Wednesday, March 31, 2010

Bakit nga ba?


Ang daming pwedeng itanong sa "Bakit nga ba?"

Bakit nga ba ang utot habang pinipigilan mo lalong nagwawala?

Bakit nga ba ang sipon minsan may kulay green pero bakit walang kulay pink?

Bakit nga ba paggising mo sa umaga may muta ka?

Bakit nga ba kapag nangungulangot ka yung hintuturo ginagamit mo at hindi yung hinlalaki o yung hinliliit?

Bakit nga ba ang baboy naman ng mga tanong ko? Excuse me sa mga kumakain..^_^

Sige Ibahin natin ang tanong..

Bakit nga ba ang gaganda at gwagwapo ng kasamahan ko dito sa blogger?

E bakit nga ba nambobola ako ngayon?

Bakit nga ba ang sipag ko daw mag post ng entry ko dito?

E kasi wala ako magawa. Yun ang sagot ko! ^_^

Diba ang daming pwedeng itanong sa " Bakit nga ba?"

Pero hindi iyon yung gusto ko talaga itanong..

Pampahaba lang yung mga tanong ko na yan..hehehe

Kanina habang nakaharap ako sa t.v napansin ko na eto na nga pala yung araw na konti lang ang commercial sa mga palabas sa t.v. Dahil Mahal na Araw...

Natanong ko sa sarili ko, Bakit nga ba tuwing April ang Mahal na araw? Anong dahilan at sa ganoong araw yun? Kayo ba alam nyo?

Kasi ako noong bata ako ang alam ko kapag mahal na araw ay..

Tuwing tanghali ang palabas sa channel 7 ay BARBIE kaya palagi ko inaabangan ang Mahal na Araw.

Sa channel 2 maraming pelikula ang palabas na noon ko pa lang napanood.

Nung araw ding iyon laging palabas ang mga pelikula ni Vilma Santos kabilang na ang walang kamatayang ANAK. Pero maganda naman yun.

At ang pinaka huli bawal na maligo pagsumapit na ang alas tres ng hapon. Kaya lagi ako nagpapahuli na maligo para hindi na ako makaligo. ^_^



Baka sakaling alam nyo dahilan. Para lang matahimik na kalooban ko..hehehe..^_^

Parang Kahapon lang...


Habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame. Naalala ko ang buhay namin dati. 3 years na nakakaraan...

Malungkot ako at nag iisip ng gagawin upang patuloy na makapag-aral. Nung mga panahong yun 16 years old ako ,1st year college at nakaka 1 sem na sa pag-aaral. At balak na maghinto sa pag-aaral dahil wala na ako pambayad sa tuition.

Pagkatapos ng klase naglilibot ako sa bayan at naghahanap ng mapapasukan sa fast food. Una ako nagpunta sa Mcdo. Nagpasa ng bio-data at nag abang ng resulta. Ngunit sa kasawiang palad hindi ako natanggap. Sumunod sa Jollibee pero hindi rin ako natanggap. After ng ilang araw nakakita ako sa Chowking, ang ganda ng smile ko at may hawak na bio-data. Pagkatapos biglang sinabi ng manager na wala ng bakante. Sabi ko may naka post doon. Tiningnan nila at inalis, ang sabi tapos na daw. Kabwisit yun ah!

At dahil sa wala na ako magawa pa,pagkatapos ng 1st sem nag stop na ako. Inoperahan ang stepdad ko noon, ang ate ko maliit lang ang sweldo,kuya ko man dahil marami pa din kami utang.

Tuwing gabi umiiyak ako dahil gusto ko mag-aral. Hanggang sa isang araw, sumama ako sa kapatid ko sa Batangas, may sinalihan ako dun.( secret na yun baka hindi kayo maniwala.hehe) ^_^ Pagkatapos nun naghanap ako ng work. Sa bilihan ng cp ako nag apply, tinanggap ako nung among lalake pero yung asawa nya hindi kasi wala pa daw ako experience sa trabaho. Nung time na yun inis na inis ako akala ko pa naman magkaka work na ako. Sa 2 months na pananatili ko sa Batangas walang nangyari sa akin, tumaba lang ako at medyo pumuti.

Pagbalik ko dito sa amin, saktong nangangailangan ng isang sampler yung kaibigan ng mom ko. Ang sampler ay yung nag ha'house to house at namimigay ng produkto. Ang pinamimigay namin noon ay knorr meaty seasoning.P320 ang sweldo isang araw. At ang pasok ko once a week lang. Yung unang sweldo ko pinang jollibee ko sa kapatid kong bunso. Masaya na ako dun dahil kahit pano may work na ako. 5am ang pasok namin at 4 na brgy. ang nilalakad namin para mamigay. Mahirap pero nag enjoy ako. At pagkatapos ng work kong iyon nakuha muli ako. Mula sa isang araw na pasok, naging 3 araw kada linggo at minsan higit pa. Naging sampler ako ng Surf at nung matapos yun medyo nabakante ako dahil nawalan ng project yung lugar namin kaya naghanap ulit ako. Pinag apply ako ng coordinator namin sa agency nila. Nung mga panahong yun kailangan ko talaga mag work dahil talagang nauubos na budget namin. Napakahirap nung hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pera. Kaya nung inalok ako na mag apply punta kaagad ako kasama ate ko. Sa pampanga ang agency at dahil 17 pa lang ako nun hindi ko pa alam yung lugar na yun kaya sinamahan ako ng ate ko. Maghapon kami dun. At tipid na tipid kami sa pagkain. Gabi na nung makauwi kami at kamalasan hindi ako natanggap. Habang nasa sasakyan ako nun nasa isip ko na sana magka work na ulit ako.

