Saturday, February 13, 2010

Sa letrang "B"... Bingo!!!!!




Anong meron bukas?...


Araw na pala ng mga Puso. Sa totoo lang akala ko next week pa ang Feb.14. Nawala na sa isip ko. At kung hindi lang dahil sa Bingo cards hindi ko maaalala na "Ui feb. 14 na pala sa sunday" ( e ano naman?!).


Naalala ko lang ito dahil siningil kami sa Bingo cards na binigay sa amin sa school. Oo tama kayo sa inyong nabasa. Bingo sa school!!. Malapit na kasi ang sports fest at nag fund raising sila para magkaron ng budget ang mga players. Ang naisip nila " bingo!!"



Hindi ako sanay mag bingo kahit ito pa ang paboritong libangan ng mga mamamayang Pilipino. Pero kahit hindi ka sanay obligado ka bumili ng pagkamahal mahal na bingo card. P25.00 isa pero dapat dalawa bilin mo kaya P50.00 yun. ( sayang pang kain na din yun).


Kaninang umaga nagsimula ang laro sa eskwelahan. Limang round yun pero dalawang round na lang naabutan ko kasi naman...( wala lang type ko lang).


Pagdating ko sa eskwelahan aba parang palaruan talaga ng bingo ang itaas namin. Hanggang hagdan may nakaupong estudyante at hawak hawak ang bingo card habang nagsisimula ng magsalita ang Bingo Master. At syempre ako naman nakiupo na rin,nagbabakasakali na manalo. Na sa totoo lang gabi pa lang inisip ko na kung ano gagawin ko sa mapapanalunan kong pera. At ang naisip ko......( Aayain ko mga dabarkads kong klasmeyt na kumain sa Jollibee, at ang oorderin ko ay yung super meal. Hmmm...sarap! )



Sa pang apat na round P1,000.00 ang mapapanalunan. Hindi ganon kaganda naging laro ko dahil panget yung card na napunta sa akin (sinisi ang card). Kaya ang pag asa ko na lang ay ang pang lima o ang pinaka huling round na doble ang premyo. At nagsimula na sa pagsasabi ng letra at numero. Sa una hayan maganda ang aking mga numero lahat ng sabihin meron ako. Naghahabulan ang dalawa kong card na matapos. Hanggang yung isa napag iwanan na kaya yung isang card na lang ang pag asa ko. Minsan nabibingi pa ako kaya tinatanong ko sa klasmeyt ko yung numero na sinabi. Hanggang sa dalawa na lang ang kailangan ko para mabingo na. Punuan kasi ang labanan. At hayan nasasabik na ako na manalo. Hanggang sa hayon!!!!! May nagtatalon na sa harap at sya ang nakabingo. P2,000.00 ang napanalunan nya sa punuan. Haays..sayang...akala ko pa naman makakakain kami ng mga dabarkads ko sa Jollibee at makaka order ng super meal ( Yun pa naman ang gusto ko kainin dun kasi tuwing pupunta kami dun gumagamit lang kami ng C.R o kaya pag sinuwerte at oorder kami e yung 39'ers pa.





Pero talagang ganon ang buhay, minsan may nananalo minsan may natatalo. Gasgas na ang linyang ito pero totoo naman yan. Minsan sugalan lang talaga pero kapag palagi ka na talo mag isip ka na. At hindi rin natin dapat hintayin ang lahat sa sugal, in short huwag umasa sa sugal. Kung may gusto tayong makuha paghirapan natin. Kaya ako kailangan ko pang mag ipon para makakain ng super meal sa Jollibee. ( promise babalikan ko yun! ) =) babaw lang ng kaligayahan!!

6 nag effort bumasa:

DRAKE said...

Life is full of suprises! Hindi mo alam kung mananalo ka o matatalo. Pero at least sinubukan mo. Kumbaga paano ka magtatagumpay kung hindi ka makikipagsapalaran!

Miss ko rin ang Jollibee!hehhee

Ingat

kikilabotz said...

goodluck na lang nxt time. swertihan lang naman yan eh. hehe

choknat said...

sang skul yan, ganyan din sa skul namin may nagbebenta ng bingo cards. at next week sportsfest din. hehe

darklady said...

@ Drake

Oo nga korak ka dyan may tama ka!! At first time ko pa lang din naman naglaro ng bingo e.hehe
Hindi lang pala ako ang nangangarap kay Jabee..hehehe
Salamat sa pagdalaw.


@ Kikilabotz

Next time mananalo na ako,mandadaya na ako.hehehe (joke)
Salamat sa pagdalaw.


@ Choknat

Baka same pa tayo ng school noh? at baka pati branch.hehehe. Bubulong ko sayo yung school ko...***** ^^
Salamat sa pagdalaw.

kayedee said...

gnun tlga ang sugal prang lyf! hmmmm.. hnd ba baliktad? hehhhe.. i min ang lyf prang sugal.. hahha.. basta un n un!

hapi puso nlng sau new fren :)

darklady said...

@ Kayedee

Salamat sa pagdalaw sa aking blog.
Happy hearts day din my new friend..=)
Salamat ulit. Hanggang sa muli