Thursday, March 25, 2010

Ang Maagang Pagdadalaga/ Pagbibinata


Ibang-iba na ang takbo ng panahon ngayon. Ang ating buhay ay nababalutan na ng makabagong teknolohiya kaya nga ba pati ang kabataan ngayon ay nagbago na?

Sa aking pagmamasid may mga bagay akong napansin sa mga kabataan ngayon.

Bumilis sila magdalaga/ magbinata. Yun tipong nasa elementarya pa lang todo ayos na sa sarili. At kahit papasok sa eskwelahan naka make-up pa. Akala mong isasagala sa kapal ng make-up.

Nung minsan na papauwi ako may nakasabay ako na highschool student sa jeep. Ang una kong napansin sa kanya ay ang make up nya sa mukha. Ang kapal ng eye liner nya. Naisip ko mas dalaga pa ba to kaysa sa akin kasi ako naka polbo lang na "johnson baby powder" na dinukot ko pa sa bahay namin. Samantalang sya naka lipstick at naka blush on pa.

Ang mga kabataan din ngayon ay ang aaga ng magka boyfriend/girlfriend. Yun dating crush lang na nararamdaman, ngayon kapag nakaramdam ng ganoon boyfriend mo na. O diba ang bilis. Wala ng pakipakipot pa.

Kasama din sa mabilis na pagdadalaga/pagbibinata ng mga kabataan ngayon ay ang paggawa ng sarili nilang desisyon. Makikita mo sa daan ang mga kabataan na naglalakad pa rin kahit gabi na. Wala ng curfew para sa kanila. Bahala na kung mapagalitan ng magulang. Lilipas din naman ang galit sa kanila at wala na din magagawa kung makauwi pa sila ng gabi.


Hindi ko nilalahat ang mga kabataan na ganito ang gawa, sapagkat kabilang din ako sa kabataan ngunit taliwas ang aking ugali sa aking mga nabanggit.( naks nagbuhat ng sariling upuan hehehe).

Nais ko lang ipabatid sa inyo na ang kabataang kinamulatan nyo noong 70's, 80's ay iba sa ngayon.

Sa kabilang banda maganda rin na naging mas maayos ngayon ang mga kabataan sa kanilang sarili . Na hindi mo na sila makikitang gusgusin na may uhog uhog pa tulad ng dati. Ngunit ang pagdadalaga ay may panahon para madevelop. At may tamang lugar din para sa paglalagay ng make-up. May mga lugar tayong dapat isaalang alang at igalang. May mga magulang din tayo na dapat natin sundin sa paggawa ng desisyon lalo na at kung ikaw ay batang bata pa talaga.


Yun lang at Maraming Salamat po. ^_^

12 nag effort bumasa:

choknat said...

ako rin, baby powder lang din gamit. hehe

ung maagang pagbibinata hindi uso sa mga pamangkin ko, parang mga tumatanda ng paurong eh.

kikilabotz said...

uuuuuuyyy inggit xa..ahahaha. joke lng
babaeng maitim (tagalog ng dark lady) uhmm tama maxado mabilis ang pagmamature ng mga kabataan ngayon sa ibang bnda hnd magnda pero kung dun tayo titingin sa positive side eh madami rin nmn naitutulong o ikakabuti ng maagang pagdadalaga at pagbibinata.

hnd ko nga lang alam kung ano. ahaha

darklady said...

@ choknat

balistad??? ang mga bata mabilis tumanda pero ang mga matanda nagbabatabataan.nyaks!! hehehe

@ kikilabotz

talagang tinagalog ang dark lady ah.awtzzz!! it hurts..hehehe..
tama ang sinabi mo at kung ano ang positive tungkol dun secret na lang ba?hehe

Rah said...

Feeling ko mas mahirap ang padadalaga kesa sa pagbibinata, sobrang daming changes for girls.

roanne said...

ibang-iba nga yung kabataan ngayon kesa nuon, dati ang alam lang namin laruin mga outdoor games, piko, patintero, tumbang preso, shato, taguan, habulan, atbp. Ngayon, nabuburo ang mga mata ng mga bata sa computer games, chat at kung anu-ano pang social networking which i think hindi maganda dahil hindi na-practice ang oral communication skills.

Hindi pa nila mararanasan kung pano madapa at bumangon sa pagkakadapa.

darklady said...

@ roanne

Tama ka, pati sa paraan ng paglalaro naiba na din. Kung dati ay talagang todo dumi ang damit mo sa paglalaro at amoy pawis ka na ngayon relax relax na lang dahil naka upo na lang sa harap ng computer.

Renz said...

Tama ka, may oras at panahon para sa mga yan. :]

darklady said...

tama! salamat sa pagdalaw muli renz..

DRAKE said...

Amen, tama yan!

Kumbaga wag madaliin ang pagtanda (o pagdadalaga at pagbibinata), dahil tyak pag tumanda ka, manghihinayang ka naman sa iyong pagkabata.

Ingat

darklady said...

Korakski kuya drake!!
parang gusto mo bumata ah..hehehe ^_^

ingat din

KESO said...

naku, madalas ko makasabay yung mga hs students na akala mo laging happy foundation day. hahahaha. ang kakapal mgmake up pero halata pa din naman na mga bagets pa din, yung tipong parang batang matanda, tsk . kung minsan di din nman maganda tngnan db, tingin ko, masyadong naapektuhan ng modernong panahon ang mga kbtaan ngayon, bka sa susunod khit kinder lng ngmmake up na din. ayy naku. jusmiyo.

darklady said...

hahaha pareho tayo ng nakikita sa paligid. May ilan na nga na kinder pa lang nag mmake up na, sinasanay na ng mga mader nilang fashionista.