Saturday, March 13, 2010

Miming na!!!




Sobrang init na ngayon noh? At kahit paminsan minsan ay umuulan hindi pa rin mawala yung init. Ang aga ng summer ngayon kaya ang sarap.......


Mag swimming!!!!


Excited ako tuwing magbabakasyon dahil oras na para sa outing. Palagi akong ganoon pero hindi naman kami nakakapag outing. Ilang beses na kami nagbalak na mag swimming pero hindi naman natutuloy. Hindi ako marunong lumangoy pero gustong gusto ko na mag swimming. Gusto ko lang makapasyal kahit naglalakad lang ako sa pool.hehehe


Yang picture na nakikita nyo nandyan ako. Kuha yan nung mag camping kami nung December last year sa Mt. Makiling at isa sa mga ginawa namin ay nag swimming tinuruan kami na lumangoy pero hindi talaga ako matuto. Lumulutang kaagad ako pag lumulubog ako sa tubig. hehehe. At nalulunod ko yung buddy ko, partner partner kasi kami dyan. Sya ang palaging nakakainom ng tubig kaya ang sabi ko sa kanya ayoko na mag swimming dahil baka mapatay ko sya. Naaawa na ako dahil namumula na ilong sa tubig na naiinom.


At promise ang lamig ng tubig dyan. Sobra!!! nagyeyelo! Nung pagbaba namin sa pool hinanap ko kaagad si jack! ( Ako si rose) ^_^


Kayo ba may naisip na kung saan pupunta this summer? Sama naman me oh!



Sa palagay nyo nasaan ako dyan?
Clue: Ako yung babae dyan.At nasa pool ako. ^_^

6 nag effort bumasa:

DRAKE said...

Ikaw ba yung nakapink na nakatayo sa pool?hehhee

OO nga masarap kaya dyan magswimming, malamig tapos tahimik at mapuno pa!

Sarap magswimming tuloy!engget ako!hehhe

Ingat!

darklady said...

Hehehehe secret! hahahaha
Yun yung nagtuturo sa amin.
Natatawa ako, lam ko na kung bakit yun yung naisipan mo na ako.^_^

Salamat nga pala sa pagdalaw mo dito at napag alaman ko na naikwento mo pala ako kay dhianz..salamat kuya! ^_^

Ingatz din.

choknat said...

nung mabasa ko title sa blogroll ko, naisip ko ung miming na eh pusa na. hehe. ahhh.. san ka jan sa picture, black hair mo jan?

outing ng mga bloggers! ahaha

darklady said...

HAhahahaha..yan kasi paigsi ng swimming dito.."miming"

tama! black hair ko dyan...
cge cge..outing!! hahahha.parang tayo lang nag aayaan..una sa EK, tapos napunta ng mall now naman outing.hahahaha.next ibang bansa?^_^

choknat said...

hongkong? bangkok? lol!

darklady said...

hahahaha..wow bakasyunista mga blogger.hahahaha.sosyal!