Sunday, February 28, 2010

Isang Patak!




"Pumatak ka na!!"

Hiling ko kahapon ng umaga habang ako ay nasa banyo.

Kahapon ay masaya ako sa inalmusal ko. Hindi kapanipaniwalang nagluto ang aking mader ng paboritong paborito kong SPAGHETTI!.

Akala ko nga'y nananaginip ako nung sinabi nya na may spaghetti sa baba. Umalis kasi sila at ako lang naiwan sa bahay kaya nagluto sya. Kaya nung ako'y bumaba una kong hinanap ang spaghetti. At nung makita ko ito totoo nga at hindi ako nananaginip. Madami ako nakain,talagang madami.

At nung oras na para ako'y maligo na dahil may pasok pa ako,pagpunta ko ng banyo... Wang tubig!!!! Hindi lang yun,saktong sumasakit pa tyan ko.

Talagang tag hirap na sa tubig ngayon! Kaya hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko sa natirang isang kobreng tubig sa banyo. maliligo o dudumi?

Pero dahil sinuswerte ako nung araw na yun gumana ang flush sa inidoro. At yun ang pinaligo ko! etchos!. Syempre yun ang pinang buhos ko sa dinumi ko. At yung natitirang isang kobre pinang hugas ko at pinang ligo. May natira pa! hahaha.( nagwisik lang ako)

E di solb ang problema! nakapaglabas na ako ng sama ng tyan nakapaligo pa ako.

At nung pag uwi ko,medyo pagabi na yun. Hala wala pa din tulo ng tubig ang gripo! Akala ko pa naman pagdating ko meron na ako at makakapag urong ng pinagkainan pero wala pa rin talaga. At dahil malapit na dumating ang mader ko,ang ginawa ko. Nag urong na ako gamit ang mineral water. Konti lang naman yung urungin kaya yun na ginamit ko.

Gusto ko na rin maligo ng mga sandaling yun dahil buong araw ako nakabilad sa araw, P.E kasi subject ko nung araw na yun at wala akong ginawa kundi parang tuod na nakatayo sa court ( volleyball nilalaro namin) pero hindi ako makatira kasi hindi ako sanay at kapag papunta na sa akin ang bola umiilag ako. ( touching ball ba? ) kaya hayun nagpaitim lang ako at walang naitulong sa grupo.


Pero dahil sa walang tubig naiisip ko na rin na gamitin ang natitira pang mineral water. Pero naisip ko marami rami magagamit ko at baka wala na kami inumin kaya naghintay muna ako na magkatubig. At hayun after so many years ( years talaga ah!) nagkatubig na rin. At nakapaligo na ako. Solb na ulit ang problema.


Pero may isa pa akong problema, sumasakit tyan ko. Sabi ng aking mader dahil daw sa init ng panahon. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa tyan ko.haays...


Ang masasabi ko lang talaga ngayon..
Sobrang summer na..lumalaganap na mga sakit ngayon at maging sa tubig ay nagkakaubusan kaya sana'y pahalagahan natin ang bawat patak ng tubig dahil ang bawat patak nito at pampaligo ko na.^_^

Wednesday, February 24, 2010

Naniniwala ka ba?






Naniniwala ka ba na isang araw pwedeng mawala ang pagmamahal mo sa isang tao?




Malupit tayo kung magmahal. Kapag mahal mo talaga sya mahal talaga. Yung tipong lahat ibibigay mo. At minsan nga sa sobrang pagmamahal natin hindi na natin namamalayan na sobra na pala yung naibibigay natin. Hindi tayo perpekto, ang kasiyahan lang natin ay makitang maligaya din ang ating mahal kaya kung minsan hindi natin masisisi ang mga taong nagmamahal ng sobra. Masyado lang kasi sila nadadala ng kanilang damdamin.


Totoong dumarating sa buhay natin na mawala ang pagmamahal natin sa isang tao kahit gaano mo pa sya kamahal. Ilan sa pwedeng maging dahilan ay:

1. Masyado na kayong nagsasawa sa isa't isa.
Minsan nakakaranas tayo ng kasawaan,yun bang pakiramdam natin paulit ulit na lang ang nangyayari sa buhay natin. Gusto naman natin na may maiba.

2. Nakakita ng iba
Puno ng tukso ang mundong ginagalawan natin. Ayaw mo man darating at darating ang tukso. At ang ilan sa atin ay madaling makuha ng tukso. Pero diba nga kung hindi naman masarap ang inihain ng nagtutukso sayo matutukso ka ba? Ilan sa halimbawa ay ang pagpapakita sayo ng kabaitan ng isang tao. ( kayo ah! iba nasa isip nyo)

3. Hindi nya nagawa ang gusto mo
May mga bagay na gusto nating mangyari pero dahil sa hindi nya nagawa pakiramdam mo hindi ka na nya mahal kaya mawawala na din pagmamahal mo.

4. At ang pinakamalalang problema sa boys.. Ang hindi pagpapakita ng totoong nararamdaman
Minsan ang mga boys walang keme pagdating sa pagiging sweet. Kumbaga walang kabuhay buhay. Serious type sila. Alam nyo hindi masamang maging sweet minsan. Baduy man pero minsan ang pagiging sweet ang nagdadala sa pagiging ayos ng isang relasyon huwag lang mapasobra. Ngayon isipin nyo yan. Mawawala ang pagmamahal sa inyo kapag hindi nyo rin ipinaramdam ang pagmamahal nyo.



At para sa mga nagtatanong na kung lahat tayo'y mararanasan ang mawala ang pagmamahal sa isang tao bakit may mga mag asawa pa na mahal ang isa't isa hanggang sa pagtanda at hanggang sa mamamatay na?


Ganito yan. Hindi naman basta basta mawawala ang pagmamahal natin sa isang tao eh. Hindi lang natin namamalayan na unti unti na pala itong nawawala. At malalaman na lang natin ito kapag wala na lahat.

At hindi porke't nawala ay hindi mo na ito kayang ibalik pa. Pero syempre depende na lang ito sainyo. May nagsabi sa akin na " Depende na lang ito sa iyo kung paano mo i rerefresh yung pagmamahal mo sa taong yun."


