Monday, March 29, 2010

Ilang Bagay Tungkol kay Dark Lady


Mang gaya lang ako ng post ng iba ah..hehehe.
Nabasa ko kasi na yung iba nagbigay ng ilang bagay tungkol sa kanila.
Naisip ko ako din kaya magbigay, papansin lang ba..^_^ Blog ko naman to e..wapakels..


1. Paborito kong pagkain ay SPAGHETTI!! kahit araw araw mo ako pakainin nyan ok na ok sa akin. Magkakasundo tayo. ^_^
2. Hindi ako mahilig sa candy kahit noong bata pa lang ako kasi ayoko masira ngipin ko. Pero mahilig ako sa chocolate. ^_^
3. Hindi ako kumakain ng gulay.
4. Mahilig ako mag isip ng business pero hanggang isip lang.
5. Walang butas ang tenga ko para sa hikaw.( Kaya wag ka na magtaka kung wala akong hikaw.)
6. Mahilig ako sa maanghang.
7. Hindi kumpleto ang kain ko kapag walang sabaw.
8. Kapag nagpapapicture ako laging right side ng muka ko pinapakita ko kasi mas maganda ako sa side na yun.
9. Bago ako matulog nangangarap muna ako na isa akong artista o kaya mayaman.
10. Mahilig ako maglakad. ( Hindi yung panay ang lakad ko.Na parang hindi matae. Ibig ko sabihin imbes na mag tricycle ako mula kanto hanggang dito sa amin e nilalakad ko na lang.)
11. Mas matagal pa ako tumae kaysa maligo.
12. Hindi ako natutulog sa byahe. At kapag nag babyahe ako gusto ko may dala ako snack.
13. Hindi ako umiinom ng gamot kapag may sakit ako.
14. Pagkain ang gamot ko.
15. Sobra akong makakalimutin. Kapag tinabi ko yung isang bagay tanungin mo kaagad ako at hahanapin ko na dahil hindi ko na matandaan kung saan ko nailagay.
16. Mahilig ako magpa picture.
17. Mahilig akong mang surprise, gusto ko yung tipong aatakihin sa puso yung isusurprise ko.hehehe
18. Mas type ko mag work kaysa maglinis ng bahay.
19. Napaka iyakin ko.(huhuhuhuhu!!)
20. Cold water iniinom ko sa umaga. Ayoko ng kape.
21. Gusto kong almusal ay sinangag. Hindi kasi ako nabubusog sa tinapay.
22. Mas game ako makipag away sa lalake kaysa sa babae.
23. Hindi ako nag aahit ng kilay.
24. Adik ako sa music.
25. Hindi nag ssleeveless o tube na damit.
26. Kung matulog ako sakop ko buong kama.
27. Gusto kong may kayakap kapag natutulog ako. (UNAN)
28. Kapag umaalis ako dapat may panyo ako.
29. Gustong gusto kong bumili ng mga key chain na nilalagyan ng name.
30. Kumain lang sa mall masaya na ako.
31. Hindi ako marunong lumangoy.
32. Hindi ako marunong mag bike.
33. Mahilig ako sumayaw.
34. Noong bata ako gustong gusto ko maging muse.
35. Hindi ako mahilig gumala.
36. Mainit o malamig gusto ko naka electric fan ako kasi ayoko naririnig yung ingay ng lamok.
37. Corny ako kaya ayoko ng nag jojoke ako kasi napapahiya lang ako. ^_^
38. Bihira ako magkaroon ng crush. Hindi ako madaling ma attract sa gwapo kasi nayayabangan ako sa kanila.
39. Napapalingon ako kapag may naamoy akong mabango.
40.. Mahilig ako magsulat ng kung ano ano. Parang tulad ngayon. ^_^


Dahil binasa mo yan. Salamat kasi gusto mo pala ako makilala. ^_^
Kahit paano may alam ka na tungkol sa akin.hehehe..

At dahil dyan!! FRIENDS NA TAYO!! ^_^

16 nag effort bumasa:

kayedee said...

wow mare grbe ang dmi nting magkatulad sobra!! Gusto q isa isahin kso lyk u ulyanin aq hehe..kung mkpag comment LNG aq s pc pde mag copy paste hahah..

Aha inbloblog q nlng pra malaman u hehe

taribong said...

Friends na tayo.... (binasa ko kasi eh hehehehe)

DRAKE said...

Ngayon may 40 facts na ako about kaya kilala na kita Dark Lady!hehhehe

Kung gusto mong makita naman yung sinulat ko dati heto naman ito (ano? na naman):

http://utakhangin.blogspot.com/2009/06/hu-u.html

Ingat

darklady said...

@ Kayedee

Talagang magkumare, madami magkamukha.hehehe.
Sige sige, i blog mo ah..Para mabasa din ng iba.^_^

@ Taribong

Salamat sa pagdalaw,oo friends na tayo dahil binasa mo ito.hehehe

@ Kuya Drake

Nasaan ang kaliwa mong paa?hehehehe. Wala sa itsura mo yung mga nabasa ko doon. Lalo na yung pagiging kyut! Hindi ka naman kyut e, gwapo lang. ^_^

Nakalimutan ko yung pang 41.
Mahilig mang uto..hehehe..

