Friday, November 18, 2011

Bagong,lumang Blog

Dito nyo na po ako matatagpuan...

Lipat Blog Gang

No more Dark?

Put your hands up in the air! Put your hands up in the air and say Babay! Babay!



Papampam lang! hehehehe. Heller! May tao pa ba dito?


Malapit na pala mag 1 year yung last post ko dito. Parang mabilis na ewan lang yung pagkawala ko.
Ang dalas ko mawala noh? May mga bagay bagay lang na nangyari at sikretong malupit lang yun.


Pero sabi nga nila kahit iwanan mo ang isang bagay at kung nasa puso mo na ito darating din ang panahon na babalikan mo pa din ito. tamang emo lang diba?


At ngayon nandito na ulit ako tapos bukas wala na ulit.hahahaha...

Yun lang!

Walang ka kwenta kwentang post! nagpapansin lang :)


Ingat sa inyong lahat!

Saturday, February 12, 2011

Wanted Ka Date

Oh my gulay! February na ngayon, ang bilis ng panahon. Isang taon na ang Dark Lady. Pasensya na kayo kung hindi na ako nakakapag update, busy lang. Isa pang dahilan e limited na lang yung pag iinternet ko dahil nga sa de load na ito at tag hirap ang bulsa ko.


So eto na nga dahil February na uso na naman ang flowers, chocolates at higit sa lahat ang word na "I love you". Sa buwan na ito marami ang nagdidiwang na kababaihan. Lalo na yung mga crush ng bayan dahil madami sila matatanggap. At syempre hindi rin mawawala dyan ang mga sawi o yung mga single. Kung noong pasko nauso ang SMP ngayon naman ay MTV "Mag isa Tuwing Valentines"


At karaniwan na makikita mo sa mga status sa fb ng mga tao ngayon ay " Wanted: Ka date tomorrow." At kung ako tatanungin nyo, ang status ko ngayon sa fb ko ay " Para sa mga single dyan...Happy Independence Day!! Malaya ka pa!! =D


Para sa akin ang pagmamahal ay dapat araw araw natin nararamdaman at pinararamdam. Hindi lang din mga rosas at chocolate ang pwedeng makapagpasaya sa mga tao at hindi rin lang ito ang way para iparamdam natin sa kanila ang pagmamahal natin pwede naman na house and lot ang ibigay mo o kaya kotse pwede rin na diamond ring. Try nyo yun minsan mas makakapagpasaya ka =)



Para sa lahat nang single, in a relationship, it's complicated at married......




Mehal kow kayow
=) wink!!!