Wednesday, February 17, 2010

Isa sa maituturing kong kaibigan

Hello!!! Nabakante ang pag popost ko sa blog ko ah. Ano ginawa ko? Heto kumain lang ng kumain. ^^


Hays sarap talaga kumain. Isa sa pinaka masarap gawin sa buhay. Kaya heto ako ngayon nadadagdagan na ng taba. Tumataba na ako!!!!


At paano ka ba naman hindi mananaba kung kadalasan ay pagkain ang nakikita mo. Hindi lang sa bahay maging pati sa eskwelahan.


Ito yung una naming niluto,ang baked mac. Isa sa pinaka paborito ko dahil dyan ako may pinaka maraming nakain.(sarap!!)


Maging sa tour namin natakam ako sa mga pagkain na nakita ko kaya panay picture lang kami kasi sobrang ang sarap talaga,sa tingin pa lang.


Heto yung ilang larawan na nakuha namin nung umatend kami sa GASTRONOMIA ( A Hotel and Restaurant Management Workshop and Culinary Skills Competition.)




Sabi nila tingin pa lang nakakabusog na pero bakit ako mas nagugutom pag nakita ko? Ang pagkain talaga ang maituturing ko na isa sa kaibigan ko. Dahil kapag masaya ako kain lang ako lalo na kapag malungkot ako. Wala syang reklamo na samahan ka anuman ang mood mo. ( yung bulsa mo lang magrereklamo lalo na yung tyan mo kapag napa sobra. )


Kilala nga tayong mga pinoy bilang isang food lover ( naks parang dog lover lang ^^) Kaya nga kahit saan ka magpunta may mga kainan. Kumbaga mawala ka man siguradong may makakainan ka siguraduhin mo lang na may pera ka.





P.S

Kung tatanungin nyo ako kung paano ang preparation sa pagluluto ng mga nasa larawan ang sagot ko " Hindi ko alam". Nag picture lang kami dyan at hindi kami ang nagluto. ^^

7 nag effort bumasa:

Jam said...

Sis..natakaw naman ako sa nakita ko hahaha! Lam mo bang pangarap kong maging chef kaya lng d pinalad na makakuha ng ganung course mahal e! kya sobra kong nagustuhan ng presentation na kinunan mo..kahit tulo laway ko hahaha!

choknat said...

engeng baked mac. gusto ko rin nung may shrimp. pero, putek! kakahika ang hipon. haha

DRAKE said...

Nung tiningnan ko yung picture hindi naman ako nabusog dahil.......kay kokonti ng servings!heheh

Chef ka ba?

ingat!

darklady said...

@ Jam

Oo nga e katakaw talaga nung makita ko man yung mga yan grabe nagutom ako. Nagsalita ang aking alaga sa tyan kaya dinaan ko na lang sa pag picture.hehehe


@ Choknat

Hehehe ubos na baked mac e, nung magluto kami nyan dami servings na nangyari kaya busog kami at hindi na nag lunch pa.hehehe

@ Drake

Hindi ka ba nabusog? Hehehe..pampa diet daw kaya konti servings. Para ma maintain pa rin natin ang kaastigan ng ating figure! hahaha..

Yung course ko may halong HRM, pero hindi pa ako chef kasi mas sanay lang ako kuamin..hahahaha

kikilabotz said...

matamis nanaman? hahaha. kakagutm talga. mahal siguro isang servings nyan noh? ahehe. mukha talgang masarap

darklady said...

@ Kikilabotz

Oo ,mahal nga yung mga ganyan khit konti. presentation pa lang sarap na!! ^^
Salamat sa pagdalaw..

Tiradauno said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/