Friday, April 30, 2010

Isa sa Paborito kong Buwan

Ola!!! Kamusta naman kayo dyan? Kung gaano ako kasipag noon mag post dito sa aking blog kabaligtaran naman ng ngayon. Yaya kasi ang lola nyo ngayon sa kanyang pamangkin kaya ako'y madalang magparamdam.



At dahil May ngayon alam nyo ba na isa ito sa paborito kong buwan lalo na nung ako'y bata pa. Bakit? Sige nga manghula kayo...








Alam mo na ba? Ano ba ang meron kapag May? Bukod sa mga kainan dahil fiesta? Syempre nandyan din yung "sagala time".


Isang beses lang ako nasagala. At dahil unang beses ko yun sobrang saya ko. Talagang todo effort sila para sa araw na yun.Yung mga kapatid ko busy sa pag aayos sasakyan ko. Halos magmuka ng garden yung sasakyan ko dahil sa dami ng bulaklak. Yung mommy ko naman pinaparlor pa nya ako. At habang inaayusan ako ang sabi sakin nung nag aayos kamuka ko daw si Rosenda. Nung mga panahong yun uso yung teledrama ni Claudine Barreto na tatlo ang mukha nya. Yung mabait dun Rose yata name tapos yung isa si Rosemarie at yung maldita naman si Rosenda.



Heto ang picture ko. Grade two ako nyan.

Habang umaandar yung sasakyan takot na takot ako kasi baka mahulog ako kaya hindi ako makangiti noon. Nung matapos ang parada nun lang ako nakangiti. At iyon na din ang una't huling sagalang naranasan ko. Kaya pala bonggang bongga yung sagala ko ay dahil wala na palang kasunod. Kahit nung lumaki ako hindi man lang ako nanominate maging isang Reyna ELena. (taas ng pangarap) hehehe. At tuwing sasapit ang buwan ng May lagi ako nag hihintay na may kumuha sa akin para isagala. Pero ngayon hindi na, mag 20 na ako. Sa palagay nyo hindi na ako nadala?hehehe.







Moral lesson?

I enjoy mo yung mga bagay na nangyayari sayo ngayon kasi hindi mo alam kung hanggang kelan yan. At least kung matapos man yan hindi ka manghihinayang na ini enjoy mo. ^_^
Add Image

Saturday, April 24, 2010

Nag Miming na ako!!! Yehey!!!!


Wala ng palipaliwanag pa...gora na!!! heto na ang ilan sa mga piktyur namin kagabi sa swimming namin sa Amana Water Park sa Pandi, Bulacan. Swerteng isinama ako ni ate sa swimming nila ng mga ka opismeyt nia .

Sa bahay ito ni Shrek...Inaabangan ko si SHrek baka dumating e.hehehe

Kasama ko mag piktyur piktyur ang secretary ni ate...


Heto pa...hindi kami mahilig sa piktyur noh!!

Parang pila sa Binibining Pilipinas...hihihihi

Kami ni ate ko!!! Ganda ng view!!!

Mr. Pogi and Ms. Ganda!!! ( walang pakielaman..)hehehe

Cast ng Dragon Ball Z..

Darna!!!!! sino ang mas mukhang Darna? Galit galit na pag mali ang sagot! hihihi

My prince charming!! Ikaw ba yan??

Kaya ko din pose mo noh!!! ^_^




Hindi ako mahilig sa piktyur diba? Actually marami pa nga yan e, ilan lang yan sa mga pose ko.hehehe. Hindi naman masyadong halata na nag enjoy ako sa pagpapa piktyur diba? kaya nga nakita nyo na ang beauty ko. ( ang hangin!!) ^_^


At kung napapansin nyo wala ako masyadong kuha sa pool. E kasi nakatayo lang naman ako sa pool hindi ako marunong lumangoy, lumakad oo.


Hanggang dito na lang, shinare ko lang ang inabangan kong swimming!!! Akala ko nga lilipas na ang bakasyon na hindi man lang ako malulublob sa pool!! hehehe.. ^_^

Monday, April 19, 2010

Suntukan Tayo oh!!


Palaaway ka ba?


Peace! Tinatanong ko lang naman e. Masyado kang high!

Kanina habang wala ako magawa naisip ko halungkatin ang isip ko kung may nakaraan ako na naging boksingero ako o palaaway. Pero wala naman masyado. Hindi kasi ako mahilig sa away. Behave lang ako nung bata ako.