At ilang araw lang ang lumipas, tumawag ulit ang coordinator namin. Nangangailangan ng Push Girl para sa anlene. Ang PUSH GIRL/ PROMO GIRL ay mas sosyal sa sampler dahil ang PG ay yung nasa supermarket. Yung makikita nyong nakatayo dun at nag aalok nung produkto na hanap nila. Kumbaga sila yung muse ng diser.hehehe. Isang PG lang ang kailangan sa Bulacan. At tatlo kaming nag apply. Una sa pampanga kami nagpunta at yung final interview sa Manila. Kasama ko yung coordinator tanda ko pa noon naka formal kami ng suot at naka high heels pero nakatayo kami sa bus. Ang buhay nga naman...muntik na ako gumulong gulong sa bus, hindi kasi ako sanay mag balance..

At nangyari na nga, doon kami vinideo at tatawagan na lang ang isa sa amin kung sino ang tanggap. Nung panahong yun sabi ko eto na naman, baka hindi ulit ako tanggap. At pagkaraan ng ilang araw. Masayang masaya ako dahil ako ang tinawagan. Ngunit yung outlet na papasukan ko ayaw akong tanggapin dahil 17 pa lang ako. Kaya ayun wala ulit ako work. At nung gabing yun tumawag ulit ang coordinator ko. Kinabukasan pinapapunta nya ako sa isang outlet at mag start na daw ako maging Promo girl ng isang produkto.Sobrang saya ko noon. At muli nagsimula ako mag work. Ilang araw bago matapos yung work ko tumawag ulit ang office sa akin, kinukuha nila ako sa ANLENE at may bago silang outlet na binigay. Simula nun nagsunod sunod na work ko. Kasabay ng ANLENE tumawag sa akin ang knorr kinukuha nila ulit ako. At ako naman si tanggap sige lang. Habang nandyan ang biyaya gora lang!. Pinag sabay ko ang 2 kong work kaya nawalan ako ng pahinga dahilan upang mamayat. Sa work ko sa ANLENE ang naging hirap dun ay yung mahigit isang oras kong byahe papunta pa lang sa outlet ko. At sa Knorr naman ang naging hirap ko dun ay yung oras ng pasok dapat 5am nasa meeting place na.Pero dahil work yun sige lang. Pagkatapos ko sa work na yun.tumawag ulit yung isang work. Pagkatapos nag SELECTA ako. Matagal ang SELECTA at nung matapos ako dun SELECTA ulit dahil summer yun.

Sa work na selecta lang ako nakatikim ng sweldo ko dahil nung panahon na yun nakapag abroad na kuya ko. Kaya akin na lang sweldo ko. Kaya nakapag aral na din ako last year. Tinuloy ko ang pag-aaral ko at hindi ko alam kung nanandya ba talaga ang work dahil 3 work ang nag alok sa akin sa loob ng isang araw at dahil may pasok na ako yung isa na lang tinanggap ko. Yung pang saturday and sunday.

At ngayon naghihintay ako ng work na pang summer at nung isang araw tinawagan ako para sa selecta. Kaso lahat ng requirements ko expired na e kailangan nila kinabukasan na. heller naman!! kaya ayun sayang!! haays..

Naiisip ko ngayon, ang daming nangyari sa loob ng nakaraang 3 taon. Naramdaman ko yung hirap at dahilan upang magsikap ako na makapag work at ngayon masasabi kong maswerte na din kami dahil hindi na kami tulad ng dati.

Parang kahapon lang sobra ang hirap na naramdaman namin
At ngayon mas ok na kami, hindi kami mayaman kundi naging sapat na yung pera para makapagpatuloy ako sa pag-aaral ko at para makakain kami araw araw.

Naging aral sa buhay ko?
Lahat tayo pwedeng bumagsak pero lahat tayo may karapatan din na umangat lalo na kung nagsisikap tayo..^_^

Teka ang haba na yata nito?
Pasensya naman nadala lang ako. At natapos mo itong basahin Salamat naman. Buti hindi ka nakatulog? hehehe. Ayan sige mag best friend na tayo, haba kaya nito..hehehehe..

Para sa mga nagbabasa sa blog ko,sana wag kayo magsawa magb asa.Next time hindi na mahaba..wag ka madadala..hehehe ^_^

Monday, March 29, 2010

Ilang Bagay Tungkol kay Dark Lady


Mang gaya lang ako ng post ng iba ah..hehehe.
Nabasa ko kasi na yung iba nagbigay ng ilang bagay tungkol sa kanila.
Naisip ko ako din kaya magbigay, papansin lang ba..^_^ Blog ko naman to e..wapakels..