Kumbaga nasa tao pa rin ang gawa. Kung gusto mo talaga sya makasama habang buhay kailangan kapag naramdaman mo na na nawawala yung pagmamahal mo e gumawa ka ng paraan para muli itong maibalik. Pero kung ayaw mo na talaga ang sasabihin mo na lang " Hindi kasi tayo para sa isa't isa, hindi kasi tayo compatible".


Tandaan,ang pagpaparamdam kung gaano mo kamahal ang isang tao ang syang mahalaga para magtagal ang relasyon na meron kayo. Maging open kayo sa isa't isa. Lalo na sa nararamdaman nyo dahil ang nararamdaman natin ang syang magdadala sa isang tuloy tuloy na relasyon.



Kwentong pag ibig na naman itetch!
Gusto ko lang sanang magpasalamat kay mareng kayedee dahil sa kanya nagmula ang katanungang itetch para maisip ko na ito ang gawin kong topic sa aking blog. Muli salamat kayedee, sana'y makapag comment ka na sa aking blog. Ano nga kaya ang problema?...


Kayo ba naniniwala din na isang araw pweeng mawala ang pagmamahal mo sa isang tao?

Tuesday, February 23, 2010

Ilabas mo na....

Hindi nyo na ba mapigilan?
Ilabas nyo na. Masama yan kapag dinibdib mo pa. Makukulob yan at alam mo na kung paano yan magwala. Masama yan magalit. Habang pinipigilan mas lalo nagwawala. Malakas ang amoy nyan ikaw din mas lalo ka mahahalata.



Isa sa pinaka mahirap pigilan na pakiramdam e yung gusto mo ng magbawas ng sama ng loob. Sa isang salita "pagtae".

Habang pinipigilan mo lalo ka kikilabutan. O wag na mag deny na feel nyo na din yon. Ang hirap noh? hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Lalo na kung sa lugar na napuntahan mo wala pa lang banyo! OMG!! ano ang gagawin mo?


May gusto lang ako i share na kwento. Ang topic natin ay about sa pag dumi kaya ang ikkwento ko din ay tungkol sa pagdumi. At dahil ito ay nakakahiyang pangyayari huwag na natin ibunyag ang pangalan ng ating bida. Itago na lang natin sya sa pangalang " Dark Lady".

Grade one si Dark Lady noon at habang nag kaklase sila may naamoy ang kanilang guro pati ang mga klasmeyt nya. Sabi nila amoy tae. Nagtanong ang kanilang guro kung sino ang umutot. at walang umaamin. Aba syempre sino ba naman ang aamin noh? At yung katabing lalake ni dark lady sabi sa kanya "ikaw siguro yun noh?". At eto namang si dark lady aba todo deny. "Hindi ako yun noh, baka ikaw yun." At dahil walang umaamin pinatayo ng kanilang guro lahat ng estudyante at pinatalon. Para lahat ng malalaglag ay malalaglag na.
At hayun wala ng ligtas pa natunton ang may sala. May natae sa unipormeng suot.


Ang may sala: Ang guro, dahil kung hindi pinalundag ng guro ang kanyang mag estudyante hindi malalaman na si Dark Lady pala ang nagkalat ng lagim. ^_^


Nakita nyo na, masamang pigilan ang mga ganong bagay sapagkat mas lalo ito nagwawala. Mas lalo ka nito ipapahiya.

Kaya bago ka pa man umalis ng inyong bahay magbawas ka na. At kapag nasa labas ka na huwag masyadong kumain ng sobra dahil baka abutan ka pa sa daan ng meeting.


Bonus ko sa inyo para mas lalo kayong ganahan magbawas....




So ano pang hinihintay nyo? Baka may nararamdaman na kayo ngayon ilabas nyo na..^_^

Saturday, February 20, 2010

Usapang Pag-ibig



Ang buhay natin ay nababalutan ng "pagmamahal". Bawat tao ay may kanya kanyang kwento tungkol sa kanilang pag ibig at depinisyon tungkol dito.


Ito ang ilan sa mga depinisyon nila:

"Love is not about finding the right person, but creating a right relationship. It's not about how much love you have in the beginning but how much love you build till the end." by Jumar


"Love is when you take away the feeling, the passion, the romance and you find out you still care for that person." by Victor


"Love is like swallowing hot chocolate before it has cooled off. It takes you by surprise at first, but keeps you warm for a long time." by Krystal Esplin


"Love is like a sprained ankle...it hurts, but you keep walking on it to see if it gets better." by Keagan


"Love is blind, hard to find, difficult to get, impossible to forget."


"Love is like a puzzle, hard to piece together, but beautiful when all the right pieces are put together." by Nicole


"Love can be the best feeling in the world ... it can also be the worst." by Olgen


"Love is when you have a bad day but then you see the one you love and everything seems to be okay. " by Gwen


"Love is like the air we breathe. It may not always be seen, but it is always felt, used and needed." by John



Kung ang tanong sa exam ay tungkol sa pag-ibig siguradong walang estudyanteng babagsak. Dahil kapag usapang pag-ibig na lahat ay buhay na buhay. Lahat ng katanungan may kasagutan sila sapagkat nagkaroon na sila ng karanasan tungkol dito.


