Saturday, April 10, 2010

Init Sa Tag-init


Grabe na to!! to the highest level ang init ngayon! Nakangiting mabuti ang araw kapag lumabas ka ng bahay. At kahit magtago ka kitang kita ka pa din.

Super init noh? Kaya lahat ng init lumalabas pati init ng ulo naglalabasan ngayong summer. Natahimik ako ng ilang araw. Dahil iyon sa init dahil kapag sobra init hindi ako makatagal sa computer o sa t.v, sumasakit kaagad ang ulo ko kaya medyo nagpahinga muna ako.

At dahil sa sobrang init ngayon kailangan nating uminom ng maraming tubig. At may i share lang ako sa inyo.Habang nagbabasa ako kahapon nung bigay ni chef sakin na copy ng aklat nabasa ko to.Na ang recommended na 8 glass of water a day ay hindi rin sapat sa isang tao lalo na kung sya ay isang atleta o mahilig mag exercise at sobra naman yung ganoong bilang ng baso ng tubig para sa mga matatanda at sedentary adults o matatandang nakaupo lang.

May karampatang pangangailangan lang ng nutrients ang ating katawan. Depende din ito sa ating edad at sa kung ano ang ginagawa natin sa araw araw.

At bumalik muli tayo sa usapang tag-init. Dahil tag-init ngayon mas madaling masira ang pagkain at sikat na sikat si food poisoning. At para maiwasan ito kinakailangan natin na mas maging maingat sa paghahanda ng pagkain, kabilang na dito ang always na always sinasabi sa atin ang maghugas ng kamay bago ka magluto. O kung hindi ka magluluto at ika'y kakain lang dahil senyorito/senyorita ka maghugas ka pa din ng kamay. At huwag din natin iuso ang No 5 second rule. Yun tipong nalaglag na tapos pupulutin pa dahil wala pa namang 5 minuto este segundo. Actually madalas ko nga yan ginagawa lalo na kapag walang nakakakita sayang din kasi e pero Big No yan. ^_^

Sabi ng prof. namin may ilang bacteria na mas mabilis dumami kapag tag-init. Diba minsan may mga pagkain tayong iniinit para mawala yung bacteria pero may ilan din na gustong gusto ang init. Nakikiliti lang sila minsan sa ginagawa nating pagpapainit sa kanila. Kaya bago kayo mag init ng pagkain itanong nyo muna kung sinong bacteria sila. Interviewhin nyo muna ba. At ang pinakahuli dapat maglagay kayo ng serving spoon sa bawat pagkain dahil baka makilala nyo si cross contamination.Ang cross contamination ay nakukuha natin sa pag peprepare ng food. Kumbaga tayo na ang gumagawa sa kanila para mabuo. Madali din mapanis ang pagkain kapag halo halo yung kutsarang dumadapo sa kanya. Kaya dapat may kutsara ang bawat putahe na inyong ihahain.


Yan lamang po muna sa ngayon ang aking ibabahagi ngayon. Sana ay may naitulong ako kahit ga kulangot lang. Hays sobra init!! Gusto ko na mag swimming!!! Yung mga kapitbahay namin nag aalisan na para magpunta sa resort samantalang ako heto at naiinggit.. Kapag nag swimming ako mag be' bathing suit ako!!! whahahaha.. ( baka lalong hindi matuloy) ^_^


16 nag effort bumasa:

Michael Jay Mesa said...

super init nga talaga kasi paglabas ko pa lang..nagmelt na agad ang wax sa hair ko..huhuhuhu...pede na xa maging petroleum jelly pampahid sa sole ko..huhuh...

kayedee said...

naks naman! teacher Mareng dark! Ahaha..
Ayun oh swim suit.. two piece iha pra in! Hehehe.. Kya pla nanahimik k ng ilng arw e! un LNG pla magpapatahimik sau e, ang init! Ahahah

roanne said...

ung bacteria present sa everyday living... dapat palakasin ang immune system para hindi tayo dapuan ng sakit.

DRAKE said...

At dahil na rin sa mga bacteria na yan tuwing tag-init lalong lumalakas ang kanilang putok at anghit.

Ganyan talaga pag tag-init maraming amoy ang lalabas!hahah

Ingat

choknat said...

na-iimagine ko ang mga nakikiliting bacteria, natatawa ko. hehe

ay ang galing, may naipasok na naman ako sa utak ko. :D

masakit nga ulo ko ngaun dahil sa ineeeeeeet. argh!

darklady said...
This comment has been removed by the author.
darklady said...

@ Michael

Kaya nga ako hindi naglalagay ng pamahid sa buhok kasi ang lagkit kapag nainitan kaya ang labas ng buhok ko "mahangin ba sa labas".hehehe


@ Mareng kayedee

Baka mag ahunan lahat ng nasa pool kapag nakita ako naka two piece.hmmmm..no piece kaya?hehehehe.

Oo nga e, init lang pala katapat ko.hehehe

Ingat mare.^_^

darklady said...

@ Roanne

Yung good bacteria ayos lang sa katawan natin pero ang bad bacteria ang dapat iwasan. Kaya tama ka dapat palakasin ang immune system.


@ Kuya Drake

Korak! marami ang pumuputok kapag summer! grabe! ang lalakas ng iba.hahaha..kaya todo rexona dapat! at syempre palaging maligo..^_^

darklady said...

@ Choknat

Para silang kinikilig..parang inlove ganon sila..hehehehe..

Uu nga sarap ibato ng ulo noh dahil sa init..hayz..

Ghie said...

Ganun na ba kagrabe init dyan para mapatahimik ka hahaha! oist..go k lng sa outing sayang bakasyon di mo ma eenjoy...

Rah said...

Totoo yan, sobrang init talaga, pag naliligo nga ako minsan, parang may heater eh. El nino na to.

an_indecent_mind said...

thanks for the informative post!

dalaw lang

KESO said...

naks. may ntutunan ako, at ipgkakalat ko ulit yung natutunan ko hehe.

Arvin U. de la Peña said...

super init nga talaga ngayon..pati ang tao mainit ang ulo tuloy minsan..hehe..dapat ang pag kain ay ubos ubos..walang tinitira,hehe..

darklady said...

@ Ghie

oo nga e yung init lang makakapag patahimik sa akin. Gusto ko na nga mag swimming kaso matagal pa e..kakainip na nga..hehehe


@ Rah

Sobra grabe! hindi mo na kailangan magpa init ng tubig kasi pag open mo pa lang ng gripo mainit na kaya paglabas mo ng banyo parang gusto mo ulit maligo dahil parang sandali lang mainit na ulit

darklady said...

@ Incident mind

Salamat din sa pagdalaw


@ Keso

hehehe. talagang ipagkakalat ah..salamat


@ Arvin

Tama! pinakamainam talaga na ang pagkain ubusin na para wala ng masira at kung diet naman ang dahilan e wag na lang kumain.hehehe.

salamat sa pagdalaw.