
Kahapon ( Sunday)napagpasyahan namin ng klasmeyt ko na sumali sa isang kompetisyon sa pagluluto. Ang mananalo sa paligsahang iyon ay ang magiging representative ng school para makipaglaban sa ibang branch na gaganapin sa Quezon City.
Sumali ako hindi dahil sa magaling ako kundi dahil sa gusto ko masubukan na sumali sa ganoong paligsahan. Sa totoo lang wala akong kagaling galing sa pagluluto kaya tawanan yung mga sinabihan ko na sasali ako. Sadyang makapal lang mukha ko sa pagsali.At kanina ginanap ang paligsahan,kabado kami ng partner ko dahil eksperimento yung gagawin namin. At nung magsimula na ang oras ng pagtutuos gora na kami sa paghahanda. Sa unang tikim maasim, kaya sige lagay kami ng lagay ng sangkap para umayos na ang lasa. At sa huli boom! ok na nakuha na namin ang lasa pero hindi pa rin kami kampante na kami ang mananalo dahil 4 kaming grupo na naglalaban laban kaya posibleng isa dun ay ang pinakamasarap.
Makalipas ang ilang minuto lumabas na ang resulta. At para sa ikaiikli ng kwento ko dahil may gagawin pa pala ako. Ang resulta ay "Yehey!! kami ang nanalo!!!!" Sobrang lundag ako nung malaman ko yun, hindi ko akalain na kami pa ang mananalo. Kaya sa friday pupunta kami sa Quezon City para lumaban. Weeeeh!! Goodluck sa amin! ^_^
Ano ang niluto namin?
Ang special adobo!! hehehe. Ang kailangan lutuin ay adobo, pasarapan ng lasa at pagandahan ng nagluto ( walang kokontra, pagbigyan na masaya naman ako) Naglagay lang kami ng sikretong malupit na ingredient kaya siguro medyo nakalamang kami. Ang sikreto.....kindatan ang judge! ahahahaha...
Nagpapasalamat nga din pala ako kina Kuya Drake na nagsabing pampasarap ang pagmamarinade at kay Arnz na sinabing ang kailangan ay ang puso sa pagluluto para maging masarap ito ng bonggang bongga. Pati na rin sa pinoyfoodblog.com na isa sa post nya ay nabasa ko at nakakuha ako ng bonggang bonggang ideya.
"Hindi lang galing ang kinakailangan sa pagkapanalo kundi determinasyon at pagmamahal sa kanyang ginagawa."