Wednesday, February 24, 2010

Naniniwala ka ba?






Naniniwala ka ba na isang araw pwedeng mawala ang pagmamahal mo sa isang tao?




Malupit tayo kung magmahal. Kapag mahal mo talaga sya mahal talaga. Yung tipong lahat ibibigay mo. At minsan nga sa sobrang pagmamahal natin hindi na natin namamalayan na sobra na pala yung naibibigay natin. Hindi tayo perpekto, ang kasiyahan lang natin ay makitang maligaya din ang ating mahal kaya kung minsan hindi natin masisisi ang mga taong nagmamahal ng sobra. Masyado lang kasi sila nadadala ng kanilang damdamin.


Totoong dumarating sa buhay natin na mawala ang pagmamahal natin sa isang tao kahit gaano mo pa sya kamahal. Ilan sa pwedeng maging dahilan ay:

1. Masyado na kayong nagsasawa sa isa't isa.
Minsan nakakaranas tayo ng kasawaan,yun bang pakiramdam natin paulit ulit na lang ang nangyayari sa buhay natin. Gusto naman natin na may maiba.

2. Nakakita ng iba
Puno ng tukso ang mundong ginagalawan natin. Ayaw mo man darating at darating ang tukso. At ang ilan sa atin ay madaling makuha ng tukso. Pero diba nga kung hindi naman masarap ang inihain ng nagtutukso sayo matutukso ka ba? Ilan sa halimbawa ay ang pagpapakita sayo ng kabaitan ng isang tao. ( kayo ah! iba nasa isip nyo)

3. Hindi nya nagawa ang gusto mo
May mga bagay na gusto nating mangyari pero dahil sa hindi nya nagawa pakiramdam mo hindi ka na nya mahal kaya mawawala na din pagmamahal mo.

4. At ang pinakamalalang problema sa boys.. Ang hindi pagpapakita ng totoong nararamdaman
Minsan ang mga boys walang keme pagdating sa pagiging sweet. Kumbaga walang kabuhay buhay. Serious type sila. Alam nyo hindi masamang maging sweet minsan. Baduy man pero minsan ang pagiging sweet ang nagdadala sa pagiging ayos ng isang relasyon huwag lang mapasobra. Ngayon isipin nyo yan. Mawawala ang pagmamahal sa inyo kapag hindi nyo rin ipinaramdam ang pagmamahal nyo.



At para sa mga nagtatanong na kung lahat tayo'y mararanasan ang mawala ang pagmamahal sa isang tao bakit may mga mag asawa pa na mahal ang isa't isa hanggang sa pagtanda at hanggang sa mamamatay na?


Ganito yan. Hindi naman basta basta mawawala ang pagmamahal natin sa isang tao eh. Hindi lang natin namamalayan na unti unti na pala itong nawawala. At malalaman na lang natin ito kapag wala na lahat.

At hindi porke't nawala ay hindi mo na ito kayang ibalik pa. Pero syempre depende na lang ito sainyo. May nagsabi sa akin na " Depende na lang ito sa iyo kung paano mo i rerefresh yung pagmamahal mo sa taong yun."


Kumbaga nasa tao pa rin ang gawa. Kung gusto mo talaga sya makasama habang buhay kailangan kapag naramdaman mo na na nawawala yung pagmamahal mo e gumawa ka ng paraan para muli itong maibalik. Pero kung ayaw mo na talaga ang sasabihin mo na lang " Hindi kasi tayo para sa isa't isa, hindi kasi tayo compatible".


Tandaan,ang pagpaparamdam kung gaano mo kamahal ang isang tao ang syang mahalaga para magtagal ang relasyon na meron kayo. Maging open kayo sa isa't isa. Lalo na sa nararamdaman nyo dahil ang nararamdaman natin ang syang magdadala sa isang tuloy tuloy na relasyon.



Kwentong pag ibig na naman itetch!
Gusto ko lang sanang magpasalamat kay mareng kayedee dahil sa kanya nagmula ang katanungang itetch para maisip ko na ito ang gawin kong topic sa aking blog. Muli salamat kayedee, sana'y makapag comment ka na sa aking blog. Ano nga kaya ang problema?...


Kayo ba naniniwala din na isang araw pweeng mawala ang pagmamahal mo sa isang tao?

12 nag effort bumasa:

Té la mà Maria - Reus said...

very good blog, congratulations
regard from Reus Catalonia
thank you

darklady said...

Gracias! ^_^

choknat said...

palagay ko pag sobrang nasaktan pede rin mawala ang pagmamahal.

pag-ibig.. pag-ibig.. pag-ibig..

hehe

bosyo said...

wow inlove,,sino nga pala si tukso? hehehe, napadaan lang..:)

darklady said...

@ choknat

Oo nga pwede! marami din dahilan upang masaktan ang isang tao noh?
salamat..

@ bosyo:

una sa lahat salamat sa pagdalaw. ^_^
sino si tukso? si biglang agaw yun.hehehe

Jam said...

Special mention ka Sistah! hehehe chelus tuloy ako hahaha! Ako naniniwala dyan at base saking karansan nawala ung pagmamahal ko kc napagod at nagsawa na kong maghintay sa wala...Ingats.

darklady said...

hahaha ganon nag chelus ba?yaan mo next time kaw naman.hehehehe..
ingatz din..

Rah said...

Anong mas ok,nagmahal na nasaktan, o hindi nagmahal at all?

darklady said...

Mas ok ang nagmahal na nasaktan,at least masasabi mo na once in your life naramdaman mo magmahal compare sa hindi ka nagmahal at all wala ka man naranasan.
At hindi rin ibig sabihin na kapag nagmahal ka puro sakit mararamdaman mo. Aminin mo man o hindi naging happy ka, so meaning masarap pa rin yung nagmahal ka kahit nasaktan ka kaysa sa wala.

charm said...

naiiyak naman ako dito sa post na to. gusto ko maging open din sya sakin pero ako lang ata ang open samin. :(

darklady said...

Salamat sa pagdalaw..
Dapat matuto din sya maging opne sayo at dapat maging komportable sya sayo tungkol dito.
anyway good luck..^_^

depressed_lady said...

I need some advice...I think I'm falling out of love sa bf ko ngayon...dati mahal na mahal ko sya..to the point na nawalan na ako ng self identity.right now, ang alam ko mahal ko sya pero parang hindi..naguguluhan ako. walang third party. hindi kaya nabawasan lang pagmamahal ko sa knya?