1. Paborito kong pagkain ay SPAGHETTI!! kahit araw araw mo ako pakainin nyan ok na ok sa akin. Magkakasundo tayo. ^_^
2. Hindi ako mahilig sa candy kahit noong bata pa lang ako kasi ayoko masira ngipin ko. Pero mahilig ako sa chocolate. ^_^
3. Hindi ako kumakain ng gulay.
4. Mahilig ako mag isip ng business pero hanggang isip lang.
5. Walang butas ang tenga ko para sa hikaw.( Kaya wag ka na magtaka kung wala akong hikaw.)
6. Mahilig ako sa maanghang.
7. Hindi kumpleto ang kain ko kapag walang sabaw.
8. Kapag nagpapapicture ako laging right side ng muka ko pinapakita ko kasi mas maganda ako sa side na yun.
9. Bago ako matulog nangangarap muna ako na isa akong artista o kaya mayaman.
10. Mahilig ako maglakad. ( Hindi yung panay ang lakad ko.Na parang hindi matae. Ibig ko sabihin imbes na mag tricycle ako mula kanto hanggang dito sa amin e nilalakad ko na lang.)
11. Mas matagal pa ako tumae kaysa maligo.
12. Hindi ako natutulog sa byahe. At kapag nag babyahe ako gusto ko may dala ako snack.
13. Hindi ako umiinom ng gamot kapag may sakit ako.
14. Pagkain ang gamot ko.
15. Sobra akong makakalimutin. Kapag tinabi ko yung isang bagay tanungin mo kaagad ako at hahanapin ko na dahil hindi ko na matandaan kung saan ko nailagay.
16. Mahilig ako magpa picture.
17. Mahilig akong mang surprise, gusto ko yung tipong aatakihin sa puso yung isusurprise ko.hehehe
18. Mas type ko mag work kaysa maglinis ng bahay.
19. Napaka iyakin ko.(huhuhuhuhu!!)
20. Cold water iniinom ko sa umaga. Ayoko ng kape.
21. Gusto kong almusal ay sinangag. Hindi kasi ako nabubusog sa tinapay.
22. Mas game ako makipag away sa lalake kaysa sa babae.
23. Hindi ako nag aahit ng kilay.
24. Adik ako sa music.
25. Hindi nag ssleeveless o tube na damit.
26. Kung matulog ako sakop ko buong kama.
27. Gusto kong may kayakap kapag natutulog ako. (UNAN)
28. Kapag umaalis ako dapat may panyo ako.
29. Gustong gusto kong bumili ng mga key chain na nilalagyan ng name.
30. Kumain lang sa mall masaya na ako.
31. Hindi ako marunong lumangoy.
32. Hindi ako marunong mag bike.
33. Mahilig ako sumayaw.
34. Noong bata ako gustong gusto ko maging muse.
35. Hindi ako mahilig gumala.
36. Mainit o malamig gusto ko naka electric fan ako kasi ayoko naririnig yung ingay ng lamok.
37. Corny ako kaya ayoko ng nag jojoke ako kasi napapahiya lang ako. ^_^
38. Bihira ako magkaroon ng crush. Hindi ako madaling ma attract sa gwapo kasi nayayabangan ako sa kanila.
39. Napapalingon ako kapag may naamoy akong mabango.
40.. Mahilig ako magsulat ng kung ano ano. Parang tulad ngayon. ^_^


Dahil binasa mo yan. Salamat kasi gusto mo pala ako makilala. ^_^
Kahit paano may alam ka na tungkol sa akin.hehehe..

At dahil dyan!! FRIENDS NA TAYO!! ^_^

Sunday, March 28, 2010

Ang Kagandahan/ Kagwapuhan


Maganda/ Gwapo ka ba?

Ano pakiramdam kapag tinitingnan ka ng mga tao?







Minsan naisip ko ang sarap siguro maging isang maganda. Dahil madaan ka pa lang nakatingin na sayo mga tao,kinaiinggitan ka na. Tingin nila sayo isang artista at kulang na lang magpa autograph at magpa picture. Kapag maganda ka iba trato sayo, mas binibigyan ka ng halaga. Kumbaga hindi ka nila hahayaan na maupo sa lupa, hahanap sila ng upuan o sapin para lang maupuan mo.


Noong nagtatrabaho ako bilang promo girl may kasamahan kaming maganda talaga. Ang amo ng mukha nya,maputi at makinis. Bawat taong makakita sa kanya ang sasabihin " Wow ang ganda nya oh,tingnan nyo sya". Nakakaiinggit kasi napapansin sya. Nabibigyan sya ng espesyal na trato.


Pero nung minsang makakita ulit ako ng babaeng maganda. Maputi, makinis at ang ganda ng hair parang nagpa rebond. Pero nag rejoice lang sya! Napag isip ko mahirap din pala maging maganda.

Bakit?

Kasi habang tinitingnan ko sya para syang hindi mapakali sa sarili nya. Panay hawi ng buhok tapos kung maglakad parang bawal maging sakang o mapa pike. Para bang bawal magkamali kasi nakatingin lahat ng tao sayo. Para bang konting maling galaw mo lang aayawan ka na ng mga tao.

