Wednesday, March 31, 2010

Parang Kahapon lang...


Habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame. Naalala ko ang buhay namin dati. 3 years na nakakaraan...

Malungkot ako at nag iisip ng gagawin upang patuloy na makapag-aral. Nung mga panahong yun 16 years old ako ,1st year college at nakaka 1 sem na sa pag-aaral. At balak na maghinto sa pag-aaral dahil wala na ako pambayad sa tuition.

Pagkatapos ng klase naglilibot ako sa bayan at naghahanap ng mapapasukan sa fast food. Una ako nagpunta sa Mcdo. Nagpasa ng bio-data at nag abang ng resulta. Ngunit sa kasawiang palad hindi ako natanggap. Sumunod sa Jollibee pero hindi rin ako natanggap. After ng ilang araw nakakita ako sa Chowking, ang ganda ng smile ko at may hawak na bio-data. Pagkatapos biglang sinabi ng manager na wala ng bakante. Sabi ko may naka post doon. Tiningnan nila at inalis, ang sabi tapos na daw. Kabwisit yun ah!

At dahil sa wala na ako magawa pa,pagkatapos ng 1st sem nag stop na ako. Inoperahan ang stepdad ko noon, ang ate ko maliit lang ang sweldo,kuya ko man dahil marami pa din kami utang.

Tuwing gabi umiiyak ako dahil gusto ko mag-aral. Hanggang sa isang araw, sumama ako sa kapatid ko sa Batangas, may sinalihan ako dun.( secret na yun baka hindi kayo maniwala.hehe) ^_^ Pagkatapos nun naghanap ako ng work. Sa bilihan ng cp ako nag apply, tinanggap ako nung among lalake pero yung asawa nya hindi kasi wala pa daw ako experience sa trabaho. Nung time na yun inis na inis ako akala ko pa naman magkaka work na ako. Sa 2 months na pananatili ko sa Batangas walang nangyari sa akin, tumaba lang ako at medyo pumuti.

Pagbalik ko dito sa amin, saktong nangangailangan ng isang sampler yung kaibigan ng mom ko. Ang sampler ay yung nag ha'house to house at namimigay ng produkto. Ang pinamimigay namin noon ay knorr meaty seasoning.P320 ang sweldo isang araw. At ang pasok ko once a week lang. Yung unang sweldo ko pinang jollibee ko sa kapatid kong bunso. Masaya na ako dun dahil kahit pano may work na ako. 5am ang pasok namin at 4 na brgy. ang nilalakad namin para mamigay. Mahirap pero nag enjoy ako. At pagkatapos ng work kong iyon nakuha muli ako. Mula sa isang araw na pasok, naging 3 araw kada linggo at minsan higit pa. Naging sampler ako ng Surf at nung matapos yun medyo nabakante ako dahil nawalan ng project yung lugar namin kaya naghanap ulit ako. Pinag apply ako ng coordinator namin sa agency nila. Nung mga panahong yun kailangan ko talaga mag work dahil talagang nauubos na budget namin. Napakahirap nung hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pera. Kaya nung inalok ako na mag apply punta kaagad ako kasama ate ko. Sa pampanga ang agency at dahil 17 pa lang ako nun hindi ko pa alam yung lugar na yun kaya sinamahan ako ng ate ko. Maghapon kami dun. At tipid na tipid kami sa pagkain. Gabi na nung makauwi kami at kamalasan hindi ako natanggap. Habang nasa sasakyan ako nun nasa isip ko na sana magka work na ulit ako.

At ilang araw lang ang lumipas, tumawag ulit ang coordinator namin. Nangangailangan ng Push Girl para sa anlene. Ang PUSH GIRL/ PROMO GIRL ay mas sosyal sa sampler dahil ang PG ay yung nasa supermarket. Yung makikita nyong nakatayo dun at nag aalok nung produkto na hanap nila. Kumbaga sila yung muse ng diser.hehehe. Isang PG lang ang kailangan sa Bulacan. At tatlo kaming nag apply. Una sa pampanga kami nagpunta at yung final interview sa Manila. Kasama ko yung coordinator tanda ko pa noon naka formal kami ng suot at naka high heels pero nakatayo kami sa bus. Ang buhay nga naman...muntik na ako gumulong gulong sa bus, hindi kasi ako sanay mag balance..