Nung grade 1 ako bukod sa natae ako sa school may isa pang nangyari sa akin na hindi ko makakalimutan kinurot ko lang ng sobrang nipis sa braso yung klasmeyt kong lalake. Kaya hayun ngumawa sya dahil lapnos ang braso nya na inaalagaan ng nanay nya. Sukat ba namang tusok tusukin din ako ng lapis kaya nainis ako yan tuloy napala nya.

At nung grade 6 naman ako sinampal ko ng ubod ng lakas yung klasmeyt kong lalake. Dahil masyadong madaldal, kung ano ano sinasabi sakin e hayun napuno ako. Kaya tumayo ako para bumwelo at saka ko sya sinampal ng ubod ng lakas. Kaya natulala sya pati mga klasmeyt kong nagkkwentuhan. After nun saka lang ako natauhan buti na lang wala dun yung teacher namin. Kundi baka guidance ang bagsak ko.

Yung dalawa lang naman na yun ang natatandaan kong masamang ginawa ko sa klasmeyt ko. Masyado lang akong napuno kaya naranasan nila na maging dragon ako. Hindi naman kasi talaga ako palaaway. Ang totoo nga nyan ayoko ng away, pero ang away ang lumalapit sa akin.


Grade 5 naman ako nung bigla akong sugurin ng magbabarkadang babae na grade 6. Sila ang kilalang siga sa eskwelahan namin kaya natakot talaga ako nung lumapit sila sa akin. Akala ko kung ano gagawin sakin pagkatapos biglang sinabi na " kausapin mo yung isa namin kaibigan, kasi akala nya nililigawan ka ng bf nya." Napa "hah?!!" ako hindi ko kasi talaga alam kung ano gagawin ko. Masyado akong nabigla sa sinabi nya. Kaya kahit hindi dapat e nagpaliwanag ako dun sa babae. At sinabing hindi ako nililigawan ng bf nya, hinarang lang ako nung dumaan ako dahil nanloloko pero wala yun.

At nung Grade 6 din nag away yung dalawa kong klasmeyt na babae. Sa pagkakatanda ko ako yung kaaway ng isa tapos pinag tanggol lang ako nung kaibigan ko at dahil sa sobrang tapang nya ayun sila na ang nag away. Hindi ko matandaan yung pinag awayan nila e.

At ang pinaka huli, sa text naman. Yung klasmeyt ko nung highschool nanliligaw sakin. Pinadalhan nya ako ng load tapos binalik ko sa kanya. Dahil ayaw ko naman sa kanya. Tapos maya maya bigla may nagtext gf daw sya nun. Pero pakiramdam ko hindi yun ang gf nya, pakiramdam ko yung klasmeyt ko lang din na yun. Maraming sinabi sa text at dahil umusok na ako sa galit nireplyan ko na at pinaniwala ko na lang ang sarili ko na gf nga nya yun talaga" Wala akong gusto sa bf mo, sayo na sya kung gusto mo. At huwag mo sya pakawalan, itali mo pa." Yun ang sinabi ko dahil sa inis na ako. At pagkatapos nun wala na akong text na natanggap.



Hay kakaloka noh! Minsan talaga kahit lumayo ka lalapit at lalapit sayo ang away. Ako hangga't maaari umiiwas ako na makipag away dahil hindi maganda e. Parang ako din ang masisira sa ginagawa ko pero kapag sobra na yung ginagawa at napuno na ako. Ay naku gora na!!





P.S
Hindi pa naman ako na guidance sa mga ginawa kong yun.^_^

Tuesday, April 13, 2010

Can you be my Textmate?


April 12,2010, Monday morning may isang pagkalakas lakas na ring ng phone ang gumising sa akin. At sa akin pala yun. May tumatawag at hindi ko alam kung sino dahil number lang nakalagay, naisip ko baka work yun. Dahil posibleng mga kaibigan ko tumawag sakin dahil hanggang miskol lang yung mga yun. May sakit sila kapag tinawagan ako. At nung sagutin ko ang tawag...