At kapag maganda ka palagi ka dapat naka ayos,hindi ka pwedeng makitang gusot ang buhok, makitang may muta/ kulangot o butas butas ang suot na damit. In short malaki ang expectation nila sa ayos mo, sa ganda mo.

Napagtanto ko na masaya na ako sa itsura ko dahil kapag tumitingin naman ako sa salamin maganda tingin ko sa sarili ko. Isa pa ang mahalaga ay kung paano ka tatanggapin at mamahalin ng mga tao kahit ano pa itsura mo.


Tulad nga ng sabi ng ilan...

" Ang kagandahan ay wala sa panlabas na anyo kundi ito ay nasa kalooban ng tao."

At dagdag paalala ko...

" Ang kagandahan ay nababase kung paano ka kumilos ng naayon sa sarili mo at hindi dahil sa kung ano ang gusto mong makita ng tao sayo."

In short magpakatotoo ka sister!!!

Maganda ka!!!! Oo maganda ka!!!

Saturday, March 27, 2010

Ang Aking Pagkabata


Tulad ng request ni Kuya Drake heto na ang kwento ng aking pagkabata at may bonus pang kyut na kyut kong picture.^_^





Tahimik lang akong bata (patunay na dyan yung picture ko, kita nyo naman walang kaangal angal sa picture. Walang kangiti ngiti.)

Ang kalaro ko lang noong ako'y bata pa lang ay ang aking bestfriend na si Romalyn. Magkatabi lang ang bahay namin, mas nauuna yung bahay namin kaysa sa kanila. Kaya tuwing kami'y mag aaway sya ang talo. Bakit? Kasi pag nag aaway kami sasabihin ko sa kanya wag sya tatapak sa lupa namin sya naman ganon din. Sakin walang kaso yun kasi hindi naman ako dumadaan sa bahay nila sya ang dadaan sa bahay namin para makalabas.

Kung ano anong laro ang naiisip ko. Naroong kumuha kami sa bahay namin ng mga bagay na hindi na namin kailangan at iipunin namin at pagkatapos ay ipamimigay sa kapitbahay naming bata pagsapit ng gabi. In short nag ala Santa Claus kami. Minsan naman naisipan namin na maghukay sa bakanteng lote at ang nahukay namin ay isang aklat. Fairytale story yun at yun ay tinuring namin na isang kayamanan. Naroong mag puppet show di kami, gugupit kami ng mga tao sa libro tapos itutuhog namin sa stick at mag iiba iba ng boses. Umaakyat din kami sa bubungan ng bahay ng bestfriend ko at doon nangunguha ng dahon ng kawayan pagkatapos ay gagawing lollipop. At kapag naman wala na kami magawa pupunta kami sa kabilang likod ng kapitbahay namin tumutulong kami na mag repak ng macaroni at ang binabayad sa amin ay macaroni din. Nung ginawa ko ang mga bagay na yan siguro nasa 6 na taong gulang ako.


At lumipas ang taon nagkahiwalay din kami ng best friend ko. Lumipat kami ng bahay at pagbalik namin lumipat na din sila. Kaya iba na nakalaro ko. At dahil mas matanda ako ng isang taon sa kanila ako ang nagiisip ng lalaruin. Sa umaga susunduin namin yung kalaro namin na mayaman pero syempre hindi muna kami aalis sa bahay nila makikipanood muna kami sa cable nila. Wala kasi kami noon kaya gandang ganda ako sa mga palabas kahit sila ay sawang sawa na dahil paulit ulit ang palabas. Pagkatapos ay pupunta kami sa bakanteng lote dun kami naglalaro at ang ginagawa namin doon ay nag coconcert na ala M2M ang dating. O kaya naman ay nag cchinese garter, habulan, tagu-taguan. At kapag papagabi na, uupo na ako sa may gilid ng kalsada kasama ang isa kong kalaro tapos mamimili kami ng mga gusto naming sasakyan na dadaan. Halos mahilo ako sa ginagawa namin pero lagi ko naman ginagawa yun. Hanggang ngayon nga hindi ko maisip kung bakit ko yun naisip gawin. At kapag tuluyan ng madilim uuwi ako sandali at babalik din kaagad sa bakanteng lote pagkatapos ay maglalaro kami ng takot takutan ng mga kalaro ko at may kapangyarihan kami kunwari. Ang hawak kong kapangyarihan ay ang "Puso".Nasa akin ang kapangyarihan ng pag-ibig pero may kapangyarihan din ako ng yelo.hehehe. Minsan naman ay maiisipan ko na magpalaro ng "Go bingo panalo" Namimili ako ng mga pa premyo, karaniwan kong binibili ay lapis at chichirya. Pagkatapos ay gagawa ako ng number. Sa bawat number ay may makukuha kang premyo. At para makabunot ka kailangan mo magbayad ng 25 cents. Mabentang benta yung ginawa kong laro dahil kahit yung mga pinsang kong matatanda na ay sumasali pa. Paanong hindi sila sasali e lahat ng bumubunot may nakukuhang premyo. Walang talo sa ginawa kong laro at mas lalong wala silang lugi ako lang ang lugi at kahit alam kong lugi ako sige pa rin ang palaro ko kasi nag-eenjoy ako. At tungkol sa tawag ko sa laro ko bigla ko lang naisip noon na itawag ay "Go bingo panalo".


