Saturday, February 12, 2011

Wanted Ka Date

Oh my gulay! February na ngayon, ang bilis ng panahon. Isang taon na ang Dark Lady. Pasensya na kayo kung hindi na ako nakakapag update, busy lang. Isa pang dahilan e limited na lang yung pag iinternet ko dahil nga sa de load na ito at tag hirap ang bulsa ko.


So eto na nga dahil February na uso na naman ang flowers, chocolates at higit sa lahat ang word na "I love you". Sa buwan na ito marami ang nagdidiwang na kababaihan. Lalo na yung mga crush ng bayan dahil madami sila matatanggap. At syempre hindi rin mawawala dyan ang mga sawi o yung mga single. Kung noong pasko nauso ang SMP ngayon naman ay MTV "Mag isa Tuwing Valentines"


At karaniwan na makikita mo sa mga status sa fb ng mga tao ngayon ay " Wanted: Ka date tomorrow." At kung ako tatanungin nyo, ang status ko ngayon sa fb ko ay " Para sa mga single dyan...Happy Independence Day!! Malaya ka pa!! =D


Para sa akin ang pagmamahal ay dapat araw araw natin nararamdaman at pinararamdam. Hindi lang din mga rosas at chocolate ang pwedeng makapagpasaya sa mga tao at hindi rin lang ito ang way para iparamdam natin sa kanila ang pagmamahal natin pwede naman na house and lot ang ibigay mo o kaya kotse pwede rin na diamond ring. Try nyo yun minsan mas makakapagpasaya ka =)



Para sa lahat nang single, in a relationship, it's complicated at married......




Mehal kow kayow
=) wink!!!

2 nag effort bumasa:

rah said...

naks :) slang na slang ang pagkasabi ah :) hehehe amwikanow ka siguwo. :)

Happy hearts day :)

MiDniGHt DriVer said...

hahaha..

maligayang araw ng mga puso.. * late* :)