Sunday, February 14, 2010

Lab..Lab..Lab...Lab..





Naglalagablab ang araw na ito ah! Puro usapang " LOVE".




Kamusta naman ang araw nyo? Saan kayo nagpunta? Este ang unang tanong pala muna ay kung may ka date kayo? O kabilang ko lang din kayo na nagbutas ng upuan at panay ang kain lang habang nag iinternet?




Para sa mga nagkaroon ng ka date ngayong araw. " E di kayo na may ka date, ako na wala."

Para sa mga nabigyan ng tsokolate. " Mamigay naman kayo".

At para sa mga nagbutas lang din ng upuan. " Hayaan nyo may next year pa, at least tayo hindi na expose ang kagandahan/ kagwapuhan sa labas."




Pero ang katotohanan hindi naman tayo dapat maiinggit sa mga nagkaroon ng ka date. Dapat nga mas matuwa pa tayo kung aayain tayo na lumabas ng ating mga jowakers kapag hindi valentines day ibig lang sabihin nun wala syang budget ngayong valentines este araw araw sa kanya ang pagpapakita ng pagmamahal sayo wala ng hihintayin pang buwan at araw para lang mailabas ka.



Tandaan na ang pagpapakita at pagpaparamdam ng pagmamahal ay hindi kailangang may oras o araw pa. Kahit kailan kahit anong oras maaari natin iparamdam ang pagmamahal natin sa isang tao.( isang tao lang huh!) special mention for the boys!! naku!.



Masarap magmahal at mas lalong masarap ang mahalin. Kung single ka naman huwag ka mag alala darating din yung para sayo. Siguro hindi sya para sayo kaya hindi kayo (natural). At kapag dumating na yun don't worry sayong sayo na. Itali mo pa! =)

7 nag effort bumasa:

bosyo said...

napasilip lang,,happy valentines

darklady said...

Salamat sa pagdalaw..=)

Jam said...

I agree sa cnb mo kung hndi pra sayo kahit itali mo pa makakawala at makakawala yan..kabilang ka rin pala sa gang ng nagbutas ng upuan yest..like me hahaha..anyway d nmn nauubos ang valentine db? Uy sis salamat sa pagdaan sa tambayan ko...Ingats..

DRAKE said...

Mayroon ka pang 364 days para makahanap ng date ika nga! Ang Valetines Day ay magandang pagkakataon lang para sa mga NEGOSYANTE!hehehe

ingat

darklady said...

@ Jam

Kaya pala nakabantay ka din sa blog mo kahapon dahil wala ka din ka date.hehehe
At ayos lang din yun,araw araw naman valentines lalo na kapag madaming nagmamahal sayo.=)
Salamat din!


@ Drake

Salamat ulit sa pagdalaw mo dito.=) Oo nga e madaming pang araw na dadaan mang haharass na ako.whahahaha (joke).

Ingat din..

KESO said...

At kapag dumating na yun don't worry sayong sayo na. Itali mo pa! =)


--hahha. ntwa nman ako dto. lol, oo tma, pg nkita ko na yung mgmamahal saken ng bongga, itatali ko na sa ktwan ko. hihi


salamat sa pgdalaw

darklady said...

hehehe oo tama yan. ikadena mo na..hehehe
salamat sa pagdalaw..=)