At nung mag grade one naman ako kahit sa eskwelahan ay dinala ko ang kalikutan ng isip ko. Nagbebenta ako ng pastillas na tinda namin. Hindi alam ng mommy ko na kumukuha ako sa tindahan at ipinagbibili sa eskwelahan. At para maging mas mabili gumagawa ako ng eroplanong gawa sa papel pagkatapos ay doon ko ilalagay ang pastillas.


Lumipas ulit ang ilang taon lumipat na naman kami ng bahay. Madalas din ako mag ipon ng paper doll hanggang sa makaipon ako na isang box pero naiwan sa dati naming bahay.
Sa medyo ma puno kami napunta kaya ang naging laro ko naman ay maging unggoy. Umagang umaga yun makikita mo ako na nasa puno na ng mangga at nangunguha ng bunga,pagkaraa'y lilipat ulit ako sa kabilang puno at doon maglalambitin. Minsan naman ay gumagawa kami ng envelop na may design at ipinagbibili ko. At nung minsan na binigyan naman ako ng boyfriend ng ate ko ng pamusod na galing state pinagbili ko din. Naisip ko noon na maikli ang buhok ko kaya paano ko magagamit yun kaya ipinagbili ko sa mayaman at maarte kong kapitbahay. At nung wala na talaga ako magawa Naisipan ko din na magbenta ng samalamig sa bahay namin kakutsaba ko yung kalaro ko. Naisip ko magtinda nun kasi uso ang gapas sa bukid at syempre madaling mauhaw mga tao kaya tama yung samalamig.


At sa lahat ng mga naisip kong laro na may halong negosyo iisa lang ang naging resulta lugi ako. Pero kahit lugi ako naging masaya naman ako. Na enjoy ko yung kabataan ko at maraming alaala akong natandaan.

Friday, March 26, 2010

Heto na!! Heto na!!


Heto na po ang inyong ginawang love letter para sa akin.^_^
Makikita nyo na rin ang sulat kamay ng inyong mga iniidolong blogger.





Unang nagpadala....

Kuya Drake "Pogi" daw.hehehe. Grabe na tats ako sa mabilisan mong pagpapadala ng love letter. Nung mabasa mo kaagad to nagsulat ka na noh?
At ang gwapo ng penmanship mo kahit mukhang nagmamadali.nakanaks naman!! Kaya naman idol na idol kita e..^_^ yan naka smile ako para mag mukang maganda.

Ikalawang nagpadala....

Wow mare girl na girl ang sulat ah.At pati ang kuko, green!! ^_^ hehehehe.


Ikatlong nagpadala..

Kesong keso ka talaga keso ah..hehehe. May drinowing ka pa talaga na girl,ako ba yun? wow! sweet naman! sana ganoon ako kapayat.hehehe. Hindi ka naman panget magsulat e. Yan lang ang tinatawag na art sa pagsusulat.o diba? ^_^


Ikaapat na nagpadala..


Ang ganda ng sulat mo ah kahit simple lang sya. E di kaw na maganda sulat.hehehe ayawin ba! Aminin mo ano ginamit mong ballpen dito?! bibili din ako.^_^


Ikalimang nagpadala...

Hi Roanne hindi mo masyadong pinag handaan ang pagsusulat mo ah. Bonggang bongga lang Lapis lang ba talaga gamit mo? hmmm..masubukan nga. Limbag o dikit dikit man ang sulat winner!! ^_^


AWARD AWARD NA!!

Simpleng award na parang wala lang po iyan pero ma touch pa rin kayo dahil yan ay paraan ng aking pagpapasalamat sa inyo. ^_^


Para po sa lahat ng nagpadala ng kanilang love letter..

Maraming Maraming Salamat po!! ^_^

Thursday, March 25, 2010

Ang Maagang Pagdadalaga/ Pagbibinata


Ibang-iba na ang takbo ng panahon ngayon. Ang ating buhay ay nababalutan na ng makabagong teknolohiya kaya nga ba pati ang kabataan ngayon ay nagbago na?

Sa aking pagmamasid may mga bagay akong napansin sa mga kabataan ngayon.

Bumilis sila magdalaga/ magbinata. Yun tipong nasa elementarya pa lang todo ayos na sa sarili. At kahit papasok sa eskwelahan naka make-up pa. Akala mong isasagala sa kapal ng make-up.

Nung minsan na papauwi ako may nakasabay ako na highschool student sa jeep. Ang una kong napansin sa kanya ay ang make up nya sa mukha. Ang kapal ng eye liner nya. Naisip ko mas dalaga pa ba to kaysa sa akin kasi ako naka polbo lang na "johnson baby powder" na dinukot ko pa sa bahay namin. Samantalang sya naka lipstick at naka blush on pa.

Ang mga kabataan din ngayon ay ang aaga ng magka boyfriend/girlfriend. Yun dating crush lang na nararamdaman, ngayon kapag nakaramdam ng ganoon boyfriend mo na. O diba ang bilis. Wala ng pakipakipot pa.

