Friday, February 12, 2010

Batang Kalye




Kahit saan ka magpunta ngayon kay dami mong makikita na batang walang tirahan o ang tinatawag na batang kalye. Wala silang makain at walang matinong damit na maisuot. Nakakalat sa daan at naghihintay ng mga taong mag aabot sa kanila ng kaunting salapi upang maipambili ng pang laman ng tyan upang maibsan ang gutom na nararamdaman at makaraos sa buong araw na pakikipagsapalaran sa mundo. Tinitiis nila ang lamig sa lansangan tuwing sasapit ang kadiliman. Maghahanap ng lugar kung saan pwede sila magpalipas ng gabi. At upang makatakas kahit sandali sa hirap na nararamdaman. Ngunit minsan ay kahit na madilim na ang gabi at tahimik na ang lahat hindi pa rin natatapos ang kanilang pakikibaka sa buhay dahil ito naman ang oras kung saan mapag iisip nila at mas mararamdaman kung gaano sila kaiba sa ibang normal na bata.



Marahil ay naitanong na ng mga bata sa kanilang sarili kung bakit ganoon ang kanilang pamumuhay, na sa dinamidami ng tao sa mundo bakit isa sila sa nakakaranas ng ganoong kahirapan.



Oo nga naman. Bakit ang mga batang walang kamuwang muwang ay naranasan ang ganoong buhay pagkalabas nila sa sinapupunan ng kanilang ina.


Hindi natin mapipili ang buhay na gusto natin na maranasan, ngunit magagawa natin itong baguhin sa pamamagitan ng pagsisikap.


Kaya maswerte tayong mga hindi nakaranas na mamalimos sa kalye. Hindi nakaranas na pandirihan ng mga mapagmatang tao at mapanuring mga mata.


"Bakit nga ba naisipan ko isulat ang tungkol sa mga batang kalye?"


Sapagkat nais ko ipabatid sa mga taong hindi nakikita ang tunay na loob ng mundo na may mga taong nangangailangan ng tulong. Mga batang naghihintay na matulungan. Oo nga't may mga batang iba na pag uugali ( masasama na) ngunit ito'y dala lamang ng kahirapang nararanasan nila. Maitatama pa ang mga mali. Hindi ito nakikita ng mga taong nasa itaas o yung mga taong nakakaranas ng maginhawang buhay. Minsan sana'y subukan nila na pumasok sa mundo ng mga batang kalye. Upang maintindihan ang tunay na kahulugan ng buhay,kaligayahan at pagmamahal.


Patuloy silang lumalaban para mabuhay at makahanap ng kaligayahan at pagmamahal.


Karamihan sa atin ay dumaan sa kahirapan ngunit mas tingnan natin ang kalagayan nila kaysa sa atin. Masasabi mong maswerte pa rin tayo kaya anumang magandang nangyari sa buhay natin,matutunan natin na ibahagi ito.


Kahit sa simpleng bagay lang tulungan natin sila.
Kahit sagutin natin yung isang araw nila para mabuhay sila.

5 nag effort bumasa:

DRAKE said...

Minsan nakakalungkot isipan na maaring nasa batang kalye na ito ang susunod na presidente na mag-aahon sa atin sa kahirapan.

Pero baka di mangyari yun dahil baka maaga din silang pumanaw sa mundo

Nga pala na add na kita! Dalaw ako dito palagi! Ingat

darklady said...

Oo nga e, kung ang lahat ng mga mayayaman ay tutulong malaking ginhawa ito para sa mga mahihirap lalo na sa mga bata pero mas malaking tulong kung ang mga magulang pa lang ng mga bata ang tutulong sa kanilang sarili sa pamamagitan ng kapag hindi nila kaya ang pagkakaroon ng maraming anak huwag na nila ito mas padamihin pa..


wow! maraming maraming salamat sa pag add..
at maraming salamat sa pag dalaw.=)

Tiradauno said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Rhosze said...

i believe there still tomorrow for the future generations.
thank you for sharing this to us.

buhay kalye promos philippines