Sunday, March 28, 2010

Ang Kagandahan/ Kagwapuhan


Maganda/ Gwapo ka ba?

Ano pakiramdam kapag tinitingnan ka ng mga tao?







Minsan naisip ko ang sarap siguro maging isang maganda. Dahil madaan ka pa lang nakatingin na sayo mga tao,kinaiinggitan ka na. Tingin nila sayo isang artista at kulang na lang magpa autograph at magpa picture. Kapag maganda ka iba trato sayo, mas binibigyan ka ng halaga. Kumbaga hindi ka nila hahayaan na maupo sa lupa, hahanap sila ng upuan o sapin para lang maupuan mo.


Noong nagtatrabaho ako bilang promo girl may kasamahan kaming maganda talaga. Ang amo ng mukha nya,maputi at makinis. Bawat taong makakita sa kanya ang sasabihin " Wow ang ganda nya oh,tingnan nyo sya". Nakakaiinggit kasi napapansin sya. Nabibigyan sya ng espesyal na trato.


Pero nung minsang makakita ulit ako ng babaeng maganda. Maputi, makinis at ang ganda ng hair parang nagpa rebond. Pero nag rejoice lang sya! Napag isip ko mahirap din pala maging maganda.

Bakit?

Kasi habang tinitingnan ko sya para syang hindi mapakali sa sarili nya. Panay hawi ng buhok tapos kung maglakad parang bawal maging sakang o mapa pike. Para bang bawal magkamali kasi nakatingin lahat ng tao sayo. Para bang konting maling galaw mo lang aayawan ka na ng mga tao.

At kapag maganda ka palagi ka dapat naka ayos,hindi ka pwedeng makitang gusot ang buhok, makitang may muta/ kulangot o butas butas ang suot na damit. In short malaki ang expectation nila sa ayos mo, sa ganda mo.

Napagtanto ko na masaya na ako sa itsura ko dahil kapag tumitingin naman ako sa salamin maganda tingin ko sa sarili ko. Isa pa ang mahalaga ay kung paano ka tatanggapin at mamahalin ng mga tao kahit ano pa itsura mo.


Tulad nga ng sabi ng ilan...

" Ang kagandahan ay wala sa panlabas na anyo kundi ito ay nasa kalooban ng tao."

At dagdag paalala ko...

" Ang kagandahan ay nababase kung paano ka kumilos ng naayon sa sarili mo at hindi dahil sa kung ano ang gusto mong makita ng tao sayo."

In short magpakatotoo ka sister!!!

Maganda ka!!!! Oo maganda ka!!!

17 nag effort bumasa:

kikilabotz said...

ramdam ko rin yang problemang yan. wahahahahaha. joke lng.

yap sobrang agree ako s sinai mo na dapat mging komportable ka sa sarili mo kung ano ka o pano kang kumilos. huwag ka magalala kung ano sasabhin o expected ng iba sayo

darklady said...

Nararamdaman ba yan ng isang cute na katulad mo?!? nakanaks....hehehehe..^_^

roanne said...

beauty is skin deep... and looks can be deceiving. physical features are not permanent, look for someone na masarap kausap at ung makikinig, may sense at masarap tumawa... i assure you, kahit tumanda ka na... you won't feel that you're getting old. :)

makikita ang tunay na kagandahan sa sincerity ng mata & words uttered with wisdom at kahit na basura ang ipasuot mo, madadala niya ito because he/she is confident enough to face the world.

maganda ka darklady :)... nararamdaman ko...

darklady said...

Wow ang ganda naman ng sinabi mo. Yeah tama ka hindi mahalaga ang physical features kasi nawawala rin yun pagtanda.

Maganda ako? WOw! salamat naman! nag blush ako! hindi nga lang halata! hehehehe

kayedee said...

korek k jn mare! Kksad icpn pro gnun tlga s pinas! they're ol looking on d physcl appearnce! D more beauty u've got,d more respect u'll get.which is totally s*****! d2 kc hnd gnun e. en I blieve dat evry indvidual has a beauty of it's own!

gmit q LNG iPod ng bro mare kya nkkpagcomment aq :)

KESO said...

super korek to te. apir. ang pinakamasarap na pakiramdam pa din tlga ay mahalin at tanggapin ng mga taong nakapalibot sayo dahil sa pagiging totoo mo. :)

DRAKE said...

