Tuesday, April 6, 2010

Patawad po!


Ang hirap na talaga kumita ng pera kaya kailangan humanap ng trabaho at magtipid.
At kaninang umaga sumabay ako sa step dad ko na magpunta ng Bayan para makalibre ng pamasahe.

Naghanap ako ng mahahanap.

Kasama ko ang klasmeyt ko naghanap kami ng mapapasukang trabaho ngayong summer.

At ang una naming pinuntahan ay ang La FAMILIA.
Sumakay kami ng tricycle dahil malayo din ito.
Tinanong namin si manong driver kung magkano ang pamasahe.

Driver: P30.00
Ako: Ay ang mahal, P10.00 lang po isa.
Driver: Sige P 25.00 na lang.
Nagkatinginan kami ng klasmeyt ko pagkatapos ay akmang aalis.
Driver: O sige na nga P10.00 na lang ang isa.

(oh diba makukuha din pala? E kasi naman P10.00 lang talaga, akala nila makakaisa sila).

At nang makarating na kami doon pumasok na kami at hinanap kung saan pwedeng magpasa ng resume. Todo ngiti pa kami pagkaraa'y sinabi.

Ms.: Sorry ah pero wala ng bakante, napuno na kasi kami dahil marami ang nag OJT.

Hayun patay! wala na pala bakante.
Pagkaraa'y naisipan namin na magpunta sa kabilang super market.
Naglakad na lang kami dahil kailangan magtipid. At habang naglalakad kami para kaming artistang pinagtitinginan ng mga nagdadaang sasakyan. Sabi ko sa klasmeyt ko " E bakit anong masama sa paglalakad sa highway e sa wala tayo pamasahe." At natawa na lang sya kasi totoo naman. Walang masama doon. Isa pa nakagilid naman kami para hindi masagasaan.

At nakarating na nga kami sa supermarket.
Wow ang lamig na! Napaka init kasi sa labas.
Habang nasa loob kami nag ikot muna kami pagkaraa'y nakakita ng hiring. Nagtanong kami tungkol sa hiring at ang sabi regular work yun. Wala sila ng pang summer. Kaya lumabas kami na sawian.

At nung lunch time na doon kami kumain sa bahay ng kasama kong klasmeyt dahil sabi ng nanay nya doon na ako kumain sa kanila. At syempre nag tricycle ulit kami dahil malayo layo din yun. Isa pa baka maging neg-neg na kami. At tulad ng nauna tumawad ulit kami sa tricycle. At madaling kausap si manong pumayag sya sa price na sinabi namin.

Pagdating ko sa bahay nila kumain na kami at namahinga. Pagkatapos ay nagpaalam na ako dahil pupunta ako sa bahay ng klasmeyt ko nung highschool day off nya sa trabaho kaya papasyalan ko sya.

Hindi naging madali ang pag aabang ko ng masasakyan, kitang kita na ako ng araw ay hindi pa rin ako makasakay. May humihintong sasakyan kaya lang ang mahal mahal ng singil nila. At bandang huli hayun may isang manong na nakipagtawaran na naman. Para deal or no deal ang nangyari at bandang huli nagkasundo rin kami sa presyo.

At sa wakas nakarating ako sa bahay ng kaibigan ko at dumating din yung isa pa naming kaibigan. Ang ginawa namin foodtrip at sila bumili ng red horse. Pinapainom nila ako pero ayaw ko talaga dahil hindi ako umiinom.


At iyan na ang nangyari sa aking araw.
Bakit PATAWAD PO ang title ng entry ko?
E kasi naisip ko puro tawad ng pamasahe ang inabot ko.hehehe.
Hanggang dito lamang po..^_^

13 nag effort bumasa:

Rah said...

subukan mo mahanap ng work online. maraming magagandang jobs, gawa ka lang ng magandang resume, at portfolio narin kung kailangan. :) Good luck sa paghahanap ng trabaho. Wag mo isipin yung pera, darating at darating yon, basta iexpect mo lang :D

choknat said...

galing tumawad ah. hehe

nagdala ba kayo ng payong? sabi sa news lagi raw magdadala ng payong ngayon kasi masyadong mainit.

goodluck sa inyo ng friend mo, diba nga, pag tyaga may nilaga. :D

Dr. Gino C. Matibag said...

nice entry, darklady. akala ko pasko. pero tawad pala iyon. nasubukan mo na ba yung mga online writing jobs? tulad ng http://academia-research.com/index.htm

kung hilig mo, pwede mong subukan.lots of luck.

glentot said...

OO online ka maghanap, mas konti ang puhunan mos a effort at mas matipid kasi hindi ka mamamasahe and the best part is, pagdating mo dun, for sure may naghihintay sayong mag-iinterview... mahirap talaga magbakasakali at magwalk in... Good luck sa job hunting!!!

kayedee said...

ang sipag u tlga mare!!! wla aq ma say.. ingt k plge en gudluck sna mkhnap u ng work u :) halabshu!

Arvin U. de la Peña said...

nagagandahan siguro sa iyo kaya nakakamura ka ng pasahe,hehe..

darklady said...

@ Rah

Salamat..^_^ Sige subukan ko yun.

@ Choknat

Kinakailangan e.hehehe.
Hindi nga kami nakapagdala ng payong.

@ Dr. GIno

Salamat!! ^_^ Sige masubukan nga iyon. Salamat ulit..

darklady said...

@ Glentot

Salamat at napunta ka dito sa blog ko.^_^
Sige susubukan ko yun, balita ko nga marami ang kumikita talaga sa ganon.

@ Mareng Kayedee

Tsalamat!! ^_^ Kailangan kasi ng work ang hirap ng naka bakasyon ka nga kaso waley budget! Hindi tuloy maka gala.hehehe

DRAKE said...

Oo nga mahirap ngang magbakasali! Try to apply online tulad ni Glentot, or kaya magtanong sa kakilala mo baka may irerefer silang trabaho para sa iyo.Hehehe

Basta try and try lang, kumbaga pag walang tyaga walang sinigang (bwisit sang korni ko)

Ingat

KESO said...

ang sipag mo te, alam mo nghanap din ako ngayon ng summer job, wala din ako mahanap. tsk. at gusto ko itry yang tawad tawad, kaso grbe mga tricycle drver dito, kumbaga, take it or leave it. walang tawad. pero baka madaan sa charm, tulad mo. ayieeee.

darklady said...

@ Kuya Drake

Salamat, hehehe oo nga. Speaking of sinigang ginugutom mo ako sa sinabi mo.hehehe.

Ingat din.. ^_^


@ KEso

May ilang driver na nakukuha sa mabuting usapan meron namang hindi. hehehe. At kung charm lang ang hinahanap e panigurado walang wala ako nun. ^_^

Michael Jay Mesa said...

reyna ng tawad...yung kakilala ko..inaaway nya yung mga mahal kong maningil..wahahah...

darklady said...

@ Michael

Kapag alam ko talaga ang pamasahe at naningil sila ng mahal e talagang makikipagtawaran ako lalo na kung walang pera. pero kung tama naman yung pamasahe nyang sasabihin e hindi ko sya pagkukuriputan.hehehe