Kasama din sa mabilis na pagdadalaga/pagbibinata ng mga kabataan ngayon ay ang paggawa ng sarili nilang desisyon. Makikita mo sa daan ang mga kabataan na naglalakad pa rin kahit gabi na. Wala ng curfew para sa kanila. Bahala na kung mapagalitan ng magulang. Lilipas din naman ang galit sa kanila at wala na din magagawa kung makauwi pa sila ng gabi.


Hindi ko nilalahat ang mga kabataan na ganito ang gawa, sapagkat kabilang din ako sa kabataan ngunit taliwas ang aking ugali sa aking mga nabanggit.( naks nagbuhat ng sariling upuan hehehe).

Nais ko lang ipabatid sa inyo na ang kabataang kinamulatan nyo noong 70's, 80's ay iba sa ngayon.

Sa kabilang banda maganda rin na naging mas maayos ngayon ang mga kabataan sa kanilang sarili . Na hindi mo na sila makikitang gusgusin na may uhog uhog pa tulad ng dati. Ngunit ang pagdadalaga ay may panahon para madevelop. At may tamang lugar din para sa paglalagay ng make-up. May mga lugar tayong dapat isaalang alang at igalang. May mga magulang din tayo na dapat natin sundin sa paggawa ng desisyon lalo na at kung ikaw ay batang bata pa talaga.


Yun lang at Maraming Salamat po. ^_^

Tuesday, March 23, 2010

I'm Back Balakubak!! ^_^


Hey! Hey! Hey mga mare ko at parekoy nagbabalik na si Dark Lady!! Grabe ah feeling ko napakatagal ko nawala, namiss ko kayo. Ako ba namiss nyo??? ^_^


Namiss ko to, namiss ko mag post sa blog ko at syempre ang mag comment sa inyong blog. Grabe!! Babalikan ko ang inyong post para basahin.


Ano nga ba nangyari sa aking pagkawala? Haays madami syempre. Naroong napuyat ako na halos wala ng tulog,noong minsang matapos ako ng 3:30 ng umaga sa ginagawa ko sabi ko sa sarili ko muntik na akong hindi matulog ah. Kaya hayun sakit sa ulo ang inabot. Feeling ko magkakasakit ako. Actually hindi pa tapos ang exam namin, kaya lang ako nakabalik na ulit dito kasi hindi na ganoon kadami yung gagawin ko. O diba ang saya saya. Ilang araw na lang bakasyon na! yahoo!!!!

At heto yung picture namin kanina sa sayaw namin sa aming P.E


Ayan konti na lang kami dyan malalaman nyo na kung sino ako dyan.
CLUE: Nakamaskara ako na kulay white at naka damit na kulay black. ^_^

Hanggang dito na lang muna nagparamdam lang ako na buhay pa.hehehehe..



P.S Para po sa mga nagpadala ng kanilang love letter sa akin nagpapasalamat talaga ako. At para sa mga hindi pa dali padala na kayo, ipopost natin para makita ang inyong mga nag ggwapuhan at naggagandang sulat kamay. ^_^

Ingat po sa inyong lahat!!

Monday, March 15, 2010

Maganda ka bang magsulat?


Sa card ng elementary may grade ang penmanship.

At sa college may grade din kapag nag ccheck ng notebook ang prof..
Oo meron din,kami meron e.

Bakit nga ba nilalagyan pa ng grade?

Sabi ng prof. namin sa English ang pagsusulat ay nilalagyan din ng puso. Kapag nagsusulat ka nag eefort ka lalo na kung maganda pa sulat mo. Kaya dapat lang na lagyan ng grade.

Pero paano kung talagang panget ka magsulat diba?

Pero kung sabagay napag aaralan naman na sumulat ng maganda. Kung nga mukha napapaganda sulat mo pa kaya. Pa retoke mo din kamay mo.

Sabi nila kapag maganda sulat, maganda rin ang nagsulat kaya nga ako pilit ko pinapaganda. Para kahit sa sulat man lang mapa wow sila! ^_^ kaso napapa "Boooohh!!" sila.

Pero nung elementary ako sabi sa akin ng klasmeyt ko maganda daw ako magsulat kahit mabilis. Palagay nyo totoo? Kasi nung sinabi nya sa akin yun nagpasulat sya sa akin ng lecture namin dahil mabagal sya kumopya kaya tuloy uwian na hindi pa sya tapos.

At ngayong college ako sabi rin sakin ng klasmeyt ko maganda ako magsulat. At nung sinabi nya sa akin yun nanghiram sya ng notes kasi absent sya.

Palagay nyo may katotohanan kaya mga sinabi nila o isa lang talaga akong dakilang uto uto?

Hayun ang sulat ko,yung nasa itaas at heto pa ang isa.



Tutal nakita nyo na ang pinaka maganda kong sulat. (Oo yan na pinaka maganda, naka ilang tapon na papel na ako para mapaganda pa pero yan na yun.) Gusto ko sanang mag request sa inyo. Na kung pwede magpadala naman kayo ng pic. ng inyong sulat. Nagmamakaawa ako na magbigay kayo ng love letter sa akin.Kasi lagi ako ang nagbibigay ng love letter pero ni isa wala ako matanggap.hahahaha..