Kapag daw nagmahal ka para kang nasa heaven ( namatay na ba sila at muling nabuhay?). Yun ang sabi nila. Marahil ang ibig nilang sabihin ay sobra ang kaligayahan mo kapag nagmahal ka. Sumasang ayon ako doon. Kapag nga nagmahal tayo nasasabi natin na "Bukas pwede na ako mamatay". Yung ganong factor ba. Kasi sobrang ganda sa pakiramdam. ^^


SIGN NG INLOVE

1. Kapag nag iisa ka naiisip mo sya. Matutulog ka na nga lang sya pa din nasa isip mo at kung minsan nasasagi pa sya sa panaginip mo.
2. Kapag nanonood ka ng movie feeling mo kayong dalawa yung bida lalo na kapag sweet yung scene.
3. Kapag may nakita kang magandang bagay gusto mo na itong bilhin para ibigay sa kanya.
4. Kapag nakakita ka ng lalake/babae tingin mo sya na lalo na kapag artista feeling mo sya yung napanood mo o nakikita. In short walang ibang itsura ng mukha sa utak mo kundi sya!. Lagi na lang si Val, si val na walang malay si val na..ay napa sobra ako! ^^
5. Kapag nag ring ang cellphone mo nagmamadali ka na sagutin ito at mag hello kaagad pero text lang pala. Masyado ka lang na excite akala mo tawag na. Nadapa ka pa man din kakamadali sa pagsagot sa tawag.
6. Kapag ang lagi mong shoutout sa facebook mo ay about sa love. At palaging nagpapapasa ng quotes tungkol pa din sa love.
7. Kapag nagpagawa ang titser nyo ng kwento tungkol sa love at ang naipasa mo ay kabilaan plus nanghingi ka pa ulit ng papel sa katabi mo dahil hindi pa nagkasya sa isang yellow paper.
8. Kapag naglagay ka ng solong album sa facebook at friendster mo kasama lang sya. Yung wala ng mga epal epal pang piktur. As in kayong dalawa lang.
9. Kapag nakita mo sya at bumibilis ang pintig ng puso mo yung kakabog kabog pa talaga.
10. At ang pang huli, habang binabasa mo ito naiisip mo sya. Dahil ganito ka sa kanya. ^^


Ako ang masasabi ko lang tungkol sa love....
Totoong masarap ang magmahal at lalo na ang mahalin ka. Hindi mo maikakailang masaya ka pero dapat kapag nagmahal ka alam mo kung hanggang saan. Kasi darating at darating yung panahon na masasaktan ka. Ayaw mo man pero sa hindi sinasadyang pagkakataon darating yun. Ang kailangan mo lang matutunan ay kung paano ito tanggapin at kung ano ang gagawin mong hakbang para maging maayos ito.

Minsan lang dumating sa buhay natin ang taong magmamahal sa atin ng totoo. Yung matatanggap kung ano at sino tayo, yung taong makakaunawa sa atin at yung taong magsasabi at papatunayan na mamahalin ka nya habang buhay kaya kung palagay mo sya na yun pahalagahan mo sya huwag mong hayaan na dumating yung araw na marealize mo lang yun kapag wala na sya. Walang masama kung magmamahal ka ng totoo. Lahat tayo'y makakaranas na maging masaya at malungkot. Kaya huwag ka matakot na magmahal dahil lang sa ika'y takot masaktan.



" Kapag ika'y nasaktan ibig sabihin ika'y nagmamahal"

Thursday, February 18, 2010

Sportsfest+ kainan+gala-gala= Sarap Buhay

Kahapon nagpunta kami sa Marikina Sports Complex dahil doon ginanap ang aming Sportsfest. At tulad ng madalas na pangyayari nauuna na naman ako sa meeting place namin ng mga klasmeyt ko at maghihintay na naman.haay buhay!


At nakarating kami sa marikina na tapos na ang parade. Buti nalang naabutan namin ang pagsisimula ng cheerdance. Pagkatapos ng cheerdance nag lunch na kami.( O diba sarap buhay katatapos lang manood ng kaunti lunch na kaagad)

Sa riverbank kami kumain. Dapat sana sa SM Marikina kaso mahal daw pamasahe kaya sa riverbank na lang.( Actually hindi ko nga alam yung pinuntahan namin kasi noon ko lang yun napuntahan. Basta sumunod lang ako sa mga klasmeyt ko.hehehe).


Dyan kami kumain.At talagang mabubusog ka dahil unlimited rice.Hmmmm sarap!!.

Kaya nga pala tabingi ang pagkakakuha ng picture dahil tabingi din yung pwesto ng nag picture.Klasmeyt ko nag picture nyan kasi naghugas ako ng kamay dahil kinamay ko na yung chicken.hehehe




Heto naman yung kuha kong larawan mula sa aking plato. Actually round 2 ko na yan ng rice.Nun ko lang naisip kuhanan ng picture kasi noon lang pumasok sa isip ko na gusto ko kayo inggitin.=)




Heto naman ang kamatayan ng chicken..=) Parang binagyo lang yung plato diba?


Pagkatapos namin mag lunch naglibot libot lang kami at bumalik na sa sports complex. After manood ng ilang laro umalis na kami para umuwi este maglibot. Nagpunta kami Gateway,tapos Trinoma bumili ako ng pillow dun at pinalagyan ko ng name (anong name?secret!!! =) ) tapos Sm North at doon kumain ulit kami.



Naghanap ako ng bandang tagong lugar para naman mapikturan ko ang aking kakainin. Kasi naisip ko na naman kayo na inggitin.chowpan lang naman! Pero kahit na lamang tyan din yan at talagang lalong gugutumin ang mga gutom na nagbabasa ngayon.






Hays nagugutom na naman ako ngayon.
In fairness ang saya ng lakad ko kahapon kahit na sa kabilang side ng aking emosyon ay may kalungkutan..naks EMO?hehehe

Wednesday, February 17, 2010

Isa sa maituturing kong kaibigan

Hello!!! Nabakante ang pag popost ko sa blog ko ah. Ano ginawa ko? Heto kumain lang ng kumain. ^^


Hays sarap talaga kumain. Isa sa pinaka masarap gawin sa buhay. Kaya heto ako ngayon nadadagdagan na ng taba. Tumataba na ako!!!!


At paano ka ba naman hindi mananaba kung kadalasan ay pagkain ang nakikita mo. Hindi lang sa bahay maging pati sa eskwelahan.


Ito yung una naming niluto,ang baked mac. Isa sa pinaka paborito ko dahil dyan ako may pinaka maraming nakain.(sarap!!)


Maging sa tour namin natakam ako sa mga pagkain na nakita ko kaya panay picture lang kami kasi sobrang ang sarap talaga,sa tingin pa lang.


Heto yung ilang larawan na nakuha namin nung umatend kami sa GASTRONOMIA ( A Hotel and Restaurant Management Workshop and Culinary Skills Competition.)