Ako: Hello
Kausap ko: Hellu
( Boses ng lalake)
Ako: Sino to?
Kausap ko: Kilala mo si giselle?
Ako: Giselle? hmmm..hindi.. ( sagot kong hindi man lang nag isip, pano ba naman tulog pa isip ko.)
Kausap ko: Yung klasmeyt mo, hindi mo kilala?
Ako: Giselle..giselle...ahh..oo naalala ko na..( tagal gumana ng isip ko)
Kausap ko: Kuya nya ako. Naiwan nya kasi yung sim nya kaya nalaman ko number mo.
Ako: Ahh.. e ano nangyari sa kanya? kamusta na si giselle?
Kausap ko: Nag-asawa na yata.
Ako: huh? nag asawa?
Kausap: Oo, nga pala lady name mo diba? Ano surname mo?
Ako: Garcia
Kausap: Ako nga pala si....( hindi ko kasi maintindihan yung name nya kaya nakalimutan ko kaagad.)
Kausap ko: Ilan taon ka na?
Ako: 19
Kausap ko: Ako 21..
( sa isip ko, ok hindi ko naman tinatanong.hehehe. taray!)
Kausap ko: Taga saan ka?
( Naisip ko, iba na to ah..parang tuluyan na akong nagising. Nabubuhay na naman ang dugo kong taray queen.)
Ako: Iba na yan kuya ah..dyan lang sa tabi-tabi..
Kausap ko: Sige nga, ano nga? Ako meycauyan. Nga pala 5 mins. lang tong tawag ko ah. Wala na kasi ako load, pwede ba makipag textmate? Mag load ka para text text tayo
Ako: Hindi e, hindi ako nakikipag textmate saka hindi na ako nag lolowd.
Kausap ko: Hehehe..baka masira cellphone mo nyan hindi ka nag lolowd.
Ako: Ayos lang na masira. (seryoso)
Kausap ko: Ahh..hehe bakit ka natatawa?
Ako: Ako tumatawa? hindi kaya..( heller! seryoso ko tapos naririnig nya ako tumatawa? may mumu ba syang naririnig?)
Kausap ko: Nga pala baka minsan gusto mong makipag kita sa akin, kita lang naman wala naman masama e.
Ako: Ayoko. Hindi ako nakikipagkita ( sa loob loob ko "natatakot ako sayo")
Kausap ko: Sige ka, kaw din. bahala ka.
( Napataas kilay ako, aba loko to parang nanakot pa na baka ako manghinayang)
Kausap ko: Ang cute ng boses mo, siguro cute ka din.
Ako: Hindi ( maganda lang! weeeh!! hahaha.joke! hindi ko sinabi yun noh. nag hindi lang ako.)
Kausap ko: Baka may boyfriend ka at magalit sya. pero friend lang naman e.
Ako: Oo may bf nga ako ( at pumapatay yun! sarap mamilosopo noh? kaya lang baka pag sinabi ko yun e akalain type ko sya kausap)
Papatayin ko na sana yung cellphone at magkukunwaring bigla lang namatay pero wala pang 5 mins. namatay na.Hays sa wakas salamat!
Maya maya'y may nag text! Sya ulit, wala na daw sya load.
At dun na po nagtatapos ang lab story namin. nyaks! hehehe..


Uso pa rin ang textmate now kahit pwede naman na makipag chat na lang noh? At sa maniwala kayo o sa hindi e hindi ako nakikipag textmate. Kasi ayoko! tamad akong mag text, may sakit akong katamaran. Nung dating dati pa, unang pasok ko sa college nahilig ako sa pakikipag text. And yung mag mimit. Pero kapag nakipag mit ako kasama ko buong barangay. Kasama ko mga friendship ko kasi natatakot ako na baka makidnap ako o watever. Siguro nasa 3 lang yung na mit ko. At kung makipag meet naman ako hindi tumatagal ng 30 mins. o diba super sandali parang dumaan lang at nag hi. At pagkatapos nun wala na, tinamad na ako magtext. As in super tinamad na. Kaya napapagalitan ako ng mga friendship ko na hindi ako marunong mag text sinasabihan din nila ako ng " kuripot at masisira din cp mo" o diba ang babait nila. Kaya mahal na mahal ko sila e at kapag nag text ako " hoy" ang bungad ko.

Hindi man ako madalas magtext sa kanila for sure naman na kapag mahalaga ang tinext nila at need nila ako e kaagad agad ako mag rereply. Kumbaga sine' save ko yung load ko para sa mahahalagang text lang. At kapag namiss ko na sila saka ko sila itetext.


