Friday, August 13, 2010

Ang Muling Pagkikita



Kanina nakatanggap ako ng text na mula sa kaibigan kong mag 2 years ko na hindi nakikita. Nung basahin ko yung text napabulalas ako ng "shete! galit na yung friend ko." Bakit? Kasi nakikipagkita sya sa akin at hindi man lang daw ako nag rereply, ang sabi nya pag daw makikipagkita sya ayaw ko magreply, kuripot daw ako! yun ang mga sinabi nya. Kaya reply naman ako. Pinaliwanag ko kung bakit di ako naka reply, nasa taas kasi yung cp ko dahil walang signal sa baba bundok yata tinitirhan namin kaya di ko kaagad nabasa yung text nya. Tinanong ko kung anong oras kami magkita. Maya maya hindi na rin sya nag reply, tinatawagan ko sya ayaw sagutin. E di ako naman nagalit tinanong ko ano ba problema nya. Pagkatapos ng 10 miskol hayun nag reply." Nasa sasakyan ako hindi ko narinig". Shete gumaganti yata.



Hindi ko na sya inaway pa dahil magkakaroon ng gyera. Kaya hayun pinag usapan namin kung anong oras kami magkikita at kung saan. Sabi nya papunta na sya Pulilan kaya sa Robinson na lang kami magkita, after 30 mins. nandun na daw sya. At isa pang shete dahil hindi pa ako nakakapag ayos. Kaya nag reply ako " pwede bang maligo muna?" kaya dali dali ako naligo. At para sa ika iikli ng kwento, nakarating naman ako dun sa meeting place namin nauna nga lang sya ng konti pero ayos lang lalake naman sya alangan na ako ang maghintay.



Pagkatapos nun naglibot libot lang kami at kumain. Then nagpunta kami sa bahay namin, sumakay kami ng tricycle P40 ba naman ang sinisingil sabi ko P30 lang, tapos kinalabit ako ng kaibigan ko sabi P10 lang makikipag away ako sagot ko sa kanya sayang din yung P10 sira! At syempre nanalo ako.Pagdating sa bahay pinagluto ko sya ng pancit. Tinatanong ko sya kung ano gusto nya kainin pero isa pang "shete" hindi ko alam lutuin pinaluluto nya. Sabi ko mag fried chicken na lang sya.lol



Matapos ko sya ipagluto ng pancit hayun kumain na sya at kwentuhan ulit. Tapos nun pinalayas ko na sya kasi may kaibigan pa din sya na pupuntahan, sabi ko hindi pinaghihintay ang babae. Babaero talaga! lol Pagkalayas nya sa bahay namin nagtext kaagad sya. "Thanks ah sarap mo pala magluto ng pancit." Siraulo yun, masarap daw e konti lang kinain nya lolokohin pa nya ako.lol Rason pa nya konti lang talaga sya kumain pero sanay na ako dun. Sadyang loko loko lang yun pero yun ang kaibigan ko na sumasalo sa mga kaartehan ko sa buhay.^_^

10 nag effort bumasa:

MiDniGHt DriVer said...

shet na malagkit.. buti nabasa ko to.. magkikita nga pala kami ng tropa ko ngayun.. waaahhh

KESO said...

haha! mgkakasundo tayo, nakikipagaway din ako sa pamasahe sa trike. may mga driver ksi talagang gahaman. hehe


oops baka mabasa ni midnight driver to. :D

glentot said...

Sniff-sniff... may naaamoy akong pag-ibig... Love is in the air ahehehehehehehe

Go lang nang go...

kayedee said...

haizzzz naalala q nung college days ko. after skul deretso sa hauz ng fren at luto ng pansin canton.. haizzz i missed my old days! ayieee

darklady said...

@ midnight driver

hindi ka sana na late sa usapan nyo.hehehe


@ keso

oo nga may ilan na ganon.hmm..yung iba lang naman e, di naman natin nilalahat kaya hindi magagalit si midnight driver.hehe


@ glentot


errr!! friends lang kami, hindi kami talo.whahaha.may ganong factor e.seriously wala talagang kakaibang love na namumuo.


@ kayedee

pwede pa rin mangyari yun mare. pag uwi mo magluluto tayo.hehehe

Unni-gl4ze^_^ said...

weeehh frens lng talga ha hehee,,,
hayss namiss ko rin yung mga barkada kong barako haha,,,
paluto nga ng pansit hehe

AdroidEnteng said...

tama glentot...piz! malay mo naman kayo talaga meant to be...destiny...naka nang...:D

Jag said...

Parang gusto ko din tuloy mkipagkita sa kaibigan ko na matagal na matagal ko ng di nakikita hays!

Ang sweet mo palang mging friend. Pwede din bang friends din tayo para ipagluto mo din ako ng pansit? LOL.

kikilabotz said...

naks baka soulamte mo siya. hahaha

darklady said...

@ unnie

friends lang talaga, promise! ^_^




@ androidenteng

di ah, friends lang talaga kami nun. Salamat sa pagbisita. ^_^


@ jag


sure! ^_^ no problem.hehehe


@ kikilabotz

kaw ah porket kagagaling mo lang davao gumaganyan ka.hehe pasalubong mo!