Saturday, March 27, 2010

Ang Aking Pagkabata


Tulad ng request ni Kuya Drake heto na ang kwento ng aking pagkabata at may bonus pang kyut na kyut kong picture.^_^





Tahimik lang akong bata (patunay na dyan yung picture ko, kita nyo naman walang kaangal angal sa picture. Walang kangiti ngiti.)

Ang kalaro ko lang noong ako'y bata pa lang ay ang aking bestfriend na si Romalyn. Magkatabi lang ang bahay namin, mas nauuna yung bahay namin kaysa sa kanila. Kaya tuwing kami'y mag aaway sya ang talo. Bakit? Kasi pag nag aaway kami sasabihin ko sa kanya wag sya tatapak sa lupa namin sya naman ganon din. Sakin walang kaso yun kasi hindi naman ako dumadaan sa bahay nila sya ang dadaan sa bahay namin para makalabas.

Kung ano anong laro ang naiisip ko. Naroong kumuha kami sa bahay namin ng mga bagay na hindi na namin kailangan at iipunin namin at pagkatapos ay ipamimigay sa kapitbahay naming bata pagsapit ng gabi. In short nag ala Santa Claus kami. Minsan naman naisipan namin na maghukay sa bakanteng lote at ang nahukay namin ay isang aklat. Fairytale story yun at yun ay tinuring namin na isang kayamanan. Naroong mag puppet show di kami, gugupit kami ng mga tao sa libro tapos itutuhog namin sa stick at mag iiba iba ng boses. Umaakyat din kami sa bubungan ng bahay ng bestfriend ko at doon nangunguha ng dahon ng kawayan pagkatapos ay gagawing lollipop. At kapag naman wala na kami magawa pupunta kami sa kabilang likod ng kapitbahay namin tumutulong kami na mag repak ng macaroni at ang binabayad sa amin ay macaroni din. Nung ginawa ko ang mga bagay na yan siguro nasa 6 na taong gulang ako.


At lumipas ang taon nagkahiwalay din kami ng best friend ko. Lumipat kami ng bahay at pagbalik namin lumipat na din sila. Kaya iba na nakalaro ko. At dahil mas matanda ako ng isang taon sa kanila ako ang nagiisip ng lalaruin. Sa umaga susunduin namin yung kalaro namin na mayaman pero syempre hindi muna kami aalis sa bahay nila makikipanood muna kami sa cable nila. Wala kasi kami noon kaya gandang ganda ako sa mga palabas kahit sila ay sawang sawa na dahil paulit ulit ang palabas. Pagkatapos ay pupunta kami sa bakanteng lote dun kami naglalaro at ang ginagawa namin doon ay nag coconcert na ala M2M ang dating. O kaya naman ay nag cchinese garter, habulan, tagu-taguan. At kapag papagabi na, uupo na ako sa may gilid ng kalsada kasama ang isa kong kalaro tapos mamimili kami ng mga gusto naming sasakyan na dadaan. Halos mahilo ako sa ginagawa namin pero lagi ko naman ginagawa yun. Hanggang ngayon nga hindi ko maisip kung bakit ko yun naisip gawin. At kapag tuluyan ng madilim uuwi ako sandali at babalik din kaagad sa bakanteng lote pagkatapos ay maglalaro kami ng takot takutan ng mga kalaro ko at may kapangyarihan kami kunwari. Ang hawak kong kapangyarihan ay ang "Puso".Nasa akin ang kapangyarihan ng pag-ibig pero may kapangyarihan din ako ng yelo.hehehe. Minsan naman ay maiisipan ko na magpalaro ng "Go bingo panalo" Namimili ako ng mga pa premyo, karaniwan kong binibili ay lapis at chichirya. Pagkatapos ay gagawa ako ng number. Sa bawat number ay may makukuha kang premyo. At para makabunot ka kailangan mo magbayad ng 25 cents. Mabentang benta yung ginawa kong laro dahil kahit yung mga pinsang kong matatanda na ay sumasali pa. Paanong hindi sila sasali e lahat ng bumubunot may nakukuhang premyo. Walang talo sa ginawa kong laro at mas lalong wala silang lugi ako lang ang lugi at kahit alam kong lugi ako sige pa rin ang palaro ko kasi nag-eenjoy ako. At tungkol sa tawag ko sa laro ko bigla ko lang naisip noon na itawag ay "Go bingo panalo".


At nung mag grade one naman ako kahit sa eskwelahan ay dinala ko ang kalikutan ng isip ko. Nagbebenta ako ng pastillas na tinda namin. Hindi alam ng mommy ko na kumukuha ako sa tindahan at ipinagbibili sa eskwelahan. At para maging mas mabili gumagawa ako ng eroplanong gawa sa papel pagkatapos ay doon ko ilalagay ang pastillas.