Sabi nila tingin pa lang nakakabusog na pero bakit ako mas nagugutom pag nakita ko? Ang pagkain talaga ang maituturing ko na isa sa kaibigan ko. Dahil kapag masaya ako kain lang ako lalo na kapag malungkot ako. Wala syang reklamo na samahan ka anuman ang mood mo. ( yung bulsa mo lang magrereklamo lalo na yung tyan mo kapag napa sobra. )


Kilala nga tayong mga pinoy bilang isang food lover ( naks parang dog lover lang ^^) Kaya nga kahit saan ka magpunta may mga kainan. Kumbaga mawala ka man siguradong may makakainan ka siguraduhin mo lang na may pera ka.





P.S

Kung tatanungin nyo ako kung paano ang preparation sa pagluluto ng mga nasa larawan ang sagot ko " Hindi ko alam". Nag picture lang kami dyan at hindi kami ang nagluto. ^^

Sunday, February 14, 2010

Lab..Lab..Lab...Lab..





Naglalagablab ang araw na ito ah! Puro usapang " LOVE".




Kamusta naman ang araw nyo? Saan kayo nagpunta? Este ang unang tanong pala muna ay kung may ka date kayo? O kabilang ko lang din kayo na nagbutas ng upuan at panay ang kain lang habang nag iinternet?




Para sa mga nagkaroon ng ka date ngayong araw. " E di kayo na may ka date, ako na wala."

Para sa mga nabigyan ng tsokolate. " Mamigay naman kayo".

At para sa mga nagbutas lang din ng upuan. " Hayaan nyo may next year pa, at least tayo hindi na expose ang kagandahan/ kagwapuhan sa labas."




Pero ang katotohanan hindi naman tayo dapat maiinggit sa mga nagkaroon ng ka date. Dapat nga mas matuwa pa tayo kung aayain tayo na lumabas ng ating mga jowakers kapag hindi valentines day ibig lang sabihin nun wala syang budget ngayong valentines este araw araw sa kanya ang pagpapakita ng pagmamahal sayo wala ng hihintayin pang buwan at araw para lang mailabas ka.



Tandaan na ang pagpapakita at pagpaparamdam ng pagmamahal ay hindi kailangang may oras o araw pa. Kahit kailan kahit anong oras maaari natin iparamdam ang pagmamahal natin sa isang tao.( isang tao lang huh!) special mention for the boys!! naku!.



Masarap magmahal at mas lalong masarap ang mahalin. Kung single ka naman huwag ka mag alala darating din yung para sayo. Siguro hindi sya para sayo kaya hindi kayo (natural). At kapag dumating na yun don't worry sayong sayo na. Itali mo pa! =)

Saturday, February 13, 2010

Sa letrang "B"... Bingo!!!!!




Anong meron bukas?...


Araw na pala ng mga Puso. Sa totoo lang akala ko next week pa ang Feb.14. Nawala na sa isip ko. At kung hindi lang dahil sa Bingo cards hindi ko maaalala na "Ui feb. 14 na pala sa sunday" ( e ano naman?!).


Naalala ko lang ito dahil siningil kami sa Bingo cards na binigay sa amin sa school. Oo tama kayo sa inyong nabasa. Bingo sa school!!. Malapit na kasi ang sports fest at nag fund raising sila para magkaron ng budget ang mga players. Ang naisip nila " bingo!!"



Hindi ako sanay mag bingo kahit ito pa ang paboritong libangan ng mga mamamayang Pilipino. Pero kahit hindi ka sanay obligado ka bumili ng pagkamahal mahal na bingo card. P25.00 isa pero dapat dalawa bilin mo kaya P50.00 yun. ( sayang pang kain na din yun).


Kaninang umaga nagsimula ang laro sa eskwelahan. Limang round yun pero dalawang round na lang naabutan ko kasi naman...( wala lang type ko lang).


Pagdating ko sa eskwelahan aba parang palaruan talaga ng bingo ang itaas namin. Hanggang hagdan may nakaupong estudyante at hawak hawak ang bingo card habang nagsisimula ng magsalita ang Bingo Master. At syempre ako naman nakiupo na rin,nagbabakasakali na manalo. Na sa totoo lang gabi pa lang inisip ko na kung ano gagawin ko sa mapapanalunan kong pera. At ang naisip ko......( Aayain ko mga dabarkads kong klasmeyt na kumain sa Jollibee, at ang oorderin ko ay yung super meal. Hmmm...sarap! )



Sa pang apat na round P1,000.00 ang mapapanalunan. Hindi ganon kaganda naging laro ko dahil panget yung card na napunta sa akin (sinisi ang card). Kaya ang pag asa ko na lang ay ang pang lima o ang pinaka huling round na doble ang premyo. At nagsimula na sa pagsasabi ng letra at numero. Sa una hayan maganda ang aking mga numero lahat ng sabihin meron ako. Naghahabulan ang dalawa kong card na matapos. Hanggang yung isa napag iwanan na kaya yung isang card na lang ang pag asa ko. Minsan nabibingi pa ako kaya tinatanong ko sa klasmeyt ko yung numero na sinabi. Hanggang sa dalawa na lang ang kailangan ko para mabingo na. Punuan kasi ang labanan. At hayan nasasabik na ako na manalo. Hanggang sa hayon!!!!! May nagtatalon na sa harap at sya ang nakabingo. P2,000.00 ang napanalunan nya sa punuan. Haays..sayang...akala ko pa naman makakakain kami ng mga dabarkads ko sa Jollibee at makaka order ng super meal ( Yun pa naman ang gusto ko kainin dun kasi tuwing pupunta kami dun gumagamit lang kami ng C.R o kaya pag sinuwerte at oorder kami e yung 39'ers pa.





Pero talagang ganon ang buhay, minsan may nananalo minsan may natatalo. Gasgas na ang linyang ito pero totoo naman yan. Minsan sugalan lang talaga pero kapag palagi ka na talo mag isip ka na. At hindi rin natin dapat hintayin ang lahat sa sugal, in short huwag umasa sa sugal. Kung may gusto tayong makuha paghirapan natin. Kaya ako kailangan ko pang mag ipon para makakain ng super meal sa Jollibee. ( promise babalikan ko yun! ) =) babaw lang ng kaligayahan!!