Kahit yung name nyo lang basta makita ko lang sulat nyo.PLEASE namaN......
Padala nyo lang po sa aking e-mail
iamdarklady@yahoo.com
Salamat sa mga magpapadala at sa mga hindi SALAMAT NA DIN!!!!! hahaha galit?

Mag iwan lang ako ng konting paalala.
Eto ay ayon lang sa aking palagay

" Ang pinakamahalaga sa pagsusulat ay ang nilalaman ng iyong sinulat at kung paano mo ito nilagyan ng puso."

Lahat pinaghihirapan,lahat napag aaralan at lahat nilalagyan ng effort.


P.S:

Ako'y magbabakasyon muna muli sa aking blog. Isang araw lang ako mawawala.hehehe.Basta hanggang sa matapos ang aming exam. marami pa ang kailangan kong rebyuhin para sa aming final exam. Mag bibisibihan muna muli ako. Magpapa miss lang muna ako sa inyo. E mamimiss nyo naman ba ako?

Mang gugulat na lang ako sa inyo. Malay nyo bukas nandito na ako.hehehe
Basta yung sulat nyo ah. ^_^ Tsalamat
Ingat sa inyong lahat!

Saturday, March 13, 2010

Miming na!!!




Sobrang init na ngayon noh? At kahit paminsan minsan ay umuulan hindi pa rin mawala yung init. Ang aga ng summer ngayon kaya ang sarap.......


Mag swimming!!!!


Excited ako tuwing magbabakasyon dahil oras na para sa outing. Palagi akong ganoon pero hindi naman kami nakakapag outing. Ilang beses na kami nagbalak na mag swimming pero hindi naman natutuloy. Hindi ako marunong lumangoy pero gustong gusto ko na mag swimming. Gusto ko lang makapasyal kahit naglalakad lang ako sa pool.hehehe


Yang picture na nakikita nyo nandyan ako. Kuha yan nung mag camping kami nung December last year sa Mt. Makiling at isa sa mga ginawa namin ay nag swimming tinuruan kami na lumangoy pero hindi talaga ako matuto. Lumulutang kaagad ako pag lumulubog ako sa tubig. hehehe. At nalulunod ko yung buddy ko, partner partner kasi kami dyan. Sya ang palaging nakakainom ng tubig kaya ang sabi ko sa kanya ayoko na mag swimming dahil baka mapatay ko sya. Naaawa na ako dahil namumula na ilong sa tubig na naiinom.


At promise ang lamig ng tubig dyan. Sobra!!! nagyeyelo! Nung pagbaba namin sa pool hinanap ko kaagad si jack! ( Ako si rose) ^_^


Kayo ba may naisip na kung saan pupunta this summer? Sama naman me oh!



Sa palagay nyo nasaan ako dyan?
Clue: Ako yung babae dyan.At nasa pool ako. ^_^

Wednesday, March 10, 2010

Pagmamalaki

Hello mga ka blog! medyo naaga bakasyon ko sa blog ko ah,tagal ko din hindi nakapag post,lam nyo na medyo bisibisihan kasi mag ffinals na.hehehe. Pero now nandito na me, nasan na kayu? ^_^


Usapang pagmamalaki muna tayo...

Ano ba kahulugan ng "pagmamalaki" para sayo?

Pagmamalaki o ang pagiging proud pwedeng sa sarili o kaya naman ay sa kapwa.


Minsan ang ugaling pagmamalaki ay nagiging pagmamayabang para sa iba. May masabi ka lang na wala sa kanila sasabihin nagmamayabang ka na.

Ang pagmamalaki ay isang bagay na pagsasabi sa ibang tao kung ano ang meron ka o kung ano ang iyong natamo. Hindi masama na magmalaki ka ( maging proud) lalo na kung may katotohanan naman.


Ang sarap sa pakiramdam kapag ipinagmamalaki ka lalo na kung yung taong nagmamalaki sayo ay yung taong mahalaga sa buhay mo.

Naaalala ko pa, noon tuwing makakakuha ako ng matataas na grado sa eskwelahan pinagmamalaki ako ng aking ama. Tuwang tuwa naman ako kasi naiisip ko na may halaga din pala yung ginagawa ko. Sa madaling salita na iinspire tayo kapag ipinagmamalaki nila tayo.


Ipinagmamalaki nila tayo kapag may nagawa tayong maganda, yun tipong kakaiba o bibihira lang na magawa ng isang tao yung nagawa mo.


Naisip ko, minsan ang hirap kapag sobrang proud sayo ang ibang tao. Kasi bawat galaw mo aasahan nila na maganda ang magiging resulta. Lagi nila hinihintay na makagawa ka ulit ng mga bagay na ipagmamalaki nila. Oo nga at ang sarap sa pakiramdam na tiwala sila sayo, sa kakayahan mo.Pero tao lang din tayo paano kung bigla nagkamali ka? Maipagmalaki ka pa din ba nila?