Alam nyo nakakaloka ang pakikipag textmate na yan dahil dyan ang daming nangyayari sa atin at ang daming naiinlababo. Madalas ako maka receive noon ng can you be my textmate at dahil sa hindi ko nirereplayan malamang nag sawa na sila. May ilan naman na pang suyo yung padadalan ka ng load. Pero after ng ilang minuto babalik din sa kanila. Sabi ng ilan, kapag binigyan ka ng load wag mo naibalik kung ayaw mo itext e di wag mo itext. Para sa akin ayoko nun ( oo mataas ang pride ko! Pride kasi gamit namin sa paglalaba). Ayoko nung may isumbat silang lowd sa akin, sabihin binigyan kita tapos hindi ka mag rereply ang labas ako pa magiging masama. diba diba? Gusto ko ng katahimikan sa buhay ko.

Kahit papano naiintindihan ko naman ang ilan kung bakit nila like makipag textmate. Kasi kapag may kausap ka nalilibang ka at minsan nakakalimot ka din sa problema mo. Pero minsan hindi rin solusyon ang textmate sa lahat. Minsan nakakasama din to. Pero syempre nasa pag- iingat mo na lang din ito. Kaya para sa mga nakikipag textmate ingat na lang. ^_^

Nga pala sa pagkakaalam ko may entry din si kuya drake about sa textmate. Heto yun oh..


Bayad to!! bayad to kuya drake ah..hehehehe

Saturday, April 10, 2010

Init Sa Tag-init


Grabe na to!! to the highest level ang init ngayon! Nakangiting mabuti ang araw kapag lumabas ka ng bahay. At kahit magtago ka kitang kita ka pa din.

Super init noh? Kaya lahat ng init lumalabas pati init ng ulo naglalabasan ngayong summer. Natahimik ako ng ilang araw. Dahil iyon sa init dahil kapag sobra init hindi ako makatagal sa computer o sa t.v, sumasakit kaagad ang ulo ko kaya medyo nagpahinga muna ako.

At dahil sa sobrang init ngayon kailangan nating uminom ng maraming tubig. At may i share lang ako sa inyo.Habang nagbabasa ako kahapon nung bigay ni chef sakin na copy ng aklat nabasa ko to.Na ang recommended na 8 glass of water a day ay hindi rin sapat sa isang tao lalo na kung sya ay isang atleta o mahilig mag exercise at sobra naman yung ganoong bilang ng baso ng tubig para sa mga matatanda at sedentary adults o matatandang nakaupo lang.

May karampatang pangangailangan lang ng nutrients ang ating katawan. Depende din ito sa ating edad at sa kung ano ang ginagawa natin sa araw araw.

At bumalik muli tayo sa usapang tag-init. Dahil tag-init ngayon mas madaling masira ang pagkain at sikat na sikat si food poisoning. At para maiwasan ito kinakailangan natin na mas maging maingat sa paghahanda ng pagkain, kabilang na dito ang always na always sinasabi sa atin ang maghugas ng kamay bago ka magluto. O kung hindi ka magluluto at ika'y kakain lang dahil senyorito/senyorita ka maghugas ka pa din ng kamay. At huwag din natin iuso ang No 5 second rule. Yun tipong nalaglag na tapos pupulutin pa dahil wala pa namang 5 minuto este segundo. Actually madalas ko nga yan ginagawa lalo na kapag walang nakakakita sayang din kasi e pero Big No yan. ^_^

Sabi ng prof. namin may ilang bacteria na mas mabilis dumami kapag tag-init. Diba minsan may mga pagkain tayong iniinit para mawala yung bacteria pero may ilan din na gustong gusto ang init. Nakikiliti lang sila minsan sa ginagawa nating pagpapainit sa kanila. Kaya bago kayo mag init ng pagkain itanong nyo muna kung sinong bacteria sila. Interviewhin nyo muna ba. At ang pinakahuli dapat maglagay kayo ng serving spoon sa bawat pagkain dahil baka makilala nyo si cross contamination.Ang cross contamination ay nakukuha natin sa pag peprepare ng food. Kumbaga tayo na ang gumagawa sa kanila para mabuo. Madali din mapanis ang pagkain kapag halo halo yung kutsarang dumadapo sa kanya. Kaya dapat may kutsara ang bawat putahe na inyong ihahain.


Yan lamang po muna sa ngayon ang aking ibabahagi ngayon. Sana ay may naitulong ako kahit ga kulangot lang. Hays sobra init!! Gusto ko na mag swimming!!! Yung mga kapitbahay namin nag aalisan na para magpunta sa resort samantalang ako heto at naiinggit.. Kapag nag swimming ako mag be' bathing suit ako!!! whahahaha.. ( baka lalong hindi matuloy) ^_^


Tuesday, April 6, 2010

Patawad po!