Friday, February 12, 2010

Batang Kalye




Kahit saan ka magpunta ngayon kay dami mong makikita na batang walang tirahan o ang tinatawag na batang kalye. Wala silang makain at walang matinong damit na maisuot. Nakakalat sa daan at naghihintay ng mga taong mag aabot sa kanila ng kaunting salapi upang maipambili ng pang laman ng tyan upang maibsan ang gutom na nararamdaman at makaraos sa buong araw na pakikipagsapalaran sa mundo. Tinitiis nila ang lamig sa lansangan tuwing sasapit ang kadiliman. Maghahanap ng lugar kung saan pwede sila magpalipas ng gabi. At upang makatakas kahit sandali sa hirap na nararamdaman. Ngunit minsan ay kahit na madilim na ang gabi at tahimik na ang lahat hindi pa rin natatapos ang kanilang pakikibaka sa buhay dahil ito naman ang oras kung saan mapag iisip nila at mas mararamdaman kung gaano sila kaiba sa ibang normal na bata.



Marahil ay naitanong na ng mga bata sa kanilang sarili kung bakit ganoon ang kanilang pamumuhay, na sa dinamidami ng tao sa mundo bakit isa sila sa nakakaranas ng ganoong kahirapan.



Oo nga naman. Bakit ang mga batang walang kamuwang muwang ay naranasan ang ganoong buhay pagkalabas nila sa sinapupunan ng kanilang ina.


Hindi natin mapipili ang buhay na gusto natin na maranasan, ngunit magagawa natin itong baguhin sa pamamagitan ng pagsisikap.


Kaya maswerte tayong mga hindi nakaranas na mamalimos sa kalye. Hindi nakaranas na pandirihan ng mga mapagmatang tao at mapanuring mga mata.


"Bakit nga ba naisipan ko isulat ang tungkol sa mga batang kalye?"


Sapagkat nais ko ipabatid sa mga taong hindi nakikita ang tunay na loob ng mundo na may mga taong nangangailangan ng tulong. Mga batang naghihintay na matulungan. Oo nga't may mga batang iba na pag uugali ( masasama na) ngunit ito'y dala lamang ng kahirapang nararanasan nila. Maitatama pa ang mga mali. Hindi ito nakikita ng mga taong nasa itaas o yung mga taong nakakaranas ng maginhawang buhay. Minsan sana'y subukan nila na pumasok sa mundo ng mga batang kalye. Upang maintindihan ang tunay na kahulugan ng buhay,kaligayahan at pagmamahal.


Patuloy silang lumalaban para mabuhay at makahanap ng kaligayahan at pagmamahal.


Karamihan sa atin ay dumaan sa kahirapan ngunit mas tingnan natin ang kalagayan nila kaysa sa atin. Masasabi mong maswerte pa rin tayo kaya anumang magandang nangyari sa buhay natin,matutunan natin na ibahagi ito.


Kahit sa simpleng bagay lang tulungan natin sila.
Kahit sagutin natin yung isang araw nila para mabuhay sila.

Thursday, February 11, 2010

KURSO...





Hallo!!!!! =) sabi sa inyo mang gugulat na lang ulit ako e,kanina lang ako nag post pero heto na naman ako.hehehe

Ano ba yang nasa picture? Hindi ibig sabihin nyan e nawawala ako sa tamang pag iisip ah,o naliligaw.
Ang nais ko kasi i share sa inyo ngayon ay ang aking KURSO.Bago ako napunta sa kurso ko ngayon ano ano ba yung mga pinangarap ko dati na kurso.Nag comment kasi sa akin si pareng drake,hahaha feeling close ako noh. Masyado lang ako na touch sa pag comment nya sa aking blog, kaya naman bilis umandar ng isip ko ngayon kaya heto naka isip ng topic. May makwento lang ba in short papansin.


Alam kong hindi naman ganon kahalaga kung isisiwalat ko sa inyo ang mga kursong nasa utak ko, ano nga ba paki nyo may mapapala ba kayo sa kwento ko? Pero dahil sa akin tong kwento syempre isasagot ko meron kasi may malalaman kayo about sakin.( feeling artista?)


Alam nyo ba na bata pa lang ako mahilig na ako maglaro ng lutu-lutuan, at ang niluluto ko ay ang mga dahon sa puno sa bahay ng kaibigan ko (inuubos ko dahon ng puno nila) at syempre hindi ko naman kinakain yun, hindi kasi masarap luto ko. Pero hindi ko naisip na ang kunin kong kurso ay taga luto (HRM).


Heto ang mga kursong nasa isip ko noon na gusto kong kunin at dahilan kung bakit hindi ko ito nakuha.


  • Nursing- Bata pa lang ako gusto ko na maging nurse kasi ang nasa isip ko lang na gagawin ko noon ay taga abot ng gamit sa doktor, akala ko simpleng bagay lang gagawin ko,saka ang ganda kasi ng uniform ng nurse,parang ang seksing tingnan baka sakaling maging seksi ako. Isa pang dahilan kung bakit gusto ko maging nurse ay dahil madami kako na gwapong doktor dun (kitams bata pa lang ako,gwapo na nasa isip). Kasi twing manonood ako sa telebisyon ang nakikita kong gumaganap na mga doktor ay gwapo kaya naman nahikayat nila ako.

Pero bago pa man ako mag college syempre natukoy ko na na hindi ko pala kaya maging nurse,kasi napag alaman kong hindi lahat ng doktor gwapo.hehehe. At hindi lang pala taga abot ng gamit ang gawain ng nurse,maaari din sya mang gamot ng tao para mabuhay. Ang kinatatakot ko pa nito baka may mangyaring masama sa pasyente ko e hindi ko makayanan baka makasama pa ako sa ibuburol. Kaya ekis ang sa listahan ang pagiging nurse.