At nangyari na nga, doon kami vinideo at tatawagan na lang ang isa sa amin kung sino ang tanggap. Nung panahong yun sabi ko eto na naman, baka hindi ulit ako tanggap. At pagkaraan ng ilang araw. Masayang masaya ako dahil ako ang tinawagan. Ngunit yung outlet na papasukan ko ayaw akong tanggapin dahil 17 pa lang ako. Kaya ayun wala ulit ako work. At nung gabing yun tumawag ulit ang coordinator ko. Kinabukasan pinapapunta nya ako sa isang outlet at mag start na daw ako maging Promo girl ng isang produkto.Sobrang saya ko noon. At muli nagsimula ako mag work. Ilang araw bago matapos yung work ko tumawag ulit ang office sa akin, kinukuha nila ako sa ANLENE at may bago silang outlet na binigay. Simula nun nagsunod sunod na work ko. Kasabay ng ANLENE tumawag sa akin ang knorr kinukuha nila ulit ako. At ako naman si tanggap sige lang. Habang nandyan ang biyaya gora lang!. Pinag sabay ko ang 2 kong work kaya nawalan ako ng pahinga dahilan upang mamayat. Sa work ko sa ANLENE ang naging hirap dun ay yung mahigit isang oras kong byahe papunta pa lang sa outlet ko. At sa Knorr naman ang naging hirap ko dun ay yung oras ng pasok dapat 5am nasa meeting place na.Pero dahil work yun sige lang. Pagkatapos ko sa work na yun.tumawag ulit yung isang work. Pagkatapos nag SELECTA ako. Matagal ang SELECTA at nung matapos ako dun SELECTA ulit dahil summer yun.

Sa work na selecta lang ako nakatikim ng sweldo ko dahil nung panahon na yun nakapag abroad na kuya ko. Kaya akin na lang sweldo ko. Kaya nakapag aral na din ako last year. Tinuloy ko ang pag-aaral ko at hindi ko alam kung nanandya ba talaga ang work dahil 3 work ang nag alok sa akin sa loob ng isang araw at dahil may pasok na ako yung isa na lang tinanggap ko. Yung pang saturday and sunday.

At ngayon naghihintay ako ng work na pang summer at nung isang araw tinawagan ako para sa selecta. Kaso lahat ng requirements ko expired na e kailangan nila kinabukasan na. heller naman!! kaya ayun sayang!! haays..

Naiisip ko ngayon, ang daming nangyari sa loob ng nakaraang 3 taon. Naramdaman ko yung hirap at dahilan upang magsikap ako na makapag work at ngayon masasabi kong maswerte na din kami dahil hindi na kami tulad ng dati.

Parang kahapon lang sobra ang hirap na naramdaman namin
At ngayon mas ok na kami, hindi kami mayaman kundi naging sapat na yung pera para makapagpatuloy ako sa pag-aaral ko at para makakain kami araw araw.

Naging aral sa buhay ko?
Lahat tayo pwedeng bumagsak pero lahat tayo may karapatan din na umangat lalo na kung nagsisikap tayo..^_^

Teka ang haba na yata nito?
Pasensya naman nadala lang ako. At natapos mo itong basahin Salamat naman. Buti hindi ka nakatulog? hehehe. Ayan sige mag best friend na tayo, haba kaya nito..hehehehe..

Para sa mga nagbabasa sa blog ko,sana wag kayo magsawa magb asa.Next time hindi na mahaba..wag ka madadala..hehehe ^_^

21 nag effort bumasa:

roanne said...

Nalungkot naman ako sa kwento mo, but I am happy kasi nakapag-aral ka na ulit. I know you'll be successful... kasi you're determined to achieve your goals. don't lose your focus and wag muna mag-asawa :) tulong ka muna sa family mo, they deserve comfortable life after ng sacrifices nila for you. keep it up! wag ka lang sumabay sa agos, makisagwan ka rin.

gege said...

nahiya ako sayo bigala.
magtu-21 nako this year!
tinawag ba kitang ate?
sana hindi.
haha!
haayst.
at sobra akong nahiya sayo...
aba!
wala akong ganyang sipag!
WALANG WALA!
kung ako nasa kalagayan mo, manghihina ako.
idol na kita!
hehe.
pagpatuloy mo lang yan!
bayani ka ng sarili mong buhay!
hindi ka sumuko!
AT WAG NA WAG!
dahil dyan...
ate na kita... ang bata ko pa kng experience sa buhay ang usapan!
hello ate!
^- ^

darklady said...

@ Roanne

Salamat sa advice!! ^_^


@ Gege

salamat!! ^_^
ahmm..sa pagkakatanda ko hindi mo naman ako tinawag na ate, pero sa dulo ng comment mo. oo..hehehe

Malay mo sa ibang bagay ka naman matapang and may lakas ng loob? ^_^ salamat ulit sa pagdalaw

kikilabotz said...

naks ang sipag pala pala ni adrk lady? sana hininge mo kopya ng video mo tapos pinakita m sa amin. hahaha. sabi n mgnda si dark lady eh. aheehehe

uhmm tama lahat may karapatan umangat sa buhay. apir tayo jan

KESO said...

naks te, lalo akong humanga sayo, ang sipag sipag mo. alam mo, dati naranasan din namin yung gnyang kahirapan kaso elemntry pa ko non, bale ung ate ko naman ang nakaranas ng hanap ng hanap din ng work then ngstop din siya, nkkrelate ako. lam kong sobrang hirap nyan kaya humahanga ako sayo, ang strong mo. o db, after ng pghihirap mas naging matibay ka. :)

darklady said...

