Thursday, March 4, 2010

I Love Music



"Adik" masasabi kong ganyan ako sa musika. Sobrang love na love ko ang musika hindi ko lang alam kung love nya ako. Pero palagay ko hindi kasi wala akong talent sa pagkanta.



Ang oras ng aking pakikinig sa mga paborito kong kanta ay tuwing:

  • Nag rerebyu kapag may exam
  • Bago matulog sa gabi o tanghali. Hanggang sa makatulugan ko na ito.
  • Papunta ng school.
  • Nag iinternet
  • Nangangarap
  • Masaya at emo ako.


Love song ang madalas kong pakinggan. Masyado kasi akong ma drama, kaya nga sabi ni mareng kayedee puro emo yung kanta ko na ni rerequest. Nakikinig din naman ako ng masasayang kanta depende sa nararamdaman ko.Pero lahat ng pinapakinggan kong kanta ay may dahilan.


Tulad ngayon may dahilan din kung bakittungkol sa musika ang naisipan kong i post sa aking blog.


Ang musika hindi lang basta pumapasok at biglang lumalabas sa ating taenga. Ramdam ito ng ating puso kahit ito pa ay rock music.

Nakapagbibigay din ng kasiyahan ito sa ating puso at nakakatulong sa ating isipan.


Kung anong musika ang ating pinapakinggang sumasalamin ito sa ating pagkatao at sa ating nararamdaman. Nagkakaroon din ito ng epekto sa ating pamumuhay.


Bukod sa pagkain musika ang maituturing kong kaibigan sa pagkakataong ako'y masaya at malungkot. Kapag masaya ako mas lalo akong nagiging masaya. Kapag malungkot ako nararamdaman kong hindi ako nag iisa. Nailalabas ko ang nararamdaman kong hindi ko masabi at mailabas sa ibang tao. Katulad ng pag iyak habang nakikinig sa paborito kong musika. Mas nababawasan nito ang sakit na nararamdaman ko. Nagbibigay ito sa akin ng lakas ng loob at ito rin ay nagiging inspirasyon ko.




Kayo mahilig ba sa musika?
Ano ang trip nyong kanta?

10 nag effort bumasa:

choknat said...

dahil mahilig din ako sa music. apir tayo! hehe

Random Student said...

depende sa mood ko. kahapon alicia keys album sa ipod. may araw na instrumental lang.

darklady said...

@ Choknat

Oo nga e,tayo tayo nila jam at kikilabotz ang tambay sa blog ni kayedee.hehehe..Apir!! ^_^


@ Random student

Salamat ulit sa muling pagdalaw.Balik ka ulit! naks parang sa fast food lang.^_^

KESO said...

music lover din ako. hehe. mhilig din ako sa labsongs dahil emo emohan ako mdalas lalo nat sawi ako nitong mga nkaraang araw.

share ko lng to...

''music isn't just something that comforts or distracts us, it goes beyond that--it's an ideology. you can judge people by the kind of music they listen to..-- paulo coelho

darklady said...

hahaha pareho pala tayong may pagka emo.hahaha..

oo nga tama yung shinare mo na yun ah..^_^ sumasang ayon ako.

salamat sa pagdalaw..

mr.nightcrawler said...

ako mahilig din ako sa musika. nakaka-appreciate naman ako ng maraming genres ng music pero pinaka-gusto ko ang standards at blues. nice blog... magbabasa pa ako ha?

darklady said...

Maraming salamat sa pagpunta sa aking blog at pagabasa sa mga post ko. Welcome ka dito at sige lang magbasa ka lang. Salamat ulit ^_^

Rah said...

Gusto ko yung JOLOGS rap. Yung naririnig ko sa mga antipolo na jeep. puro rap na tagalog, malulutong magmura, mga tungkol sa kahirapan at kajologan. di ko nga alam saan makakabili ng cd non eh. promise gusto ko yon.

saul krisna said...

love songs ang love ko... hehehe

medyo sad sad lagi kasi ako eh...

bago lang ako dito... astiog naman ng blog mo...

darklady said...

@ Rah

Yung tipong maiingay pala like mo.

Salamat sa pagdalaw..^_^


@ Saul Krisna

salamat sa pagpunta sa blog ko.^_^
emo type ka din pala noh?hehe
dalaw ka ulit dito..