Tuesday, February 9, 2010

Ang Aking Simula...


Sa wakas nakapagsimula na ako sa aking "BLOGGGG". May ganon talagang effect eh!!

Sa maniwala kayo at sa hindi pero sana maniwala naman kayo,noon ko pa gustong gumawa ng blog pero hindi ko masimulan. Pero ang mahalaga nyan nakagawa na ako.Madami akong gustong ikwento sa blog ko na ito.Marami akong gustong i share . Pero dahil sa katagalan nakalimutan ko na.( nag uulyanin!)

Bakit nga ba " Dark Lady" ang name title ng blog ko?

Dahil ba....

a. Ako ay emo na babae,( madilim ang aking nakaraan)
b. Ako ay maitim na babae in short negra.
c. Gusto ko lang maging isa akong lady dahil ako ay isang vaklushi.

Ang tamang sagot ay wala sa tatlo. Unang una alam kong minsan may pagka dramatic ako,pero hindi ako todo emo.( ni minsan hindi pa ako na awardan ng pagiging dramatic actress,supporting actress pa lang) Pangalawa alam kong hindi ako ganon kaputi at mas lalong hindi naman ako negra.(yun e sa paningin ko). At pangatlo trulalu itetch na girlalu noh! my pruweba ba kau na vaklushi aketch? Gusto nyong majombag kayo?hehehe..

O sige na nga siret na kayo kung bakit " Dark lady". Kase ganito itetch....Dugudug..dugudug..........(hindi yan heart beat ko,drum yan. makisali na lang kayo..)

Wala lang,type ko lang.bakit ba?Hindi,kasi masyadong mahinhin kung Lady lang ilalagay ko at kung white lady naman e baka akalain horror ang ikukwento ko.Isa pa pag "Dark Lady" malakas ang dating,kumbaga parang mysterious.(umoo na lang kayo)

E ang daming title na pwedeng ilagay bakit iyon pa naisip mo?

Wala na ako maisip na title e,bakit ba? Gusto ko dark lady!! wala ng epal epal pa..



2 nag effort bumasa:

Anonymous said...

Congratulations....ako gusto ko rin gumawa ng blog ko pero di ko alam kong paano..gudluck nice one

darklady said...

mag register ka lang sa blog.tapos nun pwede ka na gumawa ng sarili mo blog,isip ka lang nga mmga ipopost mo.sabihin mo sakin pag nakagawa ka na para mabasa ko gawa mo.=) good luck din sayo..