Wednesday, March 31, 2010

Bakit nga ba?


Ang daming pwedeng itanong sa "Bakit nga ba?"

Bakit nga ba ang utot habang pinipigilan mo lalong nagwawala?

Bakit nga ba ang sipon minsan may kulay green pero bakit walang kulay pink?

Bakit nga ba paggising mo sa umaga may muta ka?

Bakit nga ba kapag nangungulangot ka yung hintuturo ginagamit mo at hindi yung hinlalaki o yung hinliliit?

Bakit nga ba ang baboy naman ng mga tanong ko? Excuse me sa mga kumakain..^_^

Sige Ibahin natin ang tanong..

Bakit nga ba ang gaganda at gwagwapo ng kasamahan ko dito sa blogger?

E bakit nga ba nambobola ako ngayon?

Bakit nga ba ang sipag ko daw mag post ng entry ko dito?

E kasi wala ako magawa. Yun ang sagot ko! ^_^

Diba ang daming pwedeng itanong sa " Bakit nga ba?"

Pero hindi iyon yung gusto ko talaga itanong..

Pampahaba lang yung mga tanong ko na yan..hehehe

Kanina habang nakaharap ako sa t.v napansin ko na eto na nga pala yung araw na konti lang ang commercial sa mga palabas sa t.v. Dahil Mahal na Araw...

Natanong ko sa sarili ko, Bakit nga ba tuwing April ang Mahal na araw? Anong dahilan at sa ganoong araw yun? Kayo ba alam nyo?

Kasi ako noong bata ako ang alam ko kapag mahal na araw ay..

Tuwing tanghali ang palabas sa channel 7 ay BARBIE kaya palagi ko inaabangan ang Mahal na Araw.

Sa channel 2 maraming pelikula ang palabas na noon ko pa lang napanood.

Nung araw ding iyon laging palabas ang mga pelikula ni Vilma Santos kabilang na ang walang kamatayang ANAK. Pero maganda naman yun.

At ang pinaka huli bawal na maligo pagsumapit na ang alas tres ng hapon. Kaya lagi ako nagpapahuli na maligo para hindi na ako makaligo. ^_^



Baka sakaling alam nyo dahilan. Para lang matahimik na kalooban ko..hehehe..^_^

12 nag effort bumasa:

Rah said...

Hindi ako masyado religious. Against ako sa mga tradition at mga kasabihan na parang wala namang basehan. Naliligo parin ako pag mahal naraw, kumakin parin ako ng karne, hindi din ako naniniwala na patay si jesus. At kahit pa mamatay siya useless din dahil babangon din naman siya on the third day, at kahit pa namatay siya, baliwala din kasi immortal naman siya. At kahit pa namatay siya, nandyan parin naman ang tatay niya. Yung tatay niya, at siya, ay isa lang. Hindi ako religious, pero hindi din ako anti religious. Understanding ako sa beliefs ng mga tao. Kung yon ang gusto nila paniwalaan, edi sige (ipako niyo sarili niyo sa krus, magpinetensya kayo, at gutumin niyo ang sarili niyo) pero ako, manonood lang ako.

Random Student said...

aba at busy sa blog ng mahal na araw. bakit nga ba?

KESO said...

ayy oo nga, bkit ba di na pwede maligo pgsapit ng alas tres, hahaha. nkktuwa nman to. ngayon ko lng ulit naaalala yng bagay n yan. haha, ang dami daming pamahiin ng mga pinoy, nakakalurkey!

darklady said...

@ Rah

Ngayong malaki na ako hindi naman ako naniniwala sa pamahiin. Tulad lang ng gawi ko nung mga nakaraang araw ang gawi ko ngayong mahal na araw.

@ Random student

Oo nga e, konti lang yata ang nakabantay sa blog nila now.

@ Keso

Kasi daw may dugo na yung tubig kapag alas tres. Nung bata ako hinahanap ko yun sa tubig e wala naman..hehehe. Minsan sa sobrang dami ng pamahiin nawawalan na tayo ng time para gawin yung mga dapat gawin.

choknat said...

at bakit nga ba pinalabas sa channel 2 kanina ang one more chance. na-emo tuloy ako. argh! waahh! joke. haha

bakit nga ba april, minsan naman maaga, march pa tapos na holy week. binibilang yata sa days un eh. nagmamarunong lang ako. ahaha

gege said...

nako, hindi ko din alam!
haha!
lalo na yung sa pink na sipon... cute nun. haha!

BAKIT NGA BA ang dami mong tanung...

hindi ako mapaniwala sa mga pamahiin...
pero nakakatakot...
wala lang!
kasi yung lola ko lagi akong tinatakot nung bata pa ko.
haha!

ang sama ng lola ko.
JOKE.


:PPP

roanne said...

ang alam ko, church is following liturgical calendar, and holy week sometimes fall on april or may...

di ako naniniwala sa pamahiin...

ikaw baka may sagot ka sa tanong ko... kung ang vegetable galing sa vegetable, corn oil galing sa corn, ang baby oil san galing? nyehehehe

have a blessed holy week :)

Arvin U. de la Peña said...

oo nga..bakit nga ba..

darklady said...

@ choknat

oo nga, nakaka emo yung one more chance pero maganda..binibilang ba yun sa days? hehehe

@ gege

wala kasi ako matanong kaya ang dami kong tanong..hehehe.. halos lahat ng matanda mahilig sa pamahiin,nagsasalin salin tuloy..^_^

darklady said...

@ roanne

ahh..ganon ba yun, salamat!! ^_^
ahmm..san galing ang oil? sa baby?whahahaha..


@ arvin

nakakaloka yung tanong ko noh?hehehe..

kayedee said...

at bakit Kaya ang sipag sipag mong magsulat at bakit ang sipag sipag kong magbasa! hahaha.. Buti Nlang at spring vac ng bro q s skul Kya nhhram q ang iPod Nya dhl Kung mgkataon e pulubi n nmn aq n hnd mkaepal!! Hahaha..

darklady said...

@ mareng kayedee

wala kasing magawa kaya masipag ako gumawa.hehehe..oo nga noh buti na lang at nahihiram mo i pod ng kapatid mo kundi sa shoutmix ka na naman makakapag comment.hehehe