
April 12,2010, Monday morning may isang pagkalakas lakas na ring ng phone ang gumising sa akin. At sa akin pala yun. May tumatawag at hindi ko alam kung sino dahil number lang nakalagay, naisip ko baka work yun. Dahil posibleng mga kaibigan ko tumawag sakin dahil hanggang miskol lang yung mga yun. May sakit sila kapag tinawagan ako. At nung sagutin ko ang tawag...
Ako: Hello
Kausap ko: Hellu
( Boses ng lalake)
Ako: Sino to?
Kausap ko: Kilala mo si giselle?
Ako: Giselle? hmmm..hindi.. ( sagot kong hindi man lang nag isip, pano ba naman tulog pa isip ko.)
Kausap ko: Yung klasmeyt mo, hindi mo kilala?
Ako: Giselle..giselle...ahh..oo naalala ko na..( tagal gumana ng isip ko)
Kausap ko: Kuya nya ako. Naiwan nya kasi yung sim nya kaya nalaman ko number mo.
Ako: Ahh.. e ano nangyari sa kanya? kamusta na si giselle?
Kausap ko: Nag-asawa na yata.
Ako: huh? nag asawa?
Kausap: Oo, nga pala lady name mo diba? Ano surname mo?
Ako: Garcia
Kausap: Ako nga pala si....( hindi ko kasi maintindihan yung name nya kaya nakalimutan ko kaagad.)
Kausap ko: Ilan taon ka na?
Ako: 19
Kausap ko: Ako 21..
( sa isip ko, ok hindi ko naman tinatanong.hehehe. taray!)
Kausap ko: Taga saan ka?
( Naisip ko, iba na to ah..parang tuluyan na akong nagising. Nabubuhay na naman ang dugo kong taray queen.)
Ako: Iba na yan kuya ah..dyan lang sa tabi-tabi..
Kausap ko: Sige nga, ano nga? Ako meycauyan. Nga pala 5 mins. lang tong tawag ko ah. Wala na kasi ako load, pwede ba makipag textmate? Mag load ka para text text tayo
Ako: Hindi e, hindi ako nakikipag textmate saka hindi na ako nag lolowd.
Kausap ko: Hehehe..baka masira cellphone mo nyan hindi ka nag lolowd.
Ako: Ayos lang na masira. (seryoso)
Kausap ko: Ahh..hehe bakit ka natatawa?
Ako: Ako tumatawa? hindi kaya..( heller! seryoso ko tapos naririnig nya ako tumatawa? may mumu ba syang naririnig?)
Kausap ko: Nga pala baka minsan gusto mong makipag kita sa akin, kita lang naman wala naman masama e.
Ako: Ayoko. Hindi ako nakikipagkita ( sa loob loob ko "natatakot ako sayo")
Kausap ko: Sige ka, kaw din. bahala ka.
( Napataas kilay ako, aba loko to parang nanakot pa na baka ako manghinayang)
Kausap ko: Ang cute ng boses mo, siguro cute ka din.
Ako: Hindi ( maganda lang! weeeh!! hahaha.joke! hindi ko sinabi yun noh. nag hindi lang ako.)
Kausap ko: Baka may boyfriend ka at magalit sya. pero friend lang naman e.
Ako: Oo may bf nga ako ( at pumapatay yun! sarap mamilosopo noh? kaya lang baka pag sinabi ko yun e akalain type ko sya kausap)
Papatayin ko na sana yung cellphone at magkukunwaring bigla lang namatay pero wala pang 5 mins. namatay na.Hays sa wakas salamat!
Maya maya'y may nag text! Sya ulit, wala na daw sya load.
At dun na po nagtatapos ang lab story namin. nyaks! hehehe..
Uso pa rin ang textmate now kahit pwede naman na makipag chat na lang noh? At sa maniwala kayo o sa hindi e hindi ako nakikipag textmate. Kasi ayoko! tamad akong mag text, may sakit akong katamaran. Nung dating dati pa, unang pasok ko sa college nahilig ako sa pakikipag text. And yung mag mimit. Pero kapag nakipag mit ako kasama ko buong barangay. Kasama ko mga friendship ko kasi natatakot ako na baka makidnap ako o watever. Siguro nasa 3 lang yung na mit ko. At kung makipag meet naman ako hindi tumatagal ng 30 mins. o diba super sandali parang dumaan lang at nag hi. At pagkatapos nun wala na, tinamad na ako magtext. As in super tinamad na. Kaya napapagalitan ako ng mga friendship ko na hindi ako marunong mag text sinasabihan din nila ako ng " kuripot at masisira din cp mo" o diba ang babait nila. Kaya mahal na mahal ko sila e at kapag nag text ako " hoy" ang bungad ko.
Hindi man ako madalas magtext sa kanila for sure naman na kapag mahalaga ang tinext nila at need nila ako e kaagad agad ako mag rereply. Kumbaga sine' save ko yung load ko para sa mahahalagang text lang. At kapag namiss ko na sila saka ko sila itetext.
Alam nyo nakakaloka ang pakikipag textmate na yan dahil dyan ang daming nangyayari sa atin at ang daming naiinlababo. Madalas ako maka receive noon ng can you be my textmate at dahil sa hindi ko nirereplayan malamang nag sawa na sila. May ilan naman na pang suyo yung padadalan ka ng load. Pero after ng ilang minuto babalik din sa kanila. Sabi ng ilan, kapag binigyan ka ng load wag mo naibalik kung ayaw mo itext e di wag mo itext. Para sa akin ayoko nun ( oo mataas ang pride ko! Pride kasi gamit namin sa paglalaba). Ayoko nung may isumbat silang lowd sa akin, sabihin binigyan kita tapos hindi ka mag rereply ang labas ako pa magiging masama. diba diba? Gusto ko ng katahimikan sa buhay ko.
Kahit papano naiintindihan ko naman ang ilan kung bakit nila like makipag textmate. Kasi kapag may kausap ka nalilibang ka at minsan nakakalimot ka din sa problema mo. Pero minsan hindi rin solusyon ang textmate sa lahat. Minsan nakakasama din to. Pero syempre nasa pag- iingat mo na lang din ito. Kaya para sa mga nakikipag textmate ingat na lang. ^_^
Nga pala sa pagkakaalam ko may entry din si kuya drake about sa textmate. Heto yun oh..
Bayad to!! bayad to kuya drake ah..hehehehe