Mukhang may kahawig din akong post na katulad nito check mo ito hehehe:

http://utaknidrake.blogspot.com/2009/06/mayroong-mga-disadvantages-at.html

Renz said...

tama ka jan..mas maganda ng katamtaman lang, di kailangan maging perperkto sa paningin ng mga ibang tao

Dhianz said...

lab ur entry dark lady... napa smile akoh... nde dahil maganda kundi feeling maganda ren akoh... haha... pag nakikita ko sarili ko sarili ko sa salamin eh napapa-smile akoh... kc hangcute koh... yeah cute lang...kasunod na raw non panget.. haha... kc nemen nung nagsabog nang kagandahan eh nagkataon na i was taking a nap... haha...

anyhoo... hmmm... maraming maganda sa mundo koh na nde nag-aayos... sayang ang ganda... but sometimes kahit nde silah nag-aayos eh pretty pa ren... ung iba naman eh dehinz talagah maganda pero hanga ka kung mag-ayos sa sarili... cause they're takin care of themselves eh they look pretty as well na ren...

i guess para sakin ang true beauty eh nasa individual... how u see urself... sometimes kc yun ung nagrereflect sau sa outside.. if u fell pretty then they see u as pretty... if ur feeling low unconfindent nd ugly then thats how others will see yah as well..i guess ang confident moh eh nagpla-play den nang role how you look on d outside... nd para nobodys ugly... lahat crineate ni God na maganda... nd those people who make of others outside appearance eh silah ung may problem themselves... they probably see themselves as being not pretty too or something.. opinyon lang...

minsan kc like sa pinas... no offense or anything eh madalas superficial ang tao... they base on how they treat sometimes with how u lool like... hmm... bias siguro akoh for sure sa other place den siguro... eniweiz God created us all different... we are all unique... may dahilan why He created us d way we are...para saken simple lang... do things that u think will make u pretty...or make u feel pretty.. do it for urself nd not for others... teka sino ba kinakausap ko? haha... i guess im saying that in general...

dmeng sinabi noh... teka i think i read it on ur twitter eh u wanted to go disney? sang disney... akoh ren sa future awa ni God makapag-bakasyon eh gusto ko ren makarating sa baguio... so yeah daldal nang daliri koh... laterz... can i call yah DL? la lang... para cute... lolz.. ingatz... Godbless!

Rah said...

hahaha gusto ko tong post na to. marami akong comments pero irereserve ko muna.

darklady said...

@ Kayedee

Korak ka dyan mare!lahat tayo ay may kanya kanyang ganda. Minsan nakatago lang parang tulad ng akin, nakatago lang ganda ko pero hindi ko alam kung kelan lalabas.whahahahahaha..nagbuhat na naman ako ng sarili kong bangko! hehehehe

Kung ganon thanks sa bro mo dahil nakakapag comment ka na din sakin.^_^

@ Keso

Mas mapapatunayan mo ang pagmamahal sayo ng isang tao kung mamahalin ka nya kung ano yung itsura mo talaga. ^_^

darklady said...

@ Kuya Drake

Hahahaha..tawa ko ng tawa sa post mo. AStig ka talaga kuya!! Your the one!!! ^_^


@ Renz

Walang perpekto sa mundo at mahirap nga na mag feeling perfect ka dahil lahat ng tao nakatingin sayo at aabangan lahat ng galaw mo.

darklady said...

@ Dhianz

Tagal mo nawala ah, at talagang bumawi ka sa comment mo,hindi sya masyadong mahaba.hehehe

Anyway thank you ulit sa muling pagdalaw mo. Siguro magkasama tayo nung nagsabog ng kagandahan si GOD kasi paraeho tayo ng nakuha.hahhahaha.

Tama ka nasa atin din kung ano ang tingin ng tao sa atin. Kung feeling mo ugly ka yun din tingin sayo ng madlang pipol. Kaya dapat maging confident tayo sa sarili natin.

Sa hongkong sana,tapos na kasi exam namin ang sarap mag unwind kaso nga lang waley ako. Kahit nga pang mall wala.hahahaha.Kaya pangarap muna lang yun. Someday makakapunta din ako dun. Sige DL na lang tawag mo sa akin para maikli.hehehe. Salamat ulit!! Ingatz din...^_^


@ Rah

Salamat at nagandahan ka sa post ko. Secret ba muna yung mga sasabihin mo?hehehe

Dr. Gino C. Matibag said...

sa tingin ko, okay maging maganda o gwapo. pero mas okay na kahit hindi maganda ang itsura ng tao, ang kalooban niya at lalo na ang kalooban ng bulsa niya ay maganda rin. tignan na lang natin si pacman.

darklady said...

hahaha natawa ako dun sa pati kalooban ng bulsa dapat ay maganda rin.hehehe
thanks sa comment!! ^_^

ckaecis blog said...

tayo ba to darklady kala ko tayo to kaso ikaw yung babae e ako wala

arnz said...

jeeee... nadagdagan ang confidence ko sa post mong to...hehe... being urself is the most beautiful part everybody can squeeze from u..:)