@ Kikilabotz

Hehehe oo nga e sana nakahingi ng copy nun kasi feeling ko dun lang ako naging maganda. Hindi kapanipaniwala na ako pala yun.hehehe.. APIR!!


@ Keso

Salamat..^_^ oo nga habang may napagdadaanan kang pagsubok mas lalo ka tumitibay..

choknat said...

huwaw, ang dami mo na palang napagdaanan. kakabilib ka naman.

isa kang patunay, habang may buhay may pag-asa. :)

anu pala sinalihan mo? hehehe

Rah said...

Naiyak ako sa kwento mo dark. :'( pero im sure it made you a better person. Ako nung bata ako nagtinda din ako ng banana Q at ng sweepstakes sa may simbahan. Pagbutihin mo lang ang pagaaral mo, the future is bright para sayo. At pag mahirap na talaga, DASAL lang, sometimes it works.

Rah said...

By the way. BEAUTY CONTEST BA ANG SINALIHAN MO? patingin ng pics! hindi ako tatawa promise :DD

darklady said...

@ Choknat

Salamat..^_^
oo nga habang may buhay may pag-asa.
ano sinalihan ko?hehehe..sikretong malupit yun.hehe

@ Rah

Salamat din..^_^ Tama ka kailangan din mag pray..Ahmm.may picture ako ng sinalihan ko kaso nanakaw yung camera kaya kamalasan walang natira.kainis nga e..hayz...parang ayaw talaga sakin noh?hehehe

darklady said...

@ Rah

Hindi nga pala yun beauty contest..hehehe

Arvin U. de la Peña said...

ang haba nga ng post mong ito..masipag ka talaga..ang ganda ng pamagat ng post mo..PARANG KAHAPON LANG.. puwede ba tayong mag exchange link..add mo sana ang blog ko sa blog list mo..add din kita..thanks..tell me pag ma add mo na ako..

darklady said...

@ Arvin

Salamat sa pagdalaw sa blog ko at pagbasa na din.^_^ sige add kita sa blog list ko..

kayedee said...

waw ang sipag pla ng mare q e! Wlang wla aq s sipag at abilidad u! Tsk!
ngyun npagtanto q n mahal tlga kta! Kc nbsa q ang super Haba mong post! E sikreto lg ntin to ha.. Pag nkta kong mhba ang mga nppsyalan long mga blog nagbaback out aq ahehehe

DRAKE said...

Grabe marami nga pala tayong pagkakapareho. At humahanga ako sa iyo Dark Lady dahil nga talagang nagsumikap ka para sa pag-aaral mo. Naniniwala ako na talagang magtatagumpay ka sa buhay. Basta tyagaan lang talaga ang kailangan! Sa ngayon kailangan muna nating magtiis pero alam ko darating ang araw na magiging okay din ang lahat!

napahanga mo talaga ako Dark Lady, kaya dapat talaga makita tayo paguwi ko!

ingat

darklady said...

@ Mareng Kayedee

Maraming salamat sa palagian mong pagbabasa sa mahaba kong post..hehehe
Naks naman na tats ako!! talagang lab na lab mo ako..Sige lab na rin kita..ngayon lang! hahahaha..etchos!! salamat talaga


@ Kuya Drake

tama ka tyagaan lang talaga. At ma aaccomplish dn natin lahat una una lang yan..

Kelan ka naman uuwi nyan kuya drake? Now na ba?hehehehe..

Ingat din palagi..salamat sa pagbasa..Mahal nyo nga talaga akong lahat..haba nito nabasa nyo..^_^

Rah said...

Kung hindi yon paligsahan sa pagandahan, hmm im sure na SINGING CONTEST ang sinalihan mo! aha! hehehe sampol naman diyan :D hihihi

darklady said...

@ Rah

Alam mo bang kapag mga kakilala ko nakabasa ng sinabi mo mga hahagikgik yun sa tawa..Kasi hindi ako magaling kumanta..hehehehehe..sana nga magaling ako sa pagkanta..hehehe..

choknat said...

baka dancing contest.. yis! dacing contest noh? lol

Renz said...

best freinds na tayo dahil binasa ko ang iyong nobela :)) juk lang.
ang sarap siguro balikan ng mga ganyang pagkakataon sa buhay. so far di ko pa yan naeexpi.bata q pa :)

arnz said...

haha.. oo nga..hindi ko rin namalayan, ang haba na ng post mo..hhee..kung minsan, pinagpapasalamatan pa natin ang mga pangyayaring ganyan kasi kung wala ang mga yan, hindi tayo matututong makipaglaban sa hamon ng buhay.. winner ka gurl!..:)