  • Fine Arts- Syempre bata pa lang din ulit ako may lumitaw ng talent sa akin ang mag drawing..... ng stick man.=) Mahilig ako noon mag drawing lahat ng makita ko para bang nangangati ang kamay ko na gustong magnakaw este mag drawing pala. Ito sana ang isa sa pinagpipilian kong kurso nung ako'y mag kokolehiyo pero naisip ko na naman madaming math ito,allergic ako sa math. Kumbaga makita ko pa lang number umaariba na sakit ng ulo ko. Isa pa ngayon bihirang bihira na lang ako mag drawing,maisipan ko lang kung kelan saka ako mag do drawing. Alangan naman na kumuha ako ng ganong kurso tapos pag tinanong ako ng professor namin kung nasaan ang gawa ko e ang maisagot ko " sir wala ako sa mood mag drawing kaya wala ako nagawa" at tiyak na tiyak na isasagot sakin ng prof. ko " Wala din ako sa mood na ipasa ka" wenk!!! bagsak ang dating!


  • Photography- Pero ang alam ko kasama na din ito sa fine arts (yun ang balita nila sa akin) Mahilig ako kumuha ng picture. Kaya isa rin yan sa naisip ko na kunin kong kurso.


Pero ang hilig ko lang kunan ng litrato ay ang sarili ko. Kaya nga bumabaha na ng litrato ko sa friendster at facebook ko. Kahit hindi photogenic sige lang ang pa piktyur.paki ba nila diba nga sabi nila try and try until you succeed baka sakaling sa kaka pagpapiktyur ko e gumanda ako sa litrato. At kung hindi man e naniniwala din naman ako sa sabi ng mga hindi photogenic na " Ang hindi maganda sa picture, mas maganda daw sa personal". Kaya iyan ang dahilan kung bakit ekis na din yan sa kukunin ko dapat na kurso. Baka maipasa kong gawa ko e yung mga piktyur ko. Maging sikat na modelo pa ko.=)



Hindi ko malaman noon kung ano ba talaga kukunin kong kurso. Hindi pumasok sa isip ko ang pagiging guro kasi pag guro ka parang paulit ulit lang mangyayari sa buhay mo. Mag aaral ka na sa pagiging guro at kapag nakapasa ka sa board exam mag aaral ka pa din para sa mga ituturo mo sa mga estudyante. Hindi rin pumasok sa isip ko ang kursong I.T na in ngayon. Lahat ng mga kapatid ko sa ganoong kurso nagtapos kaya siguro hindi ko iyon nagustuhan kasi gusto kong maiba naman ako. ( gusto kong wala naman akong kurso,hehehe,joke).


At doon pumasok sa isip ko ang kursong HRM,dahil sa mahilig ako kumain in short matakaw sa pagkain. Kumain lang...Gusto ko sana ang matutunan ko ay ang pag be' bake. Kung naaalala nyo pa ang topic ko sa " USAPING PEBRERO" may nabanggit ako doon na walang nagbigay sa akin ng tsokolate,at nung magkaroon minsan e bawas pa. Gusto ko sanang gumawa ng tsokolate o mag bake ng cake. O diba pag sanay na ako sawa sawa na ako,hindi na ako maghihintay ng may magbibigay sa akin. At syempre matututo din ako ng flower arrangement, gagawa din ako ng design na flower na gusto ko hindi ko na ulit hihintayin na may magbigay sa akin. Solve ang problema! hehehe


Gusto kong matutong magluto ng mga kakaibang putahe na maihahanda ko sa aking mga minamahal at sa mga taong hindi ako minamahal baka sakaling magayuma ko sila.=) At ngayon eto na nga Hospitality Management ang kurso ko, halong tourism na HRM pa. 2-1 ba! o diba?
Ang magiging tawag sa akin ang " Babaeng gala na matakaw!" parang baboy ang dating noh?! hehehe.



O pano hanggang sa muli ulit...Ako'y manggugulat muli..( mamaya) hehehe joke! gabi na,may pasok pa bukas..Babush!!

Wednesday, February 10, 2010

Ang Araw ko!!



Kamusta naman ang araw ninyo?....
Hays...ako heto kagagaling lang sa school. Yup tama ang nasa isip nyo isa akong estudyante.( yun nga ba ang nasa isip ninyo?) Isa akong mag aaral sa (eskwelahang pula). Ang aking kurso ay Hospitality and Management. Halong tourism and HRM. Wag na kayo magtanong pa ng iba tungkol sa aking kurso dahil hindi ko na alam.hehehe. Basta isa akong estudyante.

Balik na sa usapang pangyayari sa araw ko ngayon. Umaga ang aking pasok kaya maaga pa lang gumising na ako at tulad ng araw araw na nangyayari late ako ng 15 mins. dahil sa mabagal kong nakababatang kapatid. Ang aga kong natatapos gumayak pero sya naman napaka bagal, nadaig pa ako. Pero syempre dahil sa maswerte ako nauuna pa rin ako sa aming professor. Kaya sinong mas late? Tinapos namin ang aming project sa Tourism,ginawa namin ang aming documentation sa inatendan naming contest. Para kaming bumabalik sa elementarya sa paggamit ng iba't ibang makukulay na papel. Take note isa ako sa rainbow ang pagkakagawa ng proyekto. Girl na girl!


Pagkatapos nun,diretso na klase namin at ng mag Lunch time na, syempre yan ang pinaka paborito naming subject, nagpunta na kami sa aming kainan " Ang carideria sa palengke" Yan lang kaya ng aming budget. At solb na kami sa isang order ng inihaw na baboy ( walang kamatayang inihaw), kanin, softdrinks at may libre pang sabaw sa halagang P30.00 pesos.Kaya ano pang hinihintay nyo kain na kayo!!! Nagmahal pa nga yan e, last year P25.00 lang kain. Nagpalit lang ng taon nagpalit na din ng presyo. Pero talagang ganon,lahat tumataas. Kayo na lang hindi tumataas (yabang,parang kay tangkad eh).


At pagkatapos ng aming lunch, inantok na kami. Ang sarap kaya matulog pag busog. Pero syempre may isa pa kaming klase kaya hindi pa pwede ang aming kagustuhan. Sa filipino subject namin mas lalo kami inantok. Yung iba napapapikit na at ako gustuhin ko man hindi pwede kasi nasa harapan ako baka makita ako ng aming professor at masapul ako ng eraser (uso pa ba yun?) Nasa harap ako kasi medyo mahina ang pandinig ko sa hina magsalita ng aming professor.


