Sunday, February 28, 2010

Isang Patak!




"Pumatak ka na!!"

Hiling ko kahapon ng umaga habang ako ay nasa banyo.

Kahapon ay masaya ako sa inalmusal ko. Hindi kapanipaniwalang nagluto ang aking mader ng paboritong paborito kong SPAGHETTI!.

Akala ko nga'y nananaginip ako nung sinabi nya na may spaghetti sa baba. Umalis kasi sila at ako lang naiwan sa bahay kaya nagluto sya. Kaya nung ako'y bumaba una kong hinanap ang spaghetti. At nung makita ko ito totoo nga at hindi ako nananaginip. Madami ako nakain,talagang madami.

At nung oras na para ako'y maligo na dahil may pasok pa ako,pagpunta ko ng banyo... Wang tubig!!!! Hindi lang yun,saktong sumasakit pa tyan ko.

Talagang tag hirap na sa tubig ngayon! Kaya hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko sa natirang isang kobreng tubig sa banyo. maliligo o dudumi?

Pero dahil sinuswerte ako nung araw na yun gumana ang flush sa inidoro. At yun ang pinaligo ko! etchos!. Syempre yun ang pinang buhos ko sa dinumi ko. At yung natitirang isang kobre pinang hugas ko at pinang ligo. May natira pa! hahaha.( nagwisik lang ako)

E di solb ang problema! nakapaglabas na ako ng sama ng tyan nakapaligo pa ako.

At nung pag uwi ko,medyo pagabi na yun. Hala wala pa din tulo ng tubig ang gripo! Akala ko pa naman pagdating ko meron na ako at makakapag urong ng pinagkainan pero wala pa rin talaga. At dahil malapit na dumating ang mader ko,ang ginawa ko. Nag urong na ako gamit ang mineral water. Konti lang naman yung urungin kaya yun na ginamit ko.

Gusto ko na rin maligo ng mga sandaling yun dahil buong araw ako nakabilad sa araw, P.E kasi subject ko nung araw na yun at wala akong ginawa kundi parang tuod na nakatayo sa court ( volleyball nilalaro namin) pero hindi ako makatira kasi hindi ako sanay at kapag papunta na sa akin ang bola umiilag ako. ( touching ball ba? ) kaya hayun nagpaitim lang ako at walang naitulong sa grupo.


Pero dahil sa walang tubig naiisip ko na rin na gamitin ang natitira pang mineral water. Pero naisip ko marami rami magagamit ko at baka wala na kami inumin kaya naghintay muna ako na magkatubig. At hayun after so many years ( years talaga ah!) nagkatubig na rin. At nakapaligo na ako. Solb na ulit ang problema.


Pero may isa pa akong problema, sumasakit tyan ko. Sabi ng aking mader dahil daw sa init ng panahon. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa tyan ko.haays...


Ang masasabi ko lang talaga ngayon..
Sobrang summer na..lumalaganap na mga sakit ngayon at maging sa tubig ay nagkakaubusan kaya sana'y pahalagahan natin ang bawat patak ng tubig dahil ang bawat patak nito at pampaligo ko na.^_^

6 nag effort bumasa:

choknat said...

after 48 years ba bago nagkatubig? hehe

uso nyan dehydration.

darklady said...

ay naku oo grabe ang tagal..
twing umaga nawawalan na ng tubig dito.tapos gabina kung magkaron,hays ang hirap!

DRAKE said...

Naks may naman! Heto ang tips ko naman sa pagsasave ng tubig

Pagkatapos maghugas ng puwet, ipunin ang tubig ng pinaghugasan sa isang palanggana tapos ito ang ipandidilig mo sa halaman. May pandilig ka na may pataba ka pa!whahahha

Ingat

darklady said...

hahaha ayos ah! gawain ba?hehehe
salamat sa tips!

Ingat din!

kikilabotz said...

waah favorite ko ang spaghetti penge. uhmm haay sobrang init nga ngayun eh. as in sobra db? grabe kaya natutuyo ang tubig eh. ano n b nangyayari sa ating mundong earth.

darklady said...

magkaka agaw pala tayo sa spaghetti e.hehehe..
Oo nga e sobra talaga init, kaya ang daming nagkaka tigdas. Ako nga hindi pa ganon kagaling ang pagkasakit ng tyan. Dahil yata yun sa kakakain.hahahaha