Lumipas ulit ang ilang taon lumipat na naman kami ng bahay. Madalas din ako mag ipon ng paper doll hanggang sa makaipon ako na isang box pero naiwan sa dati naming bahay.
Sa medyo ma puno kami napunta kaya ang naging laro ko naman ay maging unggoy. Umagang umaga yun makikita mo ako na nasa puno na ng mangga at nangunguha ng bunga,pagkaraa'y lilipat ulit ako sa kabilang puno at doon maglalambitin. Minsan naman ay gumagawa kami ng envelop na may design at ipinagbibili ko. At nung minsan na binigyan naman ako ng boyfriend ng ate ko ng pamusod na galing state pinagbili ko din. Naisip ko noon na maikli ang buhok ko kaya paano ko magagamit yun kaya ipinagbili ko sa mayaman at maarte kong kapitbahay. At nung wala na talaga ako magawa Naisipan ko din na magbenta ng samalamig sa bahay namin kakutsaba ko yung kalaro ko. Naisip ko magtinda nun kasi uso ang gapas sa bukid at syempre madaling mauhaw mga tao kaya tama yung samalamig.


At sa lahat ng mga naisip kong laro na may halong negosyo iisa lang ang naging resulta lugi ako. Pero kahit lugi ako naging masaya naman ako. Na enjoy ko yung kabataan ko at maraming alaala akong natandaan.

13 nag effort bumasa:

kikilabotz said...

naks enjoy na enjoy ang kabataan ah? hahaha. gnda gnda mo pala ng bata ka eh. hahaha. cguro mas mgnda k kpag ngayon noh? ahihhiih

darklady said...

Hahahaha..sabi nga nila sana bata na lang ulit ako..

Rah said...

naenjoy ko din yung kabataan ko. Batang kalye kasi ako, at kalaro ko mga jologs. The best kalaro mga jologs, dami nila alam na laro. Nung lumaki na ako. Nagseryoso na ako sa pagaaral, sila naging out of school youth. Nayon, mga tambay nalang sa kanto yung mga kalaro ko. Ako naman, tambay sa kanto ng library, malapit sa aircon.

roanne said...

hindi ka naman masyado galit sa iyong larawan :) sarap maging bata ulit... anu kaya kung ang tao nagiging matanda muna bago bumata... parang "the curious case of benjamin button"? wala lang naisip ko lang :)

darklady said...

@ Rah

Dapat habang bata i enjoy ang mga bagay bagay. Dahil kapag tumanda na tayo dapat na tayong mag seryoso..At naging maayos din ang kabataan mo..^_^

@ Roanne

Wala akong kamuwang muwang na pipicturan ako kaya walang rection.hahahaha. Parang nalingon lang at nagulat noh?hahahaha

Hay naku mahirap yung tumanda muna saka pa lang babata.Parang di ko like yun. Pano kapag may asawa ka na sa pagtanda mo tapos pabata kayo..Hmmm..ang hirap isipin.hehehe

KESO said...

ate, bata ka palang mukang negosyante ka na ah hahahaha. hanggang ngayon ba negosyante k p din? hehe. nangongolekta din ako dti ng paper doll, apir. at yung pic mo, mukang suplada, ayw mgsmile. haha

darklady said...

hehehe magandang tanong. Oo may pagka negosyante pa rin ako. Nakalimutan ko pa nga pa lang sabihin na noon binebentahan ko ng shampoo at toothpaste ang mom at ate ko.hehehe. Now na malaki na ako nag try ako na magbenta ng perfume.

Now lahat ng picture ko naka smile na ako. Napa sobra naman ng smile.hehehehe

kayedee said...

waw hang cute hehe prang gus2 q rin tuloy ilgay babynpix q haha..
Grabe bata plng u negosyante n u kya hnd a magttka Kung my mrrting u hehe.. habang bnbsa q to iniicp q Kung anu bng pnagggwa q nung bata aq! Wla aq naicp! Nyahaha

darklady said...

Sana nga bata na lang ulit ako para palaging "hang cute" hehehe.. Salamat kaso nakalimutan kong sabihin na may pagka tamad din ako.whahahahaha...

Ilagay mo din pic. mo nung bata ka.^_^ siguro tahimik ka nung bata ka? Ngayon tumanda na lang saka naging maingay?hehehe

Nga pala buti nakaka pag comment ka na ulit dito? Anong mahika ginamit mo?

DRAKE said...

Ang kyut mo naman nung bata, pwede gawing keychain!hahah joke lang!

Talaga namang pinatulan mo ang pagkakasabi ko sa iyo nyan!hehe salamat at natuwa naman ako nyan

Nga pala isa ka palang negosyante noong bata, kaso yun nga lang lagi kang lugi! So wag ka ng magbusiness kasi baka malugi ka uli!hehe

So nakakarami ka na sa akin ng toblerone dark lady! hehhee

ingat

darklady said...

Hahahaha..talagang keychain ah! Syempre naman kaw pa malakas ka sa akin e. (parang dialogue mo yun ah) hehehe..

Oo nga e, mahirap din maging negosyante lalo na kung nasimulan na malugi.hehehe

Wow!! nakakaipon na ako ng toblerone!! ^_^ ang saya saya!!

choknat said...

ang sarap maging bata. simple. dati pag may makaaway ka, kinabukasan pahiramin mo lang ng laruan mo, bati na ulet kayo. eh ngayon ano na, magkalimutan na lang.

nakakamiss ang maging bata, lalo pag puro laro lang. hehe. pag ganitong bakasyon, mas nakakamiss.

darklady said...

Oo nga e,laro,kain tulog lang gawa ng mga bata..at walang problemang iniisip.