedeng pwede ka pa humabol.^_^

eloiski said...

huwag kang mag-alala. sabi nila ang sulat mo'y kabaliktaran ng itsura mo. so kung pangit sulat mo, dont worry, alam mo na kung ano! hakhak!

napadaan at napacomment!

add kita sa blogroll ko, maaari ba?