Monday, April 19, 2010

Suntukan Tayo oh!!


Palaaway ka ba?


Peace! Tinatanong ko lang naman e. Masyado kang high!

Kanina habang wala ako magawa naisip ko halungkatin ang isip ko kung may nakaraan ako na naging boksingero ako o palaaway. Pero wala naman masyado. Hindi kasi ako mahilig sa away. Behave lang ako nung bata ako.


Nung grade 1 ako bukod sa natae ako sa school may isa pang nangyari sa akin na hindi ko makakalimutan kinurot ko lang ng sobrang nipis sa braso yung klasmeyt kong lalake. Kaya hayun ngumawa sya dahil lapnos ang braso nya na inaalagaan ng nanay nya. Sukat ba namang tusok tusukin din ako ng lapis kaya nainis ako yan tuloy napala nya.

At nung grade 6 naman ako sinampal ko ng ubod ng lakas yung klasmeyt kong lalake. Dahil masyadong madaldal, kung ano ano sinasabi sakin e hayun napuno ako. Kaya tumayo ako para bumwelo at saka ko sya sinampal ng ubod ng lakas. Kaya natulala sya pati mga klasmeyt kong nagkkwentuhan. After nun saka lang ako natauhan buti na lang wala dun yung teacher namin. Kundi baka guidance ang bagsak ko.

Yung dalawa lang naman na yun ang natatandaan kong masamang ginawa ko sa klasmeyt ko. Masyado lang akong napuno kaya naranasan nila na maging dragon ako. Hindi naman kasi talaga ako palaaway. Ang totoo nga nyan ayoko ng away, pero ang away ang lumalapit sa akin.


Grade 5 naman ako nung bigla akong sugurin ng magbabarkadang babae na grade 6. Sila ang kilalang siga sa eskwelahan namin kaya natakot talaga ako nung lumapit sila sa akin. Akala ko kung ano gagawin sakin pagkatapos biglang sinabi na " kausapin mo yung isa namin kaibigan, kasi akala nya nililigawan ka ng bf nya." Napa "hah?!!" ako hindi ko kasi talaga alam kung ano gagawin ko. Masyado akong nabigla sa sinabi nya. Kaya kahit hindi dapat e nagpaliwanag ako dun sa babae. At sinabing hindi ako nililigawan ng bf nya, hinarang lang ako nung dumaan ako dahil nanloloko pero wala yun.

At nung Grade 6 din nag away yung dalawa kong klasmeyt na babae. Sa pagkakatanda ko ako yung kaaway ng isa tapos pinag tanggol lang ako nung kaibigan ko at dahil sa sobrang tapang nya ayun sila na ang nag away. Hindi ko matandaan yung pinag awayan nila e.

At ang pinaka huli, sa text naman. Yung klasmeyt ko nung highschool nanliligaw sakin. Pinadalhan nya ako ng load tapos binalik ko sa kanya. Dahil ayaw ko naman sa kanya. Tapos maya maya bigla may nagtext gf daw sya nun. Pero pakiramdam ko hindi yun ang gf nya, pakiramdam ko yung klasmeyt ko lang din na yun. Maraming sinabi sa text at dahil umusok na ako sa galit nireplyan ko na at pinaniwala ko na lang ang sarili ko na gf nga nya yun talaga" Wala akong gusto sa bf mo, sayo na sya kung gusto mo. At huwag mo sya pakawalan, itali mo pa." Yun ang sinabi ko dahil sa inis na ako. At pagkatapos nun wala na akong text na natanggap.



Hay kakaloka noh! Minsan talaga kahit lumayo ka lalapit at lalapit sayo ang away. Ako hangga't maaari umiiwas ako na makipag away dahil hindi maganda e. Parang ako din ang masisira sa ginagawa ko pero kapag sobra na yung ginagawa at napuno na ako. Ay naku gora na!!





P.S
Hindi pa naman ako na guidance sa mga ginawa kong yun.^_^

9 nag effort bumasa:

Rah said...

nung grade 1 ako. natae din ako sa school. Hindi ko alam pero yun yata ang first time na nagkakilala kami ni LBM. Ang sarap lang isipin na once in my life, tumae ako sa shorts ko. Akala ko, yon na ang last time na mangyayari yon. Hindi pala. Meron pa palang masmalupit, mas masaklap, at mas kahindik hindik :P

Renz said...

" Wala akong gusto sa bf mo, sayo na sya kung gusto mo. At huwag mo sya pakawalan, itali mo pa."

BASE!

mjomesa said...

wow...Amazona ka nga by blood. Hahaha..

glentot said...

Maraming salamat sa picture greeting!!!

choknat said...

mahirap ka pa lang galitin, baka mangurot. haha

Arvin U. de la Peña said...

tama ka na ikaw na lang ang umiwas sa away..

darklady said...

@ Rah

Ano ba yung mas kahindik hindik pa na nangyari? For sure hindi ka nakalimutan ng mga klasmeyt mo diba?hehehe


@ REnz

Hehehe..salamat! ^_^


@ Mjomesa

Hmm..medyo lang naman...hihihi

darklady said...

@ Glentot

Welcome!!


@ Choknat

Now hindi na, nanununtok na! hehehe


@ Arvin

Oo nga e, salamat! ^_^

roanne said...

nasuntok ko ung bestfriend ko nung bata... hinabol ako sa bahay nung tatay kasi nagdugo ung ilong nung anak nya hehe.. naglock ako ng bahay higante kasi ung tatay nya.. takot ako