Ang hirap na talaga kumita ng pera kaya kailangan humanap ng trabaho at magtipid.
At kaninang umaga sumabay ako sa step dad ko na magpunta ng Bayan para makalibre ng pamasahe.

Naghanap ako ng mahahanap.

Kasama ko ang klasmeyt ko naghanap kami ng mapapasukang trabaho ngayong summer.

At ang una naming pinuntahan ay ang La FAMILIA.
Sumakay kami ng tricycle dahil malayo din ito.
Tinanong namin si manong driver kung magkano ang pamasahe.

Driver: P30.00
Ako: Ay ang mahal, P10.00 lang po isa.
Driver: Sige P 25.00 na lang.
Nagkatinginan kami ng klasmeyt ko pagkatapos ay akmang aalis.
Driver: O sige na nga P10.00 na lang ang isa.

(oh diba makukuha din pala? E kasi naman P10.00 lang talaga, akala nila makakaisa sila).

At nang makarating na kami doon pumasok na kami at hinanap kung saan pwedeng magpasa ng resume. Todo ngiti pa kami pagkaraa'y sinabi.

Ms.: Sorry ah pero wala ng bakante, napuno na kasi kami dahil marami ang nag OJT.

Hayun patay! wala na pala bakante.
Pagkaraa'y naisipan namin na magpunta sa kabilang super market.
Naglakad na lang kami dahil kailangan magtipid. At habang naglalakad kami para kaming artistang pinagtitinginan ng mga nagdadaang sasakyan. Sabi ko sa klasmeyt ko " E bakit anong masama sa paglalakad sa highway e sa wala tayo pamasahe." At natawa na lang sya kasi totoo naman. Walang masama doon. Isa pa nakagilid naman kami para hindi masagasaan.

At nakarating na nga kami sa supermarket.
Wow ang lamig na! Napaka init kasi sa labas.
Habang nasa loob kami nag ikot muna kami pagkaraa'y nakakita ng hiring. Nagtanong kami tungkol sa hiring at ang sabi regular work yun. Wala sila ng pang summer. Kaya lumabas kami na sawian.

At nung lunch time na doon kami kumain sa bahay ng kasama kong klasmeyt dahil sabi ng nanay nya doon na ako kumain sa kanila. At syempre nag tricycle ulit kami dahil malayo layo din yun. Isa pa baka maging neg-neg na kami. At tulad ng nauna tumawad ulit kami sa tricycle. At madaling kausap si manong pumayag sya sa price na sinabi namin.

Pagdating ko sa bahay nila kumain na kami at namahinga. Pagkatapos ay nagpaalam na ako dahil pupunta ako sa bahay ng klasmeyt ko nung highschool day off nya sa trabaho kaya papasyalan ko sya.

Hindi naging madali ang pag aabang ko ng masasakyan, kitang kita na ako ng araw ay hindi pa rin ako makasakay. May humihintong sasakyan kaya lang ang mahal mahal ng singil nila. At bandang huli hayun may isang manong na nakipagtawaran na naman. Para deal or no deal ang nangyari at bandang huli nagkasundo rin kami sa presyo.

At sa wakas nakarating ako sa bahay ng kaibigan ko at dumating din yung isa pa naming kaibigan. Ang ginawa namin foodtrip at sila bumili ng red horse. Pinapainom nila ako pero ayaw ko talaga dahil hindi ako umiinom.


At iyan na ang nangyari sa aking araw.
Bakit PATAWAD PO ang title ng entry ko?
E kasi naisip ko puro tawad ng pamasahe ang inabot ko.hehehe.
Hanggang dito lamang po..^_^

Sunday, April 4, 2010

Smile Naman Dyan and Everything!!!


Parang kahapon lang ang lungkot lungkot ko ( totoo naman na kahapon lang). Sobrang emo ko at mukhang sinagasaan ang mukha ko. Pakiramdam ko ang pasan ko buong mundo.

Ting!! ( special effect lang yan)

Kahapon lang yun dahil ngayon ok na ako. Masaya na ako. Abot tenga na ang smile ko, magaan na ang loob ko. Dahil ayos na problema ko.

At dahil sa ok na ako dun na tayo sa topic ko. Ang pag smile.. ^_^

Share ko lang sa inyo yung nakita ko sa internet. Kayo na bahalang umintindi ah.^_^

Smile 1: Without showing any teeth.

