Thursday, February 18, 2010

Sportsfest+ kainan+gala-gala= Sarap Buhay

Kahapon nagpunta kami sa Marikina Sports Complex dahil doon ginanap ang aming Sportsfest. At tulad ng madalas na pangyayari nauuna na naman ako sa meeting place namin ng mga klasmeyt ko at maghihintay na naman.haay buhay!


At nakarating kami sa marikina na tapos na ang parade. Buti nalang naabutan namin ang pagsisimula ng cheerdance. Pagkatapos ng cheerdance nag lunch na kami.( O diba sarap buhay katatapos lang manood ng kaunti lunch na kaagad)

Sa riverbank kami kumain. Dapat sana sa SM Marikina kaso mahal daw pamasahe kaya sa riverbank na lang.( Actually hindi ko nga alam yung pinuntahan namin kasi noon ko lang yun napuntahan. Basta sumunod lang ako sa mga klasmeyt ko.hehehe).


Dyan kami kumain.At talagang mabubusog ka dahil unlimited rice.Hmmmm sarap!!.

Kaya nga pala tabingi ang pagkakakuha ng picture dahil tabingi din yung pwesto ng nag picture.Klasmeyt ko nag picture nyan kasi naghugas ako ng kamay dahil kinamay ko na yung chicken.hehehe




Heto naman yung kuha kong larawan mula sa aking plato. Actually round 2 ko na yan ng rice.Nun ko lang naisip kuhanan ng picture kasi noon lang pumasok sa isip ko na gusto ko kayo inggitin.=)




Heto naman ang kamatayan ng chicken..=) Parang binagyo lang yung plato diba?


Pagkatapos namin mag lunch naglibot libot lang kami at bumalik na sa sports complex. After manood ng ilang laro umalis na kami para umuwi este maglibot. Nagpunta kami Gateway,tapos Trinoma bumili ako ng pillow dun at pinalagyan ko ng name (anong name?secret!!! =) ) tapos Sm North at doon kumain ulit kami.



Naghanap ako ng bandang tagong lugar para naman mapikturan ko ang aking kakainin. Kasi naisip ko na naman kayo na inggitin.chowpan lang naman! Pero kahit na lamang tyan din yan at talagang lalong gugutumin ang mga gutom na nagbabasa ngayon.






Hays nagugutom na naman ako ngayon.
In fairness ang saya ng lakad ko kahapon kahit na sa kabilang side ng aking emosyon ay may kalungkutan..naks EMO?hehehe

6 nag effort bumasa:

manik_reigun said...

nakakagutom naman to! peyborit ko rin ang inasal.libre sabaw pa. yahoo!

darklady said...

Thanks po sa pagbasa..^^

DRAKE said...

Nice ang dami nyong napuntahan at ang dami nyo ring kinain ah!

Ingat palagi

darklady said...

Hehehe sa pamamasyal hindi pwedeng mawala ang pagkain. =)

Ingat din po..

Fine Life Folk said...

i'm happy for chicken inasal kasi mabilis syang umunlad

darklady said...

oo nga saka ang sarap talaga dun.pinoy na pinoy ang dating..salamat sa pagbisita sa aking blog.