Para sa akin wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam kung ipagmamalaki ka nila kahit maliit na bagay lang yung nagawa mo. Sa mas maikling pagpapaliwanag " Na aapreciate nila kung ano man yung nagagawa mo".Maliit man o malaki. Na kahit sa sarili lang nila ipinagmamalaki nila na nakilala nila ang tulad mo. Na tanggap nila kung ano yung meron lang sayo.

Thursday, March 4, 2010

I Love Music



"Adik" masasabi kong ganyan ako sa musika. Sobrang love na love ko ang musika hindi ko lang alam kung love nya ako. Pero palagay ko hindi kasi wala akong talent sa pagkanta.



Ang oras ng aking pakikinig sa mga paborito kong kanta ay tuwing:

  • Nag rerebyu kapag may exam
  • Bago matulog sa gabi o tanghali. Hanggang sa makatulugan ko na ito.
  • Papunta ng school.
  • Nag iinternet
  • Nangangarap
  • Masaya at emo ako.


Love song ang madalas kong pakinggan. Masyado kasi akong ma drama, kaya nga sabi ni mareng kayedee puro emo yung kanta ko na ni rerequest. Nakikinig din naman ako ng masasayang kanta depende sa nararamdaman ko.Pero lahat ng pinapakinggan kong kanta ay may dahilan.


Tulad ngayon may dahilan din kung bakittungkol sa musika ang naisipan kong i post sa aking blog.


Ang musika hindi lang basta pumapasok at biglang lumalabas sa ating taenga. Ramdam ito ng ating puso kahit ito pa ay rock music.

Nakapagbibigay din ng kasiyahan ito sa ating puso at nakakatulong sa ating isipan.


Kung anong musika ang ating pinapakinggang sumasalamin ito sa ating pagkatao at sa ating nararamdaman. Nagkakaroon din ito ng epekto sa ating pamumuhay.


Bukod sa pagkain musika ang maituturing kong kaibigan sa pagkakataong ako'y masaya at malungkot. Kapag masaya ako mas lalo akong nagiging masaya. Kapag malungkot ako nararamdaman kong hindi ako nag iisa. Nailalabas ko ang nararamdaman kong hindi ko masabi at mailabas sa ibang tao. Katulad ng pag iyak habang nakikinig sa paborito kong musika. Mas nababawasan nito ang sakit na nararamdaman ko. Nagbibigay ito sa akin ng lakas ng loob at ito rin ay nagiging inspirasyon ko.




Kayo mahilig ba sa musika?
Ano ang trip nyong kanta?

Tuesday, March 2, 2010

Napapansin nyo ba?



Nakasakay na ba kayo sa jeep?

Natural oo diba. Ano napapansin nyo kapag nasa jeep kayo?
Bukod sa paninigarilyo ng mga kalalakihan habang umaandar ang jeep dahilan upang mahilamos lahat ng usok sa katabi at mabawasan ang kanilang buhay ano pa napapansin nyo?


Kanina ginabi ako ng uwi dahil nagkaroon kami ng meeting para sa darating na concert party ng school. At dahil gabi na kinailangan kong sa nakapilang jeep na lang sumakay. Kapag maaga ako nauuwi sa dumadaang jeep ako sumasakay para maka 123 este para maluwag ang magiging pwesto ko. Ayoko sa nakapila kasi sobrang siksik ginagawa.


Napapansin ko sa kanila na sobra nila pinagkakasya sa siyaman na tao ang bawat hilera ng upuan. Minsan pa nga sampuan. Napapakunot noo ako kapag ganon ang ginagawa nila naiisip ko na hindi naman parepareho sukat ng mga tao. Paano kung saktong puro matataba ang nasa kabilang hilera e di lugi sila? kasi kailangan siyaman. Kailangan mapagkasya nila ang ganong bilang. Oo may mga ganong jeepney driver pinipilit yung bilang na gusto nila. Pero hindi ko nilalahat yun nga lang marami talaga yung ganoon ang ugali. Nakakairita diba? Kulang na lang sa baba ka na paupuin.


Hindi naman masama na magpuno ng sakay kasi trabaho yan diba. Kaya lang sana maisip din nila yung kaginhawahan ng bawat pasahero.


At kanina isa sa napansin ko at nakairita sa akin nung sumakay na ako sa jeep pauwi e yung lalake na nakabukaka sa jeep. Hay naku ang laki! ang laki ng pagkakabukaka parang ayaw nya magpaupo. Feeling nya hari sya na naka prente ng upo hindi man lang umayos.

Inis na inis ako sa ganon. Ano ba ang dahilan at ganon kayong mga lalake? Alam kong mainit sa jeep pero sana man lang konting tikom noh. Lalo na kung wala na mauupuan takaw space din yung pagbukaka nyo e.

Yung nakababatang kapatid ko nga kapag nakita kong sobra bukaka sa jeep sinasabihan ko talaga na itikom. Nakakaawa kasi yung mga taong kakapiranggot na lang ang upuan samantalang yung mga nakabukaka ay prenteng prente.


Matuto tayong makaramdam kapag tayo'y sasakay sa isang pampublikong sasakyan, sapagkat lahat naman tayo'y nagbabayad ( ewan ko lang sa inyo) upang makasakay/ makaupo ng maayos at makarating ng komportable sa pupuntahan.