At nung matapos na ang klase hays..laking ginhawa,uwi kagad ako. Hindi na ako nag gala pa,hindi naman kasi ako mahilig gumala lalo na kung ganitong mainit. Para bang galit na galit ang araw sa sobrang init. Sumakay na ako sa dyip papauwi, kulang 30 minutos ang byahe kung hindi kami parang pinaparada sa pagmamaneho ng driver. Ang nakakainis lang sa pagmamaneho ng driver ay yung hindi makinis ang pagmamaneho nya,yun bang parang laging bitin na bitin yung paghinto. alam mo yun? nakakasakit tuloy ng ulo. Nakakaimbudo yun ah..


At pagkababa ko ng dyip sumasalubong sa akin ang init ng araw. Maglalakad pa ako ng 5 kanto pauwi samin, isang kanto lang pala. May tricycle naman na masasakyan dun pero dahil sa ako'y kuripot na tao nilalakad ko na lang yun kahit na mainit at wala akong payong dahil nawala ko ito noong isang araw (siguro'y may mas nangangailangan na mag payong,masyado pa daw ako maputi ng konti sa ita) at kahit na may kataasan ang takong sa aking sapatos ( nag pi feeling modelo ). Minsan ko na kasi naranasan ang mag tricycle, at pagkaupo ko pa lang maya maya pa'y bababa na pala ako, hindi ko man lang na enjoy yung bayad na P20.00. Kaya simula noon naglalakad na lang ako,sayang din yung P20.00 pambili na rin yun ng pang lamang tyan. At pagkauwi ko sa bahay nagbuklat ulit ako ng makakain, at swerteng meron natira kaya ayun kumain muna ako bago magbukas ng aking peysbuk at mag kwento dito sa aking blog.


Iyan lamang po ang nangyari sa aking araw. Minsan pakiramdam ko paulit ulit na lang ang nangyayari sa araw araw ko. Sana naman maiba...


Hanggang sa muling pag gulat ko....=)

Usaping Pebrero


At dahil malapit na ang Araw ng mga Puso naglipana na kung saan saan ang mga nagtitinda ng mga pwedeng pang regalo sa Araw ng mga Puso. May tatlong nangungunang pang regalo na hinding hindi mawawala pag ganitong buwan.

  • Stuff toys- Bakit nga ba nakagawian ng magregalo ng stuff toys pag buwan ng Pebrero,maliit o malaki,malambot o matigas ibibigay basta masabing nakapag regalo.
  • Flowers- Madalas na mabenta ang rosas kapag ganitong buwan (natural alangan naman na maging mabenta ang bulaklak ng patay). Usong uso din ang mga fake na bulaklak. Meron nga tatlong piso may kasama pang kendi. o diba bagay na bagay yun sa mga estudyanteng walang budget. May bulaklak ka nang hindi nalalanta may kendi pang bonus. Solve ang problema mo pangregalo.
  • Chocolate- Numero uno ito sa pinangbibigay sa kasintahan o nililigawan. Kaya napakadami ding tsokolateng lumalabas sa mga tindahan. Merong bilog na tsokolate dalawang piso isa. Meron din naka box na pero ganon pa din laman. Meron naman ginagaya ang name ng original na tsokolate tulad ng "toleron" akala mong tobleron dahil sa packaging. Pero it's ja fake pala!

Tayong mga Pilipino pinaghahandaan ang Araw ng mga Puso. Todo ipon at kung kinakailangan huwag na mag lunch para lang makabili ng pang regalo sa iniirog.( Gawain ng mga estudyante,lalo na sa highschool). Hind man original,wala ka man maamoy at hindi man malambot yung ibibigay sa atin naghihintay pa din tayo.( isa na ako dun) Masabi mo lang at maipagmayabang mo lang na nabigyan ka. At sila namang kwekwentuhan mo mapapa " WOW". Naiinggit mo sila!!

At sa buwan ng Pebrero napansin nyo rin ba na uso din ang damit na pula. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kabaduyan o ma tatats sa magkasintahan na nakasuot ng parehong itsura at kulay ng damit. Ako hanga sa mga lalakeng magsusuot ng ganon kasi bihira sa mga lalake ang pumayag sa ganong kakornihan ng mga babae. At mas lalong hanga din ako sa mga babae dahil napapayag nila ang kanilang mga kasintahan na magsuot ng ganoong istilo. Lalo na kung pagkatapos ng araw na iyon ay hindi sila i break ng lalake.


At dahil nga usaping Pebrero naman ito gusto ko lang i share yung mga karanasan ko.

Alam nyo ba na elementary pa lang ako kapag Araw na ng mga Puso bumibili ako sa labas ng valentines card at fake na flowers para ibigay sa nanay ko. Mahal ko nanay ko e! naks! Pero take note naghihintay din ako ng magbibigay sa akin at dahil nga maraming nagmamahal sa akin ni isa wala akong na receive. Kaming magbabarkada ang nagpapalitan ng regalo. Para lang hindi namin dibdibin na masyadong maraming nagmamahal sa amin. Sabi ko lang sa sarili ko sa highschool marami ako siguro matatanggap na regalo.( masyado akong tiwala sa kagandahan ko noon)

At eto na nga,dumating na ang araw ng pinakahihintay ko. Isa na akong dalaga.First year highschool na ako,naghihintay ako ng magbibigay sa akin ng tsokolate. Yung iba kong kaibigan na babae nakakatanggap na ng tsokolate galing sa manliligaw nila. Pero ako hayun! kahit honey walang nagbigay. Lagi ko ka exchange gift yung mga kaibigan kong sawi rin sa tsokolate. Kahit nung mag second year ako wala pa din nagbigay. Sabi naman ng nanay ko maganda ako. Pero bakit walang nagbibigay sa akin? Hindi naman ako maselan sa regalo,kahit nga yung toleron na immitation ng tobleron tatanggapin ko. O kahit yung tinitinda na lang ng titser namin na tsokolate na dalawang piso isa tatanggapin ko ng buong puso. Pero wala talaga! Wala! Minsan nga nagkaroon pa ng katuwaan yung ibang estudyante sa school namin yun bang kasal kasalan. Yung hahatakin ka na lang tapos may hahatakin din sila na lalake na ipapartner sayo. Papansin ako sa lugar na yun,panay doon ang daan ko para mahatak ako pero walang humahatak sa akin. Hays ewan ko ba bulag na yata mga tao ngayon!


