Tuesday, February 23, 2010

Ilabas mo na....

Hindi nyo na ba mapigilan?
Ilabas nyo na. Masama yan kapag dinibdib mo pa. Makukulob yan at alam mo na kung paano yan magwala. Masama yan magalit. Habang pinipigilan mas lalo nagwawala. Malakas ang amoy nyan ikaw din mas lalo ka mahahalata.



Isa sa pinaka mahirap pigilan na pakiramdam e yung gusto mo ng magbawas ng sama ng loob. Sa isang salita "pagtae".

Habang pinipigilan mo lalo ka kikilabutan. O wag na mag deny na feel nyo na din yon. Ang hirap noh? hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Lalo na kung sa lugar na napuntahan mo wala pa lang banyo! OMG!! ano ang gagawin mo?


May gusto lang ako i share na kwento. Ang topic natin ay about sa pag dumi kaya ang ikkwento ko din ay tungkol sa pagdumi. At dahil ito ay nakakahiyang pangyayari huwag na natin ibunyag ang pangalan ng ating bida. Itago na lang natin sya sa pangalang " Dark Lady".

Grade one si Dark Lady noon at habang nag kaklase sila may naamoy ang kanilang guro pati ang mga klasmeyt nya. Sabi nila amoy tae. Nagtanong ang kanilang guro kung sino ang umutot. at walang umaamin. Aba syempre sino ba naman ang aamin noh? At yung katabing lalake ni dark lady sabi sa kanya "ikaw siguro yun noh?". At eto namang si dark lady aba todo deny. "Hindi ako yun noh, baka ikaw yun." At dahil walang umaamin pinatayo ng kanilang guro lahat ng estudyante at pinatalon. Para lahat ng malalaglag ay malalaglag na.
At hayun wala ng ligtas pa natunton ang may sala. May natae sa unipormeng suot.


Ang may sala: Ang guro, dahil kung hindi pinalundag ng guro ang kanyang mag estudyante hindi malalaman na si Dark Lady pala ang nagkalat ng lagim. ^_^


Nakita nyo na, masamang pigilan ang mga ganong bagay sapagkat mas lalo ito nagwawala. Mas lalo ka nito ipapahiya.

Kaya bago ka pa man umalis ng inyong bahay magbawas ka na. At kapag nasa labas ka na huwag masyadong kumain ng sobra dahil baka abutan ka pa sa daan ng meeting.


Bonus ko sa inyo para mas lalo kayong ganahan magbawas....




So ano pang hinihintay nyo? Baka may nararamdaman na kayo ngayon ilabas nyo na..^_^

8 nag effort bumasa:

choknat said...

ay, kakakilabot nga yan lalo sabayan pa ng sakit ng tyan. tatayo balahibo mo.

kasalanan ba ng titser. haha

darklady said...

hahaha oo nga. kitams naranasan mo na din.hehe
at oo titser may kasalanan dun..

DRAKE said...

Tyak hindi hindi ka makakalimutan ng mga kaklase mo! nakatatak na yun sa kanilang mga isipan!hahahha

Ako, hanggang ngayon kilala ko pa kung sino ang tumae nung grade 1,at hindi naman ako yun!hhehe

darklady said...

hahahaha..hindi ko na nakikita mga klasmeyt ko nung grade one ako..
Saka hindi ako yung natae noh,tinago ko lang sa name na dark lady! whahahahaha....(palusot!)

KESO said...

wahahahah. natawa nman ako dun sa tumalon talon pa, nung grade one kse ako amuyan lng ng katabi ang gngwa wala ng talon talon. hehehe.

darklady said...

wala kasi umaamin kaya talunan na para mabuko.hahahaha

kikilabotz said...

hahaha. ako din nung grade three naman. ahaha. pasaway ako. hehe. sabi ko lng dati nakaupo ang nang tae eh

darklady said...

hahahaha bukingan itetch ah! medyo matanda ka na nung mangyari sayo yun ah.hehehehe