Smile 2: Without showing any teeth, but the smile is so big that you tighten your lips to prevent yourself from showing teeth.

Smile 3: You show some teeth, but it’s not a complete smile.

Smile 4: You show all your teeth.

So which smile should you use. Well, let’s analyze these smiles and you will know.

Smile 1: This is a smile the nice guy/wuss will give. It’s conservative.

Smile 2: This is a smile of someone who is embarrassed/shy to show his teeth.

Smile 3: This is a smile of someone who is forcing himself to smile.

Smile 4: This is a smile of a confident man, who is in control of the situation.


Pano kayo mag smile?

Ako madalas naka litaw yung ngipin. Pero kapag may napadaan lang at hindi ko naman close yung ngingitian ko pero kilala ko sya hindi litaw yung ngipin. Madalas na mapansin ng iba sakin yung pag smile ko. Ang ganda ko daw kasi mag smile (waaaah!!! bakit kumukulog at kumikidlat?) tsk..tsk..tsk...


Para sa akin kahit ano pa yan basta sincere ang pag smile mo oks na oks yan. E pano kung ganon ka talaga mag smile diba? saka may iba na totoo naman ngumiti pero yung itsura parang pilit. Palagay ko sa ganon gusto nila maging maganda smile nila. Maging perfect at kaakit akit kaya lang ang nangyayari nagmumukhang fake.

Tandaan lang natin na ang pag ngiti hindi yan nakakabawas ng kagandahan/kagwapuhan natin. Bagkus mas nakakatulong pa ito na madagdagan buhay natin. Kasi kung lagi ka naka smile wala sayo mang aaway. Wag lang ngiting aso ( lam mo na yun) hehehe. Yung friendly smile naman. Saka nakakapag palakas din ito ng ating kalusugan.

Kaw try mo mag smile ngayon. Oo now na! Smile na bilis! ^_^ Mararamdaman mo may nakatingin sayo akalain baliw ka at ngingiti ngiti ka dyan.hehe joke!! Mararamdaman mo na parang ang gaan ng pakiramdam mo. Ang gaan ng feeling! o diba diba? Araw araw pagsanayan mo yan, gawin mong exercise yan at malalaman mo na may mabuting magagawa ang pag smile.



Friday, April 2, 2010

Ang Aking Kaibigan


Tulad ng nasabi ko sa dati kong post isa sa maituturing kong kaibigan ay ang PAGKAIN. Dahil tuwing malungkot ako yun ang karamay ko.


At ngayon hindi maganda ang araw ko. Sobrang nalulungkot ako kaya emo ako ngayon. At kahit emo ako hindi pwedeng hindi ako mag post.


Nakikita nyo yung nasa picture? Yan ang kakainin ko ngayon, actually yung kanin at ulam naubos ko na. ^_^

Pagkatapos kong maglaba kanina ramdam ko pa rin yung pagka sad ko kaya nag iyakinz na naman ako habang nakatambay sa music pad ni mareng kayedee. Pagkatapos naisipan kong lumabas at bumili ng makakain. Kasi nakakagutom kaya umiyak noh! At iyan ang natipuhan kong bilhin sa tindahan.

Ito yung nabili ko sa unang tindahan,Piatos na cheese ang flavor( gusto ko sana yung kulay green kaso wala e). Tapos nagpunta ako sa kabilang tindahan para bumili ng softdrinks kaso wala, kaya ang nabili ko dun ay Cream- O. At nung lumipat ako sa kabilang tindahan dun na ako nakabili ng POP COLA. Pagkatapos naghalungkat ako sa ref ng iba pang makakain at ang nakita ko ay ang isang ferrero na bigay sa akin ng ate ko. At yung ulam naman adobo yan, adobong pakpak ng manok. Kasi yan ang natira sa akin. Pagkain pa rin kaya pwedeng pwede na.

Bakit walang kutsara at tinidor?
E kasi nagkamay na lang ako.

Ako lang mag-isa sa bahay ngayon kaya todo kain ako now, wala ako kaagaw e. At mag totodo emo ako..hayzz..........


Nakakabawas ng lungkot ang pagkain, kaya minsan try nyo din kumain kapag sad kayo. Kaya lang nakakadagdag din yun ng timbang. Pero oks na din yun kesa naman manlumo ka dyan kakaiyak diba?


At kung itatanong nyo kung bakit ako sad.Basta yun na yun..hahayz...