Kaya nung third year na ako.Hindi na ako gaanong umasa pa na may magbibigay sa akin,kasi nakakasakit lang ng damdamin kung wala din naman pala ulit ako matatanggap. Kaya ayun naghahanda na lang ulit ako sa pagpapalitan namin ng mga kaibigan ko ng tsokolateng binili sa kantina namin. Pero eto na! Papauwi ako noon kasabay ko mga kaklase ko na naglalakad. May bumulagtang nagbigay sa akin ng isang malaking HELLO KITTY ( pero matigas kasi yun yung dyaryo lang loob) Pero ayos na kaysa wala. Na shock ako nung binigay sa akin iyon. Panaginip ba itetch? nasabi ko sa sarili ko. At dahil pers taym ko nakatanggap ng regalo pa drama itetch ang lola mo. Isnabera ang dating. Tinakbuhan ko yung nagbigay sa akin ng stuff toy. Hindi dahil sa sinisingil nya ako sa bigay nya kundi hindi ako sanay ng may manliligaw sa akin at regaluhan ako ng ganon. Persy taym nga e! Hay naku kaloka,tuwang tuwa mga kaklase ko noon sa ginawa kong pag takbo sa guy na yun.Na windang sila sa eksena na yun. Parang pacman na games ang dating.


Well yun ang una kong regalong natanggap at kahit matigas ang Hello Kitty na iyon na pwedeng ipamarikit sa apoy na appreciate ko naman,iningatan ko yun ng husto baka kasi last gift na yun na matanggap ko. At nung mag fourth year ako, nakatanggap ulit ako ng unan naman. Malambot na yung unan na yun.


At eto pa,tutal usaping regalo din ito naalala ko nung minsan na madestino ako sa isang outlet. Yung isang empleyado dun may lihim na pagtingin sa akin. Alam nyo ba na na tats ulit ako kasi binigyan ako ng tsokolate.Huwatttttttt????!!! Tama ang iyong nabasa,hindi ito valentines day pero nakatanggap ako ng tsokolate. At tobleron pa!! Huwatttttt ulit?????!! Oo malinaw na malinaw ang nabasa mo. Tobleron ang natanggap ko at hindi toleron. TSOKOLATE ngunit bawas!!!! Huwattttttttt??tama ba narinig ko bawas?!!!! hay naku magbulag bulagan ka na lang,hanga ka na sana sa ganda ko kaso bawas pala naibigay sakin. Oo bawas na yung tsokolate kasi kinain na nya saka ng iba nyang kasamahan. Nalaman ko na bigay sa kanya ng boss nya yun kasi malapit na ma expired yung tsokolate.


Maswerte nga ba ako minsan o nag sweswerte swertehan lang? Para bang tinapay na pero naging bato pa. Ang masasabi ko lang may mga natutunan ako.

Una huwag mag expect ng mga bagay na pang maganda lang.
Pangalawa mahalin ang iyong mga kaibigan dahil sila rin ang karamay mo pagdating ng valentines day.
Pangatlo magpasalamat kung may nagbigay pa sayo,lalo na kung bihira lang mangyari yun sa buhay mo.
At ang pinaka huli huwag mag feeling maganda kung hindi naman pala halata lalo na kung nanay mo lang nagsasabi sayo.


Iyon lang po muna ang aking wento sa araw na ito. Muli lilitaw ang Dark Lady sa inyong likuran at manggugulat na lamang sa mga kwentong kanyang ibabahagi mapa aksyon man,comedy,drama o suspense.
Kung kayo'y may suhestyon sadya lamang na ipabatid sa akin. Yun lang at maraming salamat po! =)

Tuesday, February 9, 2010

Ang Aking Simula...


Sa wakas nakapagsimula na ako sa aking "BLOGGGG". May ganon talagang effect eh!!

Sa maniwala kayo at sa hindi pero sana maniwala naman kayo,noon ko pa gustong gumawa ng blog pero hindi ko masimulan. Pero ang mahalaga nyan nakagawa na ako.Madami akong gustong ikwento sa blog ko na ito.Marami akong gustong i share . Pero dahil sa katagalan nakalimutan ko na.( nag uulyanin!)

Bakit nga ba " Dark Lady" ang name title ng blog ko?

Dahil ba....

a. Ako ay emo na babae,( madilim ang aking nakaraan)
b. Ako ay maitim na babae in short negra.
c. Gusto ko lang maging isa akong lady dahil ako ay isang vaklushi.

Ang tamang sagot ay wala sa tatlo. Unang una alam kong minsan may pagka dramatic ako,pero hindi ako todo emo.( ni minsan hindi pa ako na awardan ng pagiging dramatic actress,supporting actress pa lang) Pangalawa alam kong hindi ako ganon kaputi at mas lalong hindi naman ako negra.(yun e sa paningin ko). At pangatlo trulalu itetch na girlalu noh! my pruweba ba kau na vaklushi aketch? Gusto nyong majombag kayo?hehehe..

O sige na nga siret na kayo kung bakit " Dark lady". Kase ganito itetch....Dugudug..dugudug..........(hindi yan heart beat ko,drum yan. makisali na lang kayo..)

Wala lang,type ko lang.bakit ba?Hindi,kasi masyadong mahinhin kung Lady lang ilalagay ko at kung white lady naman e baka akalain horror ang ikukwento ko.Isa pa pag "Dark Lady" malakas ang dating,kumbaga parang mysterious.(umoo na lang kayo)

E ang daming title na pwedeng ilagay bakit iyon pa naisip mo?

Wala na ako maisip na title e,bakit ba? Gusto ko dark lady!! wala ng epal epal pa..