Ingat din..

Jam said...

Minsan kahit pinakakilala mo na sarili mo minsan parang stranger ka pa rin sa iba kc mas mdalas ang hinhanap nila ung wala..hmm may something in common tayo pagdating sa gwapo..i hate gwapo..pramis!!!

roanne said...

pareho tayo sa:
1 - ilove pasta. pero wag naman araw-araw
2 - chocolate lover
10, 15, 16, 17, 19, 24, 33, 34, 37
:)

Rah said...

hehehe masarap kaya ang gulay.

KESO said...

uyy dami tayo pgkakatulad, apir. mgkksundo tayo, isa na dyan e mhilig din ako sa pasta and sa music at mdming mdmi pa. haha. parang gusto ko gumawa din ng gnyan, pagaya ako ha, hehe.

darklady said...

@ JAm

May point ka din sa sinabi mo.^_^ dati man hater ako e.hehehe.pero now nagbago na ako. May labilabs na ako eh.^_^ hihihihi..


@ Roanne

Wow dami din pala tayo pagkakamukha.hehehe

@Rah

hindi kasi gusto ng panlasa ko ang gulay,ahmm.may ilan ako na kinakain kapag need pero hindi ko lang talaga like.

@ Keso

Sige ok lang, ako din gumaya lang.hehehehe

Rah said...

adik din ako sa music pero gusto ko yung jologs rap. saan ba nakakabili ng mga ganon?

Dhianz said...

naaaliw naman akoh sau... alam mo ba ahlab most of ur entries... lang halong biro... kakaaliw tumambay ditoh... parang gusto kong basahin lahat nang entries moh... kc minsan pag naaliw ako sa isang blog eh halos lahat nang entry nilah eh binabasa koh... konti pa lang naman nagawan ko non... isa na si kuya drake... fan den ako non eh...

oh yeah since i can call yah DL eh yey! feeling close na tayo... since halos magkasingganda na ren tayo eh mas lalong feeling close tayo... haha... hangkuletz eh noh... teka... hihiritz ako sa entry moh...

#1. spaghetti - lab it too... ahlab pasta! mabubuhay ako sa pasta den siguro...

not a big fan of candy too... chocolates umm sometimes... gulay pili ren...ahlab spicy foods den... lab walking den...lab pixs den...

#15 makalimutin - haha... nde tayo puwede magsama...sobrang makalimutin akoh... hmmm i should make a blog bout dat... later... so unz... sobrah... that's why ahlab to write things down para maalala koh... otherwise walah... ewan ko san ako pupulutin...

#31. dunno how to swim den... nde nga ako maka float... pag nasa swimming pool lagi ako naka-salbabida... one time i almost got drown sa swimming pool... nawala kapit ko sa salbabida... haha...

#40. mahilig den ako magsulat... inlab ako sa papel...=)

magkakasundo tayo ms.DL ... wehe... oh yeah pansamantalang no entries muna akoh... babalik ren... basa basa muna... ingatz... Godbless1

darklady said...

@ Rah

San nakakabili nun?Ahmmm..sa palengke? yung mga nasa gilid gilid?hehehe hindi ko alam e.

@ Dhianz

Huwaw salamat naman, na tats naman ako sa sinabi mo. Sobra! promise!! hindi ko akalain na may magkakagusto ng ganyan sa mga sinulat ko. ^_^

Dahil sa sinabi mong magka sing ganda tayo o cge!! i lab it too!! close na tayo!! whahahahaha..

hindi pala tayo pwedeng magkasama kapag may kakabisaduhin kasi baka magkatinginan lang tayo dahil nakalimutan na natin.hehehe

At kapag nag sswimming ako naglalakad lang ako sa pool,kaya sa pang batang pool lang ako nag sswim kasi kapag pang malaki na e hindi ko na kaya yun lakarin. madededz na ako nun..hehehe

Abangan ko din ang muli mong pagsusulat!! ^_^
INgatz...

gege said...

marami tayong pagkakapareho!
di pagkain ng gulay, mahilig sa maanghang, magpapicture, music. makakalimutin, at bihira magkacrush at marami pa...

pero baliktad tayo sa mahilig maglakad!
haha!
sa lakwatsa lang. at matindi ako magjoke. hehe.

hello dark lady!
ako po si gege!
sana interesado ka rin na makilala ako!

magbabalik!!!

(mahilig ako sa ENTER at exclamation point. :PPP)

:P

darklady said...

@ gege

salamat sa pagpunta sa aking blog..at sa pag comment!! ^_^

ako din mahilig sa enter at tututututtuttuldok......

Renz said...

natawa ako sa 11 :)
mahirap kaya tumae ng mabilis :))

darklady said...

@ Renz

Tama ka dyan..kailangan ng matinding konsentrasyon doon..hehehe